Glorydale's POV Bluebell's Cafe Kakarating lang namin ni Ax sa Bluebells Cafe sa mga oras na iyon habang halos asong makabuntot naman sa amin sina Hiron, Lance at Rix. "We're here.. " Masayang sambit ko pa sa apat na lalaking kasama ko. Puro nakaseryoso ang mga mukha nito na animo'y hindi nakapag agahan ng husto. Napaismid pa ako sa sandaling iyon nang maalala ang kapalpakan namin ni Ax. "Uhm, don't worry we'll eat breakfast inside. My treat." Sabi ko pa na siyang ikinanguso ulit ni Ax. "No way. They have money. They can pay themselves." Sambit pa nito na tiningnan ang gawi nila Hiron na napapasipol na lang sa kahibangan ng kanilang amo. "No. My treat, and it's final. Right baby?" mariin ko pang sinambit ang huling salita. Napabuntunghinga na lang ito at walang nagawa kundi i

