Biglang nanginig si Mrs. Florenda Monteverde sa kanyang narinig mula kay Emerald. "No! hindi 'yan totoo!" gulat na sambit nitong nanlaki ang mga matang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng asawa nito. Gustong matawa ni Lailyn sa mga nakitang reaksyon sa mukha ni Mrs. Florenda Monteverde. At habang ang asawa nitong si Mr. Arthur Monteverde ay hindi agad nakapagsalita ng mga sandaling iyon " Mga hayop!! sa libu-libong pag-iisip ko ay di ko akalain na ganito ka pala, Emerald! mag-ama talaga ang pinatos mo!? si Marcus at ang kanyang ama!?" namilog ang mga matang asik nito sa kanya. Napatingin na naman sa kanila ang mga ibang kumain sa restaurant na iyon. Ngunit walang pakialam si Lailyn dahil ang tanging gusto niya ngayon ay makaganti sa mga Monteverde! gusto niyang pag-aa

