Episode 3: Her Desire

2078 Words
Gusto kong umiyak. Ang swerte ko naman talaga ngayong araw. Pinagtagpo kami ng lalaking naging laman ng mga panaginip ko. Higit sa lahat, ako pa ang magiging personal assistant niya. Kapag talagang maraming kamalasan noon, uulanin pala ako ng maraming blessings sa huli. "Praise you, Lord," naiiyak kong anas pero nakangiti ako nang matamis. Napapikit ako nang mapatingala sabay pikit. "Ikaw ang gumawa ng way para magkrus ang landas namin ng baby ko." Gusto kong tumawa nang malakas pero hindi ko magawa dahil nasa loob pa'ko ng building. Isang nakakalokang bagay ang aking napagdesisyunang gawin. Pagkalabas ko ng building, nagsisigaw na'ko dahil mission accomplished ako. May trabaho na ako na ang starting salary ay 30 thousand pesos. "Yahoo, Sariah," malakas kong sigaw kasabay ng paghalakhak ko pero natigil ako nang mapainum ako ng tubig-ulan. Oo! Sinagasa ko ang malakas na ulan kahit pa signal no.1 sa ka-Maynila-an. "May... may t-trabaho na ako, Lord. Thank you very m-much!" malakas kong sigaw kasabay ng pagsasayaw ko sa labas ng building na inalisan ko. Nakataas pa ang kamay ko sabay sigaw ng "Praise God." Ang mga tao sa loob, takang napatingin sa'kin lalo na ang lalaking nag-assist sa'kin kanina. May isinisigaw ito at panay ang kumpas ng kamay niya pero hindi ko siya marinig. Sumayaw lang ako habang sinasabayan ito ng isang kanta. Pumitik-pitik pa ako sa hangin nang gawin ko ito dahil ini-imagine kong may music. Sumasabay ang kidlat at kulog pero hindi ko ito inalintana. Natigil lang ako sa ginagawa ko nang halos mabulag ang mata ko sa nakakasilaw na ilaw na biglang sumulpot sa aking harapan. Isang sasakyan ang paparating kaya natigilan ako sa aking ginagawa. Huminto pa ito sa gilid ko kaya napaurong ako. Dahan-dahang bumukas ang bintana ng sasakyan at halos himatayin ako nang makita ko ang mukha ng aking boss, si Storm Alcaraz. Napakasarap sambitin ng buong pangalan niya. Malakas ang dating. Bagay na bagay ito sa aking pinakamamahal na boss. "Sariah Bansot?" takang tanong ni Boss sa'kin nang makita akong basang-basa ng ulan. "What are you doing here? Nagpapakamatay ka ba? Muntikan na kitang m-mabangga!" Natameme ako! Hindi ako makaapuhap ng salita kaya minabuti kong ngumiti na lang pero kabado ako sobra na baka magbago ang isip nito at tanggalan ako bigla ng trabaho. Ngayon ko lamang napansin na labasan pala ng parking ang kinatatayuan ko kaya posible talaga akong mabangga ng mga lumalabas na sasakyan. Gusto kong lumubog sa sobrang kahihiyan. "Ah, eh... s-sir?" nautal kong sambit. "Pumasok ka sa loob ng sasakyan ko dahil may iuutos ako sa'yo sa bahay," pasigaw na saad ng lalaki kaya nataranta ako. "Hurry up, Ms. Bansot. Ayokong abutan tayo ng baha sa daan." Panay lang ang tango ko nang makapwesto na'ko sa loob ng sasakyan. Nakalagay sa isang plastic ang bag ko kaya hindi ito nabasa at napatingin ako sa paa ko, wala na rin akong sapatos pala. Tinapon ko ito sa basurahan dahil putol na ang takong nito na lalo lang nasira nang mabasa pa ng ulan. Dinikitan ko lang ito ng rugby kanina na kinapos pa ang laman. Wala akong magawa nang tuluyan itong masira. Ang 30 thousand kada buwan na suswelduhin ko ay parang milyones na sa aking isipan. Ang saya ko sobra! Mas lalo lang nadagdagan ang saya ko nang umusad ang sasakyan ni Boss palayo sa building na pag-aari nito. "Ba't ka naliligo sa ulan, Ms. Bansot? Pa'no kung magkasakit ka? Who will be my personal assistant if you get sick? Makaka-report ka pa ba sa trabaho mo, ha?" Hiningal ang lalaki nang itanong ito sa'kin pero hindi pa pala siya tapos. "Ang hirap-hirap maghanap ng assistant dahil lahat ng nag-a-apply, pinag-iisipan akong reypin. Naririnig mo ba ako? Lahat sila, ang mga babaeng hayok sa katawan ko, ay ilang beses na 'kong tinangkang gahasain." Ang laway ni Storm, nakikita kong nagtatalsikan na kaya labis talaga ang tuwa ko nang lumipad na naman sa dako pa roon ang aking imahinasyon. Sasahurin ng bunganga ko ang laway nito at iinumin ko nang bongga. Ay! Parang lasang palamig lang na matamis sa turo-turo ni Nanay. Ang sarap inumin. "Sariaaah!" gigil na sigaw ng lalaki na ikinagulat ko bigla. "Are you with me?" Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang lumingon ito kaso lang, bakit namumula ang mukha nito? "A-ano ika m-mo, Mr. Putotoy?" nautal kong tanong sa kanya. "Pakiulit p-po. 'Di ko ho narinig sa lakas ng u-ulan, eh." Magpapalusot muna ako pero ang totoo, na-distract talaga ako sa presensiya niya. Kung ganito ba naman kaguwapo ang boss mo, 'di ka maaapektuhan? "Just use my first name, Sariah. Damn it!" Nagtalsikan na namang muli ang laway nito nang isigaw iyon ng lalaki. "Ano bang iniisip mo at putotoy ang nasabi mo? Correction, I'm Mr. Alcaraz. Pinagnanasaan mo ba ako? I get really annoyed kapag pinagnanasaan ako." Diyos ko! May something ba si Boss? "Sir S-Storm, hindi po iyon ang ibig—" Ang bibig ko, nadulas na naman. Bakit ko nga ba siya tinawag nang gano'n? "Let me f-finish, Ms. Bansot. Kailangan ko ng assistant dahil napapagod na 'kong walang alalay," marahas na tugon nito na ikinaangat ng kilay ko. "Just remember my number 1 rule: don't fall inlove with me. Maliwanag?" Maliwanag pa sa araw na bawal kong pagnasaan ito pero mapipigil ko ba ang puso ko? Umawang ang bibig ko kasabay ng sunod-sunod kong pagtango. Walang hinto; na halos naalog na nga ang utak ko. Nasa backseat ako ng sasakyan at talagang nabasa na ang malambot na kinauupuan ko. Napapikit ako nang sambitin ko ito sa harap ng boss ko. "You're not my type, Sir Storm," anas ko pero napadilat ako nang humalakhak ang lalaki sa harap ko. May nasabi ba akong mali? "S-sir?" Natakot ako na biglang magbago ang isip nito. "K-kailangan ko po talaga ng trabaho kaya please po, 'wag niyo akong sesantihin." "I won't! Gusto ko sa babae, 'yong hindi nadadala sa kakisigan ko kaya nga hinire kita, eh. I don't regret choosing you to be my personal assistant. Damn, woman! I love it when you said I'm not your type." "O-of course, sir, ba't naman Kita magugustuhan?" Ang weirdo ni Boss! Sa yaman nito, ba't mukhang desperado ito o baka guni-guni ko lang 'yon? Ang kompanya lang talaga ng lalaki ang pag-asa ko. Sa rami ng in-apply-an ko, ito talaga ang may malaking offer. Ito rin ang tanging tumanggap sa'kin kaya ayoko nang pakawalan pa. "Listen." Napabuntong-hininga ang lalaki, "Lahat ng nakikita mo ay hindi ko pag-aari. Temporary lamang ito, Ms. Bansot. Hindi ako mayaman." Palaisipan sa'kin ang sinabi nito pero mas pinili kong manahimik na lang. Namangha ako nang makapasok sa bahay ni Boss. Sa likod ako pinadaan ng lalaki dahil basang-basang ako ng ulan. Pinanginigan na rin ako ng katawan dahil sa lamig. "Ms. Bansot, gamitin mo 'tong roba matapos mong maligo. Wala akong katulong dito kaya hanapin mo na lang ang numero ng kwarto ko—it's number 1." Likod na lamang ni Storm ang natanaw ko nang bigla niya 'kong tinalikuran. "Sir Storm, ano ang g-gagawin ko sa kwarto mo?" Diyos ko! Hindi ko ito napaghandaan! Bakit may numero? Nasa motel ba kami? Napalunok ako nang pumihit ang lalaki at bumalik ito sa harap ko. "10 ang kwarto rito para sa pamilya ko at 5 para sa mga assistant ko. 1-15 ang numbering para hindi ka malito. Hindi lang ikaw ang personal assistant ko, Ms. Bansot. Bawat branch ng kompanya, may itinalaga akong kagaya mo." Napaawang ang labi ko sa kabiglaan. "A-ano po ang g-gagawin ko sa kwarto—" "Kumuha ka ng pwede mong isuot na kasya sa'yo, Ms. Bansot. Bilisan mo dahil may ipapagawa ako sa'yo." Suot-suot ko na ang roba na pag-aari ng lalaki matapos 'kong maligo sa isang shower area na pinakamalapit sa pinasukan namin. Ang laki ng bahay! Moderno. Sa kagaya kong nangungupahan lamang sa isang maliit na kwarto kasama ang aking nanay, nakakabighani ang mapasok sa ganito kagandang bahay. Labis ang pagtataka ko dahil ang college kung sa'n nag-aral si Storm noon, ay isang pampublikong paaralan lamang. Nakikita ko pa nga itong sumasakay sa jeep tuwing uwian na namin dahil lagi akong nakabuntot sa kanya. Ibig sabihin, hindi na ito nakatira sa bahay nitong maliit dati? Alam na alam ko kung sa'n ang address ng lalaki dahil sa pagkahumaling ko noon sa kanya. Lalo lang nadagdagan ang pagkagusto ko sa kanya. Feel na feel ko ang concern niyang 'wag ako magkasakit kaya ang saya-saya ng puso ko. Ang nakakalungkot lang sa pag-alala ko sa nakaraang iyon, may minahal na babae si Storm. Labis akong nasaktan noon pero hindi naman ako sumuko. Hindi nga lang talaga kami itinadhana ni Storm pero ngayon, tadhana na rin pala ang gagawa ng paraan para muli kaming magtagpo. Deretso ako sa kwartong may numero uno. Isang malaking kwarto ang nabuglawan ko na moderno ang pagkakadisenyo. Hindi ko alam kung sa'n na si Boss pero na-excite ako nang makapasok nang tuluyan sa kwarto. Dumive agad ako sa kama at—grabe. Ang bango! Napakabango ng kobre-kama ni Boss o sa tamang salita, ang buong kwarto nito. Humahalimuyak ang amoy na napakabango. Tumayo ako at inayos ang roba ko. Sumasayad ito sa sahig kaya kailangan ko pang iangat ang laylayan nito. Palibhasa matangkad si Storm; naging napakalaki na nito nang gamitin ko. Gusto ko pang ikutin ang buong kwarto pero natatakot akong mapagalitan ng amo ko. Napapangiti lang ako habang iniikot ko ang tingin ko para hanapin ang wardrobe nito. Nang ibukas ko ang isang pinto, nagulantang ako. Napakalaki nito, na parang kwarto pero mukhang ito na ang hinahanap ko. Naka-hanger sa loob ang ibang damit ng lalaki at may kahilera itong mga installed cabinet. Excited kong binuksan isa-isa ang mga nakasarang cabinet pero mga naka-fold na damit ito ng lalaki hanggang mapunta ako sa kabilang side ng wardrobe nito. "Ooh," mahinang sambit ko nang mabuksan ko ang kasunod na cabinet. Mga panloob ng lalaki ang naririto pero naka-plastic pa ito. Biglang may pumasok sa utak ko kaya muli akong nagbukas ng cabinet hanggang matunton ko ang hinahanap ko. "Ooh," muli kong sambit nang mahawakan ko ang isang brief ni Storm na kulay pula. Mukhang ito ang sinusuot ng lalaki dahil hindi ito naka-plastic kagaya nang una na nakita ko. Iba-ibang kulay ang nakikita kong panloob niya kaya dinampot ko ang pitong kulay na magkakaiba. Kinilig ako nang amuyin ko ito isa-isa. Nakatupi lang ito nang maayos at bagong laba pa. Bongga! "Napakabango mo, Papa Storm." Parang may kuryente sa katawan ko nang panginigan ako bigla. "Malalaman mo kaya—kung dadalhin ko pauwi ang mga ito?" anas ko kasunod ang paghagikgik ko. "Sariah!" Napapitlag ako nang marinig ko ang boses niya. Ang pitong panloob na nakuha ko, agad ko itong tinabi sa isang sulok. Taranta akong napalapit sa pinto nang mamataan ko si Storm. "Bakit ang tagal mong lumabas?" yamot na saad nito sa'kin. "Bilisan mo, Sariah. May ipapagawa ako sa'yo. Check my clothes if there's a small size you can wear." "Y-yes, sir!" Mabilis kong kinuha ang bag ko sa labas nang mawala si Storm sa paningin ko. Nang masigurong wala na ito, saka ko pinasok ang pitong briefs sa bag ko. Napa-yes ako bigla nang magawa ko ito. Nagmadali na akong nagbihis gamit ang isang t-shirt nito na nagmukang bestida nang isuot ko. Suot-suot ko pa ang mga basa kong panloob pero uuwi naman agad ako kaya winalang-bahala ko na ito. Importanteng mapalitan ko ang basang damit ko ng tuyo na. Kung hindi lang sumulpot 'tong si Storm, nasa bahay na sana ako ngayon. Ilang sandali pa, nasa harap na ako ng lalaki. "S-sir?" Natagpuan ko siya sa sala ng bahay nang hanapin ko. "Ano pong ipapagawa niyo?" "Yes, ipagluto mo'ko. Nasa fridge na ang lahat ng kakailanganin mo. Make it fast, gutom na'ko. Sariah—" Patalikod na'ko nang mapahinto ako bigla. Napaharap ako bigla sa kanya at pigil-pigil ko ang kilig ko dahil sa nakikita kong kakisigan niya. Nakasuot na lang ng sleepwear ang lalaki kaya kita ko ang malabakal nitong muscles sa braso at hita. "Favorite ko ang rainbow, Sariah. May mga brief ako sa loob, may kinuha ka ba? ROYGBIV. Red. Orange, yellow, green and blue. Indigo at violet ang favorite colors ko." Nanigas bigla ang panga ko sa sinabi niya. "W-wala p-po," nautal kong sagot. "M-magluluto na po a-ako, sir, n-nang makauwi na a-ako." "Good!" seryosong saad nito sa'kin nang tingnan ako. "Lagi kasi akong nawawalan ng briefs lalo na kapag babae ang pumapasok sa kwarto ko."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD