Natuwa naman si Lailyn sa narinig kay Marcus. Kunti nalang talaga ay madala niya ito. Mas lalo tuloy siyang nagalit rito dahil ginamit pa nito ang kanyang pangalan na kunyari ay gano'n siya ka-mahal nito upang mapahanga si Emerald ang mukhang nasa kanya ngayon. Alam niyang hindi na magtatagal ay mabaliw sa kanya si Marcus. Hahanap-hanapin na siya nito kapag sakaling tuloyang maiinlove na ito sa kanya. At doon na siya makaganti kay Marcus. Gugulohin niya ang buong pamilya nito. " Bakit hindi ka nakasagot?" Tanong pa nito sa kanya. "At sino ba talaga ang asawa mong iyon, Marcus? Is she more beautiful than me? Is she more attractive, Marcus?" Taas-kilay pa niyang tanong rito. Biglang nagdilim ang mukha nito sa kanyang sinabi. "Kung gusto mo akong maging kaibigan, h'wag kang magsasalita

