Nang sinabi naman ni Lailyn kay Felizardo ang problema ni Mrs. Florenda ay nag okay naman ito. Sinuportahan parin siya ni Felizardo kung ano ang kanyang mga plano. Samantalang si Marcus naman ay di na nakatiis pa at tinawagan na siya nito upang muli silang magkita. Miss na miss na daw s'ya nito. Kaya nagkita na naman sila nito. Nagpunta siya rito sa office nito. Mga alas dos na nang hapon. Kanina pa naghihintay si Marcus kay Emerald sa kanyang office ngunit hindi pa ito dumating. Kaya nakaramdam na ng pagkainis si Marcus. Sabi kasi sa kanya ni Emerald ay darating ito ng 1:00 pm pero malapit na lang mag alas tres ay di pa ito dumating. Niligpit pa Naman niya ang kanyang mga papeles para bukas na lang i-check ang iba. Dahil naghihintay na siya rito. Kung hindi lang sana mali ay siya na

