bc

Dear Diary

book_age18+
209
FOLLOW
1K
READ
stalker
sweet
bxg
humorous
hackers
reckless
love at the first sight
assistant
naive
Neglected
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG STORY. ONGOING

Dear Diary,

"Sadyang maliit lang ang mundo para sa'ming dalawa. Sa pagkakataong ito, mapapasakamay ko na ang bebe love ko. Watch me!"

Yours truly,

Sariah

To make the story short:

First crush ko ang heartthrob na si Storm pero para lang itong bagyong dumaan para wasakin ang puso ko. First heartache ko ang walanghiyang 'yon pero hindi mawala-wala ang pagtatangi ko kahit ano pang pangdededma ang gawin niya sa'kin

.

Head over heels ba? Isa ako sa mga babaeng ginagawa ang lahat mapansin lang niya pero naka-graduate lang ako ng high school, hindi ako nagtagumpay sa plano ko.

Feelingera? Ganito ang pakiramdam ko dahil feel na feel kong mahuhulog siya sa bitag ko pero bigo ako.

Makakalimutan ko na sana ang ultimate crush ko noong high school pero muling nagtagpo ang landas namin pagkatapos ng anim na taon. Isa ako sa mga aplikanteng nag-apply sa kompanya ng lalaki kaya muling nanumbalik ang pagkahumaling ko sa CEO; na walang iba kundi ang ultimate crush ko, si Storm Alcaraz.

chap-preview
Free preview
Episode 1: Game On
Dear Diary, So heto na nga, papasukin ko si Storm sa kwarto niya para magawa ko ang maitim kong plano. Secret muna, ha? Later na kita babalikan. Yours truly, Sariah Panay ang buga ko sa palad ko kung mabango ba ang hininga ko nang bitawan ko ang diary ko at nang masigurong approve ito sa pang-amoy ko, napangiti ako nang malawak. Simula na ng laro kaya nagkukumahog ako sa plano kong ito. "Sariah," anas ko patungkol sa aking sarili. "This is not right pero s**t," inis kong sambit. "Kailangan mong manalo sa palarong ito. Kailangan mong daanin sa dahas si Storm para hindi na makaungos ang kalaban mo." Napahinto ako nang makarating sa tapat ng pinto ng boss ko. Patingkayad akong pumasok sa kwarto ni Sir Storm nang masiguro kong walang nakakita sa akin. Tulog na ang lahat dahil sa pagod. Sa rami ba naman ng napagdaanan naming palaro sa araw na 'to, naghihilik na ang limang bruha na katunggali ko sa labang ito. Dalawang tasang kape. Oo! Nagtimpla ako ng kape na wala nang halong asukal; 'iyong mapait talaga para gising na gising ang diwa ko sa pag-rape sa boss ko ngayong gabi. Siyempre ang plano ko, kapag may nangyari na sa amin, papanagutin ko siya para pakasalan niya ako. Easy! Ang galing kong mag-isip para sa kamay ko bumagsak ang lalaki. Saglit akong natigilan nang maisip ang kagagahan ko. Kaya ko ba? Pinaypayan ko ang sarili ko at huminga nang malalim bago ko binuksan ang pinto ng kwarto nito. Isang roba na manipis ang suot-suot ko na nabili ko pa sa ukay-ukay. Grabe pa ang tawad ko nito sa tindera para lang makuha ito. May rainbow na design kasi ito kaya lahat ng favorite colors namin ni Storm nandito na; ang ROYGBIV. Abot hanggang langit ang ngiti ko nang bumukas ang pinto niya matapos kong itulak ito nang dahan-dahan. Napatakip ako sa aking bibig nang tumambad ang lalaki suot lang ang brief nitong kulay indigo. Nasa isang deserted na lugar kami ngayon para masubukan kung sino ang karapat-dapat na magpapanggap na girlfriend ni Storm sa huwad nitong pamilya. Hindi pa ganun kalinaw ang pagkaka-explain ng kanang kamay ni Boss pero tumimo lang sa utak ko ang salitang girlfriend. Kalahati lang ng kumot ang nakatakip sa bandang bewang nito nang mabungaran ko kaya kalahati ng katawan nito ang nakikita ko. Napadila ako nang maging isang letson na manok ang naging tingin ko rito. Ang favorite kong pagkain. Nakakatakam! Saglit kong pinadaanan ng daliri ang suot kong panloob nang makapasok na. May coding si Boss kung ano'ng araw ang color ng suot niyang panloob kaya naman naghanap din ako ng masusuot ko na kakulay nito. Naniniwala ako na swerte ang color coding naming dalawa. Ang suot kong kulay indigo na pag-aari ni Storm, kinilig ako nang very slight kaya hindi ko napigil ang biglang pagpilig ng ulo ko. Kinilig ako sa naisip ko. "S-Storm," anas ko. "Ang m-macho mo. Ang guwapo... sa'kin ka lang, b-baby ko." Pinigil ko ang hininga ko nang dahan-dahan akong maglakad matapos kong ma-lock ang pinto niya. "Hmm..." Napapailing ako habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. "K-kahit tulog ka, isa ka pa ring Adonis na walang kupas. My ultimate crush..." Nanlaki ang mata ko nang may marinig akong lagaslas ng tubig mula sa banyo. Diyata't may kasama rito ang boss ko? Napigil ko ang hininga ko nang marinig ko pa ang boses na iyon na nagmumula sa banyo. Kanta? Bakit mukhang kumakanta ang impakta este ang sinumang nasa banyo at talagang boses babae pa? Parang may sumaksak na patalim sa puso ko nang maisip kong may kaniig na iba ang mahal ko. "I'm coming, Storm. Andiyan na'ko, honey..." Malambing na sigaw ng babae na nagmumula sa banyo. "Oh, my honey... h-honey. I w-will eat you alive and will surely enjoy it." Sinundan ito ng malakas na pagtawa ng babae sa loob. Bumuka ang bibig ko sa sobrang pagka-shock at nataranta na nang makita kong pumihit ang seradura ng banyo. Halos tinalon ko na ang kinaroroonan ng wardrobe closet para itago ang sarili ko. Pinanlamigan ako ng katawan nang magtagumpay ako sa pagpasok sa loob nito na kaharap lamang mismo ng kama ng amo ko. Hindi naman kalakihan ang kwarto ng lalaki pero ito kasi ang pipili ng mananalo kaya sumama ito sa challenge naming ito. Napalunok ako nang iawang ko ang pinto ng closet. May dumaan pero hindi ko makita ang impakta. Naging dimlight bigla ang ilaw nang patayin ito ng babae at labis ang pagkadismaya ko nang likod lang nito ang makita ko. Ang bruha, talagang nakatapis pa ng tuwalya. "H-honey, it's been a w-while. I missed y-you. Ohh, S-Storm." Ito ang sinabi ng bruha at talagang halos himatayin ako nang makita ko kung paano dumaan ang kamay nito sa exposed na dibdib ng baby love ko. "Ang h-hayop!" Halos hindi na ito lumabas sa bibig ko pero talagang gigil na gigil ako. "Huwag na huwag mong m-masayaran ng kamay mo ang baby ko." Gusto kong isigaw ito pero hindi ko magawa. Nakuntento na lang akong iawang pa ang pinto sabay saklob ng robang nakuha ko para hindi ako mahalata na naninilip. Dalawang tao yata ang pwedeng magkasya rito sa pinagtataguan ko. Ni hindi man lang ako napansin ng haliparot. Kailangan kong alamin kung sino ang katunggali kong ito na nangahas sa Papa Storm ko. Ako ang dapat magwagi sa challenge na ito. Walang dapat manalo dahil ako lang ang winner dito. "Masyado kang nagpakalasing, Storm, but don't worry. Leave it to me, honey." Muling saad ng talipandas nang marinig ko. Sa biglang pagharap nito sa gawi ko, nanlaki lalo ang mata ko. "Ako ang mananalo, Storm, I'll make sure of that." "C-Candace," anas ko. Walanghiya ka! Pangahas! Madaya. Kung pwede ko lang isigaw ang lahat ng ito pero naumid ang dila ko. Mukha akong naparalisa sa kinatatayuan ko dahil ang babaeng ito, ito ang babaeng kinahahalumingan ni Storm noon nang high school pa lamang kami. Ito rin ang girlfriend ng lalaki na tumagal din ng halos tatlong taon. Iniwan nito si Storm nang makakilala ito ng mayaman na estudyante. Sikat itong bruha sa pageant ng school namin noon. Papaano ko ba makakalimutan ang mukha niya kung ito ang nagbigay ng pasakit sa'kin noon? Hangang ngayon ba naman, ito pa rin ang kakalabanin ko? "Ako ang magtatagumpay, Storm." Kasabay ng pagsabi nito ang pagtanggal ng tuwalyang nakabalabal sa katawan nito. "Walang sinuman sa mga panget mong secretary ang magwawagi rito." Gusto kong maluha sa pinagsasabi niya. Halos maduwal ako nang makita ko ang kahubaran niya. Hindi man ako kasing-sexy at kasingganda niya, busilak naman ang puso ko. Busilak ang pagmamahal ko sa boss ko na si Storm noon pa at hindi iyon magbabago bagkus, lalo lang itong mag-iibayo. "Yes, Storm!" impit na anas ng babae nang muli kong marinig. Ano na kaya ang ginagawa ng bruha? Napaawang ang labi ko nang makita ko ang paghaplos nito sa dibdib ng lalaki bago bumaba ang mukha nito. Hindi ko na makayanang magtago pa nang makita kong sinipsip na ng babae ang n****e ni Storm na ikinaungol ng huli. "Hayop ka!" hiyaw ko nang sipain ko ang pintuan ng pinagtataguan ko. Sa isang iglap, hawak ko na ang buhok ng babae na sadyang nagulat sa pagsulpot ko. "Madaya ka, Candace!" Gigil kong nilayo ang ulo nito para hindi na nito malawayan pa si Storm. "Aba't—" Nanlalaki ang matang hiyaw ng babae. "S-Sariah? Ang babaeng ambisyosa?" Tumpak! Noon pa, kilala na'ko ng babae dahil stalker lang naman ako ng nobyo nito noon pero matagal nang wala ang mga ito kaya wala na itong karapatan na gawin ang anumang gustuhin nito sa baby ko. "My baby..." Hindi na ito lumabas sa bibig ko nang sulyapan ko si Storm na tulog pa rin. Umiba lang ito ng puwesto nang tumalikod ito sa'min. Only baby ko si Storm kaya hahadlangan ko ang sinumang magtangkang lumapit sa lalaki. Guilty man ako sa ginagawa kong ito, grabe naman ang desire ko na mahalin din ako ng ultimate crush ko. Iba na 'to! Obsession na yata itong nararamdaman ko sa kanya. "Araaay! Hayop ka, S-Sariah," gigil na singhal ni Candace nang hawakan nito ang kamay ko. "Kahit kailan talaga, w-wala kang pinagbago. Boba! Ambisyosang palakaaa!" Napa-O na lang ang bibig ko nang maramdaman ko ang pagsipa ni Candace sa bandang puson ko. Hindi! Paano kung mabaog ako? Napahiyaw ako nang malakas nang bumagsak ako sa lapag. Unang bumagsak ang pang-upo ko sa ginawa nito. "S-Sariah?" Dumagundong ang sigaw ni Storm nang maalimpungatan ito sa komusyon namin ni Candace kasabay ng pag-upo nito. "W-what's going on here? W-what are you doing here, l-ladies?" Kasabay nito ang pagsapo ng lalaki sa ulo nito. "Ahhh, s**t! Naparami ang inum ko kanina. Masakit pa rin ang ulo ko." Pabagsak na nahiga muli ang binata sabay tingin sa'min. "Explain to me kung b-bakit nandito kayong dalawa sa loob ng kwarto ko!" Mangiyak-ngiyak kong hinawakan ang puson ko sabay tapon ng nakakamatay na tingin kay Candace. "Pumasok siya rito kaya s-sinundan ko siya, sir," mahina kong saad nang mapatingin kay Storm na biglang nagsalubong ang kilay. "Balak ka niyang reypin, sir. I swear!" Ako talaga ang may balak mang-rape sa lalaki pero naunahan ako ni Candace na malandi. Sa pagkakataong ito, kay Candace na nakatingin si Storm na napamulagat nang makita ang babae, "s**t, Candace, w-why are you naked?" Si Candace, nakatayo na ito at agad pinatong ang isang paa sa taas ng kama ng lalaki. Kasabay ng pagbuka ng hita nito ang pagtakip ng kamay ni Storm sa ilong nito. "f**k, Candace, get lost at maligo ka!" hiyaw bigla ni Storm. "Mas lalo akong nasusuka, 'wag mo nang dagdagan pa." Wari'y napahiya si Candance nang inis na tumayo si Storm at ihagis nito sa babae ang robang nakuha nito sa cabinet. "Leave us, C-Candace!" galit na singhal muli ng lalaki. Naiiyak kong sinundan ng tingin si Candace na huminto pa sa mismong pinto. Mula ulo hanggang paa nang tingnan niya ako kasabay ng irap nito. "Hindi ka n-nababagay kay Storm, S-Sariah. You're dreaming, girl." Malakas na pagbagsak ng pinto ang naging kasunod nito. Nakatitig lamang ako sa nilabasan ni Candace habang lumuluha. Hindi naman ganun ka-sensitive ang sinabi nito pero bakit ang sakit-sakit sa puso ko? Kapag involved si Storm, naiiyak talaga ako. Ilang balde-baldeng luha na ang naiyak ko sa labis na pagkagusto ko sa lalaki pero hindi iyon nasuklian mula sa kanya. "Sariah." Pinunas ko ang laylayan ng robang suot ko nang 'di ko mapigil ang pag-iyak. Ganito kasi ang pakiramdam ko kapag may nangdo-down sa pagkatao ko. Marami na kasing pambu-bully sa school mula pa noon ang nararanasan ko. Number 1 si Candace sa paggawa nito at talagang wala itong pinagbago. "I like the color of your undies, S-Sariah." Nanlaki ang mata ko nang marinig ito sa boss ko kaya binitawan ko agad ang laylayan ng roba ko dahil kita na pala ang panloob ko. Kinabog nang malakas ang dibdib ko nang mapagtanto kong napakalagkit ng titig ni Boss sa'kin. Diyata't sine-seduce ako ng lalaki? "I love the color of indigo," anas ng lalaki nang tuluyang makalapit sa'kin. Nakahawak na rin ang mga kamay nito sa balikat ko, " S-Sariah, go and get me a cold water. Nauuhaw ako sa color ng panty mo." Napigil ko ang hininga ko nang muli itong marinig. Nanginig pa nga ang kalamnan ko sa labis na pagka-shock bago ako napangiti nang pagkatamis-tamis. "S-sir?" nautal kong tanong. "One g-glass of cold water for you?" "Yes, S-Sariah. Please." Please what? Panggagagad ng utak ko. Napatango ako nang nakangiting buksan ng lalaki ang pinto. Hawak ko pa ang dibdib ko nang makalabas na nang tuluyan. Halos takbuhin ko ang kinaroroonan ng kusina ng resort para kuhaan ng tubig ang lalaki. Isang mineral water ang agad kong nadampot sa fridge nang makarating na rito. Muli akong tumakbo pabalik sa inokupang kwarto ni Storm pero nadismaya ako dahil naka-lock na ito. Sunod-sunod na katok ang ginawa ko sa pinto ng lalaki nang mapatapat na rito, "S-Sir Storm, nandito na ang tubig mo." Pero walang sumagot mula sa loob hanggang ulitin ko ang pagkatok. "Sir, please o-open the door. R-ready na'ko sa pagmamahal mo," impit kong anas nang suklayin ko pa ang mahaba kong buhok ng kamay ko. Pinadaanan ng isang kamay ko ang makurba kong katawan bago gumewang ang balakang ko. Nagpa-practise ako kung paano ko sasayawan ng malandi si Baby Storm. "Oooh, b-baby ko. Ang b-baby kooo... my baby boy," malandi kong anas. "I'm coming for you." Nawala ang ngiti ko nang mangawit na ako sa kakatok. "Sir?" malakas kong tawag sa kanya pero namuti na ang mata ko, hindi man lang ako pinagbuksan ng ultimate crush ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook