Biglang nawaglit ang mga ngiti ni Marcus. Halatang napahiya ito sa inasta ni Haneline. "Haneline, bakit ka nagagalit? nakakahiya kay Miss Emerald. She's our visitor." Nagsalubong ang mga kilay na wika ni Mrs. Florenda Monteverde sa kanyang magiging manugang. "Haneline." Sambit ni Marcus na nagbabanta ang mga tingin nito sa magiging asawa. " Sorry, mommy Florenda. At sorry din sa bisita niyo kung naging bastos man ako. Sige, kayo na muna dito. Excuse me." Ani Haneline na halatang nagtitimpi lang ito sa galit nito dahil umiiwas itong h'wag magalit ang magiging biyenan. Umalis nga ito at walang lingun-likod sa kanila. Sinundan nalang ng tingin nila ito at lihim na natutuwa si Lailyn. " Kakasimula ko pa nga lang, Haneline, pero inis na inis ka na." Ang sabi ni Lailyn sa kanyang isipan

