Glorydale's POV Kitchen Nakabusangot ako ngayon habang tanaw si Ax sa suot nitong apron. Maaga kaming nagising dahil nagugutom kaming dalawa sa mga oras na iyon. Sino ba kasing hindi magugutom sa pinag gagagawa namin kagabi na halos mag uumaga na yata natapos ang tila rumble na kaganapan. Tanaw ko pa ang buhaghag nitong kulot na buhok habang walang saplot sa itaas na bahagi. Suot lang nito ang boxer shorts habang tabon ng apron. "Sigurado ka bang marunong ka?" Tanong ko pa kay Ax habang sinisipat ang hawak na itlog at isang wooden spoon. "Yeah, I am." Pagmamayabang pa nito. Nagrequest kasi ako na gusto ko ng sunny side up na itlog at ham and cheese na loafbread. Naiserve na niya ang sandwich ko, habang kanina pa hinihintay ang request na itlog. Nagpapainit na ito ng mantika h

