Minzy's pov
My gooood! Late na akoooo. Ngayon pa naman ang araw ng ia-announce kung sino ang mga na-promote at sana isa ako doon. Huh! Kahit na bobo ako nung college ay masipag naman ako dito sa trabaho ko ano. 1 year na ang nakalipas since you left me all alone. Hah? Kanta ba yun? Kasi naman Zhander, Kada kibot ko ikaw ang naiisip ko. Bumalik ka na sana.
Natapos na ako sa paglinis ng katawan sa pagbihis sa pagpapaganda na tinuro ni Zhander ko. Oo akin kaya siya. Hindi ko pa nakaklimutan ang lahat lahat. Sana siya din. Pababa na sana ako nung may nakalimutan akong dalhin. Bumalik ako sa kwarto at hinanap ang pinaka mahalagang bagay sa buhay ko.
"Nandyan ka pala, Mahal." Sabi ko at dinampot ang bracelet na bigay niya.
Weird ko na ba at pinapangalanan ko ang gamit? Mahal pa? Well mahal ko naman ang nagbigay nito eh. Naisip ko kung kaylan siya babalik? 2, 3 Years? Basta. Maghihintay parin ako sakanya.
"Oh, Aalis ka na? Di ka pa kumakain.." Salubong sakin ni kuya na kakalabas lang sa kusina at naka apron pa. Ang cute.
"Sa office nalang ako kakain kuya, Si papa nalang pababain mo. Nag-eemo nanaman yun dun." Sabi ko at inayos yung sandals ko.
Namatay kasi si mama kaya nawalan na ng gana si papa. Nalugi ang kumpanya dahil hindi na siya pumapasok. Wala kaming alam sa pagpapatakbo ng kumpanya kaya napilitan kaming ibenta ito. Malungkot mang gawin yun ay kinakailangan. Namimiss ko na rin si mama. Hindi na madali ang buhay namin ngayon. Tanging ang bahay nalang ang natitira sa ari-arian namin. Si kuya ay nag-manage ng isang bar. Yun ang bumubuhay samin nung hindi pa ako nag-pasyang mag-work. Pero naisipan kong ayokong maging pabigat. Kaya eto ako at naging working girl. Taray diba
"Sige na kuya, Magjerjeran na kayo ni Alex dito. Ayii.." Pagbibiro ko.
Nanlaki ang mata niya sa mga sinabi ko.
"Anong sinasabi mo diyan?!" Pagalit niyang sabi.
"Wala naman.. Sige alis na ako.." Sabi ko at lumabas na ng bahay.
Wala na yung kotse ko. Si kuya nalang ang meron. Since madamot ang damuhong yun ay nag-tataxi nalang ako. Nasa office na ako nung nakita ko ang nagkukumpulang mga tao. Mamaya ko nalang titgnan yun at may aasikasuhin pa ako sa office ko.
"Hi, Eloryyyy.." Bati ko sa co-worker ko.
Nakita kong tinago niya agad ang cellphone niya. Alam ko na ginagawa niya.
"Hoy! Tigil tigilan mo ang panonood ng boyxboy hindi mo ikakaunlad yan.." Pagbibiro ko. At tumawa.
"Heh! Hindi no! Uy, Nga pala.. Congratsssss.." Sigaw niya na nagtititili naewan
Umupo muna ako sa upuan bago magsalita. "Huh?" Pagtataka ko.
Nag clear-throat muna siya bago magsalita. " Paki tiganan po, Maanager Santos ang annoucement board, Ma'am.." Sabi niya ng nakangiti.
Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin? Yung iniisip ko..
"Waaaah! Hindi nga?" Exaggerated kong sigaw.
Agad akong nagpunta sa board. at hinanap agad yung pangalan ko. Tinuturo ko pa kung saan ako na-promote. "Minzy Santos as manager of planning department.." Pagbabasa ko.
Natulala ako bigla sa nabasa.
"Congrats, Minzy.. Este Ma'am.." Bati ng mga kaopisina ko.
"Pinapatawag ka pala ni VP para i-congrats daw." Sabi ni Elory na nakangiti.
"Oo tama, Idadaan ko narin kasi itong report sakanya." Sabi ko.
Nung hinawakan ko yung files ay nakita ko ang bracelet na bigay ni Zhander. Hinimas ko ito at naalala ko nanaman siya..
"Hay, Zhander. Kaylan kaya ulit ang kamay mo naman ang hihimasin ko?" Bulong ko sa sarili ko.
Lumabas na ako ng office at daladala yung files. Nasa tapat na ako ng elevator nang may nahagip akong sobrang pamilyar na tao. Papasok na siya ng elevator sa kabila.
"Zhander?.." Agad kong pinuntahan yung elevator.
pero nakasara na ito. Naisip kong guniguni lang iyon. Nagkibit balikat ako. "Hay, Zhander, Bumalik ka na kasi.." Sabi ko at sumakay na sa elevator.
nasa floor na ako ng presidents. Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Dave.
"Hello, Dave!!! Guesswhat? Na-promote ako ngayon bilang manager. Waaaah! Lilibre kita mamaya. Sama mo si Alex sasama ko si kuya." Sabi ko.
"Talaga? That's good. Pero kung dito ka samin nagtrabaho unang araw mo palang manager ka na agad." Sabi niya.
"No. Hindi. Ayko naman ng ganoon. Gusto kong paghirapan ang mga bagay bagay. Ayokong umasa sa ibang tao." Sabi ko.
"Okay.. Guess what?" Tanong niya din. " Bumalik na yung babaeng makulit. Yung babaeng pinagsisiksikan ang sarili sakin.' Sabi niya ng pasungit.
"Ah. Yung kinukwento mo? Hayaan mo nalang. Baka mamaya siya pala ang para sa'yo diba?" Sabi ko at nang-asar.
"Heh! Sige na, Na-miss lang kasi kita.." Sabi niya.
"Namiss din kita, Dave.." Sabi ko at inend na yung call.
Nagsimula na ulit akong mag lakad. Nakita kong may taoe sa heels ko kaya triny kong tanggalin habang naglalakad. Bigla nalang akong napatigil nung may nabangga ako.
"Buti, Hindi ang balls ko nanaman ang nabangga mo.."
Nagulat ako sa nagsalita. Sobrang pamilyar ng boses. Nilingon ko ang lalaking ito at halos tumalon na sa saya ang puso ko. Sobrang lakas. Alam na alam ng puso ko kung sino ito at kung sino ang pagaalalayan niya ng pag wala nito. Sobra sobra ang ang nararamdaman ko ngayon. Inis dahil ngayon lang sya. Tuwa dahil nandyan na siya. Lungkot dahil na miss ko siya. At saya dahil mahal na mahal ko ang nasa harapan ko ngayon. Nagbalik na siya.
"Anong ginagawa mo at tumatakbo ka nanaman ng hindi tumitingin sa daan?" Tanong nya.
Ngumiti ako at tinitigan siyang maigi.
"Nagbabakasakaling ikaw ulit ang mabangga ko. Nagbabakasakaling Ikaw parin ang mababangga ko. Nagbabakasakaling.. Masagi ko ulit ang puso mo.."
Ngumiti din siya at niyakap ako. "Congrats, Minzy. I heard na-promote ka." Sabi niya at umalis sa pagkakayakap niya.
Huh? Wala ba siyang sasabihing na-miss niya rin ako?
"Huh? Paanong."
"I'm the boss here. The President. " Sabi niya.
Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Kung ganoon? Ang boss ko ay siya?
"Sunod ka.." Sabi niya ng nakangit at nakahalukipkip na naglalakad.
sinundan ko siya sa isang office na malaki. Bago lang ito. Ngayon ko lang nakita na may ganito dito. Pang president talaga.
"Locked the door.." Sabi niya.
Nanlaki ang mata ko. Huh? Ito ba yung kila Sarah yung sa palabas? Waaah! Pero wala naman silang ginawa doon kaya siguro wala ring gagawin sakin si Zhander. Pero totoong buhay at ito at knowing Zhander may pagkaperv siya.
"D-dito natin gagawin?" Nahihiya kong sabi.
Naisipan kong baka namiss niya din ako kaya gusto niya na ito. Waah! okay lang. Mahal ko naman siya eh.
"Huh? Anong.. Wait, Siguro iniisip mong may gagawin ako sa'yo ano? Tsk! Di ka nagbago. Gusto mo parin na ilapat ko ang katawan ko sa katawan mo?" Nakangisi niyang sabi.
Bigla akong sinakluban ng hiya dahil totoo yung mga sinabi niya. Waaah! Nakakahiya ka parin, Minzy.
"H-hindi ano, Kapal mo parin.." Sabi ko. "Pero, Na-miss ko ang mga ganoon mo, Zhander." Sabi ko nang naka-yuko.
Nagseryoso ang mukha niya. Nakita kong nalungkot siya sa mga sinabi ko. Pero agad siyang ngumiti.
"Na-miss din kita, Mrs. Lee.." Sabi niya at umupo sa upuan.
Teka? Mrs. Lee? Akala niya bang kami ni Dave? Oo nga pala. Hindi niya alam na hindi kami natuloy ni Dave dahil hinabol ko siya sa airport.
"Ah.. Hindi ako Mrs ni Dave.. Hindi kami natuloy kasi.."
"Kasi ni-resched? Or what? Tumutol si Ziggy?" Nakangiti niyang sabi.
"No! Hinabol kita sa airport, Zhander." Sabi ko.
Agad naman siyang nagulat doon. "Kasi ikaw ang pinili ko." Sabi ko at medyo naluha.
Bigla ko nalang naramdaman ang mahigpit niyang yakap. Niyakap ko siya ng pabalik. Wala siyang sinasabi na kahit na ano. Ito na siguro ang start ng pagmamahalan naming dalawa. Lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya. Ramdam ko ang lahat. Yung pagkamiss niya sakin at ang pagmamahal niya. I love you so much, Zhander.