Inuwi si Lailyn ng mga magulang mula sa hospital. At binilhan nila ito ng mga fresh na prutas para sa pagbubuntis nito. Hindi pa lubusang makapaniwala ang mga magulang ni Lailyn sa pagbubuntis nito. Wala palang diperensya ang anak nila, ngunit nasira na ang lahat. Nasira na ang pagsasama nito at ng asawang si Marcus sa maling result na ibinigay ng Doctor kay Marcus. Nang malaman ni Anikah na nagfile na ng annulment si Marcus sa asawa nitong si Lailyn ay natuwa na sana ito. Kararating lang nito mula sa London sa pagbabakasyon. Nagalit si Anikah nang malaman na may ibang babae na naman sa Mansion ng kanyang ex boyfriend at may anak pa ang mga ito. " Bakit ang bilis namang nakahanap ni Marcus ng babaeng ipapalit niya sa asawa niya? may anak na agad? paanong nangyari? nagloko na ba si Mar

