Chapter 2

2371 Words
Minzy's POV Mga 3 hours na akong nakaupo sa harapan niya sa desk niya. Anong problema ng isang 'to? Sabi niya wg muna daw akong umalis. 'Di naman ako kinakausap. Haysss. Namiss ko talaga ang slight manyak na Zhander na ito. Kami na kaya? Ako ba unang magtatanong na kami na? Waaaah! Parang kinilig ako. In fairness ang gwapo niya pag busy. Nagchecheck siya ng mga report. Tinititigan ko yung mata niya. Medyo mahaba ang mga pilik mata niya. Yung ilong super tangos. Naging mas perpekto nadin ang cheecks niya. At yung labi niya.. Waaah! s**t! Bakit parang gusto kong halikan? Ganito na ba talaga ako kasabik sakanya? "Gusto mo na bang ilapat yang lips mo sa lips ko?" Biglang salita ni Zhander. Hindi siya nakatingin sakin at patuloy lang siya sa ginagawa niya. "Hah? H-hindi ano.. May gagawin pa kasi ako eh.. Hmm.." Sabi ko. Tumingin siya sakin ng diretso. At napaiwas ako sa hiya. Feeling ko ang taas taas niya. Yung hindi ko na siya maabot. "Mas importante ba yun kaysa gagawin natin?" Nakangisi niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko. May naisip akong iba eh. Waaah! Mas naging perv yata ako dito. "s**t! Wag mong kagatin yang labi mo. Or else.." Sabi niya at biglang tumayo. Tumayo na din ako sa pagkabigla. "Huh? Ah.. Pwede na ba akong pumunta sa office ko?" Sabi ko dahil sa nararamdamang awkwardness. Nakita kong nalungkot yung mukha niya. Bakit? Dahil ba gusto niyang nakikita ako at nasa tabi niya lang ako? Waaah! Kinikilig ako. "Sige na nga.. Balik ka ha?" Pagpapacute niya. Waaah! Ang lakas ng t***k ng puso ko ngayon. Ramdam nyo bang kinikilig ako? Kayo ba kinikilig din? Wag ha? Nag nod nalang ako at nagmadaling lumabas. Sa sobrang kilig ko ay nabangga ko pa ang isang empleyado. "Nako, Sorry.." Paghingi ko ng tawad. Nag nod lang siya. Waaah! Kinikilig ako na natatae. Bukod sa nandito na ulit siya ay hindi niya parin ako nakakalimutan. Niyakap niya ako ng mahigpit. 'Di niya ako kiniss. Yung may tunog. Kainis naman siya. Pero ang tanong kami na kaya? Mamaya ko nalang itatanong. Nasa shock padin ako ng kilig factor my god! "Huy! Ngiting ngiti, MANAGER SANTOS?" Pang aasar ni Elory. Nawa ako sa mood nung inistorbo ako niya. " Heh! Hmm. Kilala mo ba yung president ng company?" Tanong ko. "Yung VP lang kilalala ko. Yung VP na hot na gwapo na Look a like ni Adonis. Omygod!" Bigla nalang siyang nag tititili. Buang lang? "Yung president ng kumpanya shunga. Hindi si Vice President." Sabi ko. Natigilian siya sa pag dedaydream. "Ah? Yun ba? Hindi ko pa nakikilala. Sabi nila anak daw ng may ari ng kumpanya ang President nito. Malamang diba? Alangan naman yung driver nila. Oh bakit mo natanong?" Ani Elory. "Alam mo bang.." Sasabihin ko na sana na kilala ko ang President at yun ang matagal ko ng ikinukwento sakanyang lalaki. Nang bigla kong naalala ang mga sinabi ni Zhander. "Wag mong ipapaalam sa lahat na magkakilala tayo.." Sabi ni Zhander kanina. Kinagat ko ang labi ko. "Ah.. Alam mo bang hindi ko din siya kilala?" Patawa tawa kong sabi. Oo nga pala. Bakit ayaw niyang ipaalam sa lahat? Ang weird naman niya. Di ko pa natanong yun. Mamaya ko na nga lang itatanong kasabay nung. Waaah! Kinikilig nanaman ako. Nag sisiuwian na ang lahat at palihim akong pumunta sa office ni Zhander. Nakita kong sarado na yung office niya. Umalis na siya?  Alam na din ng lahat na nadito ang president kaya nagtanong ako sa dumaan ng lalaki. Ang sabi niya umalis na daw. "Kainis! Sabi niya bumalik ako. Epal.." Bulong ko sa sarili. Nakabusangot akong sumakay sa Elevator. Pasara na sana yung pinto nang may naipit na kamay. Ay mali hinabol pala ang pagsara nito. "Woooh! So close.." Sabi niya nung nakapasok na siya kasabay ng pagsara ng pinto. Binati ko siya. " Goodevening, Vice Presiident.." Sabi ko. Nakangiti siya nung lumingon siya sakin. "Oh, Ms. Santos. Bakit ngayon ka lang uuwi? Atsaka, Bakit dito ka galing?" Nakangiti niyang sabi.  Ngumiti din ako bilang pag galang. "Ah.. Kwan. May dinaanan lang din ako dito." Sabi ko. At yung dinaanan ko ay wala na. Kainis. Nakita yatang bumusangot ako ng VP kaya naman nagtanong siya. "Oh, I see. Bakit ka naman naaasar?" Tanong niya. "Paano mo po nahulaan?" Sabi ko. Ang galing niya ha? In fairness. "Magaling akong mag basa ng isip at mukha ng tao.Atsaka, Wag mo na akong i-po. Magkasing edad lang naman tayo. Feel free na tawagi mo ako ng Louie or Jim. Jim Louie   kasi  name ko.." Sabi niya. Alam ko naman yun. VP nga siya eh. Ang daldal niya rin pala at FC. Nakita kong niahad niya yung kamay niya para magpakilala. Binigay ko yung kamay ko sakanya. "Minzy Santos. At mukhang kilala mo naman ako. Ikaw nga nag promote sakin as Manager diba?" FC ko ding sabi. Mag Feeling Close-an na kami dito. "Yeah yeah.." Sabi niya na mukhang nahiya. Binitawan ko n yung kamay niya nung bumukas na yung elevator. Ngumiti muna ako bago lumabas. Sa ground  pa yata siya kasi may kotse. Malamang lang. Hays. Naiinis parin ako. Si Zhander kasi hindi ko na manlang nakita yung kahit anino niya. Ngayon na nga lang siya umuwi eh. Namimiss ko na rin siya. Naisip kong tawagan siya. Pero babae ang sumagot . Yung operator ng sim. Nag ib siguro ng number ang kumag na yun. Hmp! Papara na sana ako ng taxi ng may bumusina. "Ay palakang kokak!" Sabi ko sa gulat. Nasila ako nung nilingon ko yung kotse. Nakatapat ako sa harapan ng kotseng iyon. Biglang bumaba ang isang lalaki. "Wala kang Car Manager Santos?" Tanong nito. "Malamang po. Este.. Yes. Kaya nagtataxi nalang ako..Vice President." Ngumiti siya at lumapit sakin. Kinuha niya yung bag ko at hinagis sa loob ng kotse niya. "Ihahatid kita." Sabi niya ng naka ngiti. "Ang Jim nalang ang itawag mo sakin." Hah? Haragan din pala ang isang 'to at walang tanong tanong. "Ah. Wag na kaya ko naman mag taxi. Tsaka malapit lang bahay namin." Sabi ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat sa likod at tinutulak ako papasok ng kotse niya. "I insist. Gabi na at hindi daot magisa ang mga kagaya mong babae tuwing gabi. Ang ganda mo pa naman. Mamaya ma-rape ka pa diba? Mamaya rapist pala ang masakyan mo. Edi buntis ka na kinabukasan." Sabi niya at pinasakay na ako sa kotse niya. Okay. Naaamoy kong perv din ang isang 'to. Yung perv na kahanay nila Ziggy.. Yung may class ha? Hindi na ako umimik. Okay na ito. Tipid sa pamasahe. Waaah! Naisip kong lagi akong hinahatid ni Zhander noon sa bahay namin. Namimiss ko na yun. "Any way, Congrats nga pala at sa ilang buwan mong pag stay sa company ay promoted ka na agad." Sabi  niya ng nakangiti. "Thank you.. Vice-" "Jim.." Sabi niya. "Jim.." Pag ulit ko. Tinuro ko kung saan ang bahay naamin. Habang nasa biyahe ay panay tanong niya sakin. Ang daldal niya. Mas madaldal sakin. Mahilig din siya sa peryaan nung nadaanan namin iyon. Nagyaya pa siyang pumunta daw kai doon next time. Naalala ko nanaman si Zhander. Waaah! Bakit kasi umalis na agad sa opisina ang lalaking iyon? May importante kaya siyang ginawa at maaga siyang umuwi? O ayaw niya na akong makita? Hmm. Imposible kaya yun. "Salamat sa pag hatid.. Vice.. Este, Jim." Sabi ko nung nasa labas na ako ng kotse niya at nasa tapat ng bahay. Nilingon niya yung bahay namin. "Malaki rin pala bahay niyo. Pwede ba akong pumasok?" Tanong niya. "Ay nako, Wag na. Nakakahiya." Sabi ko. "Hah? Anong nakakahiya? Saglit lang naman ah?" Pangungulit niya. "No! Next time nalang. Atsaka late na.. Baka malayo pa bahay mo." Sabi ko. Huminga siya ng malalim bago magsalita. " Okay, Next time.." Sabi niya at nag seatbelt na. Kumindat muna siya bago humarurot ng takbo. Nakahinga ako ng malalim doon. Parang hindi ako nakahinga dahil VP yun at nakikipag close sakin.Sabagay yung president nga mahal ako eh. Waaaaah! s**t kinikilig ako. Inabutan kong paalis na si kuya para pumunta na sa bar niya. "Kuya si Papa?" Tanong ko. "Sino yun?" Masungit niyang tanong. "Ha? Sino si papa? Tinatakwil mo na siya?" Pasigaw kong sabi. Binatukan niya ako doon. "Bobo! Yung naghatid sa'yo.." Sabi niya. "Ah. Yung Vice President ng kumpanya yun. Bakit?" Tanong ko. "Manliligaw? Boyfriend? Bakit ka niya hinatid?" Madaming tanong niya. "Ewan ko sa'yo. Kuya si Alex oh?" Sabi ko  "Saan?!" Taranta niya. Umakyat ako bigla para makatakas sakanya. "Tarantado ka!" Sigaw niya. Nung narealize niyang walang Alex sa paligid. Nako si kuya nagbibinata. Pinuntahan ko na si Papa sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakatunganga sa picture ni mama. Nalungkot ako bigala sa nadatnan. Lagi nalang siyang ganyan simula nung nawala si Mama. Nung una ganito din ako. "Papa.." Sabi ko at niyaka siya. "Alam mo ba papa, Na-promote ako bilang manager. Masaya ka ba? I'm sure masaya din si mama sakin. Kaya smile ka na rin.." Sabi o at nilalambing ito. "Gusto ko na siyang makasama.." Pabulong na sabi ni papa. Mahal na mahal niya si mama kaya ganito nalang ang epekto sakanya ng pagkawala ng minamahal niya. Kung ganito lang magmahal ang lahat ng lalaki sa mundo ay sasaludo ako sa tapat at umaapaw na pagmamahal nila sa kanilang minamahal. Biglang tumulo ang luha ko at niyakap siya ng mahigpit, "Papa, Nandiyan lang siya sa puso mo. Lagi mo siyang kasama.." Humihikbi kong sabi. Pinatulog ko muna si papa bago ako kumain at pumunta sa kwarto ko. Maya maya ay naka receive ako ng text. "See you, Tommorow.." Kahit na number lang ito ay alam kong si Zhander ito. Rereplyan ko na sana siya kaso wala na pala akong load. Waaah! Pero magkikita naman kami bukas eh. Kaya okay lang. "See you, Tommorow mahal kong Zhander.." Sabi ko at kiniss yung screen ng CP ko. "Goodnight." Habol ko. Masata akong bumangon dahil excited na akong pumasok. "GOOOOOD MORNIIIIIINGGGG" Sigaw ko sabay ng paginat.  Ibang iba na ito sa lahat. Dati trabaho lang ang dahilan kung bakit ako bumabangon. Ngayon kasama na si Zhander sa dahilan ng pagbangon  ko. At dahil malaki laki na ang sweldo ko ay nag-hire na ako ng yayang magbabantay kay Papa. Kaya pwede ng maghatutan si Alex at kuya magdamag dito. Laging nagrereklamo ang damuhong yun eh. "Kuyaaaaaa!!! Papasok na akoooo." Sigaw ko sa baba. Tulog pa rin ang isang yun. Nagbantay ng bar niya at nagbantay din sa pangarap niyang si Alex. Kunwari pa yan eh. "Taxi !" Pag papara ko. Pero hindi taxi ang tumapat sa harapan ko. Bumaba yung salamin ng kotse at isang maamong mukha ang inuluwal nito. Nilowal talaga? haha. "Sakay na, Manager.." Sigaw ni Ziggy. "Hoy! Namiss kitaaaa." Sabi ko at hinampas ang braso niya. "Teka! Baka iba naman yata ang sinusundo mo? Wala dito si Faye eh." Pagbibiro ko. "Heh! 'di yun. Balahurang babae yun. Ikaw yun ang sinadya ko dito. Hahatid na kita sa company mo, Manager..' Nakangiti niyang sabi. Sumakay na ako sa kabilang upuan. "Okay. Oh sinong sinisilip mo diyan?" Nakita kong may sinisilip siya sa loob ng bahay namin. "Ha? Wala.. Si kuya mo.." Pagpapalusot niya. "Sus! Kunwari ka pa.." Pangaasar ko. Naging bestfriend ko na rin ang mokong na ito. Sinasabi niyang may gusto parin siya sakin pero halata namang nagdedeny pa siya sa nararamdamn niya para sa pinsan kong si Faye. Isa pa yung babaeng yun. Ilang linggo na rin nawawala. Nasa tapat na kami ng kumpanya. Sinapak ko yung braso ni Ziggy pagpaalam sakanya. "Salamat, Myf.." Sabi ko. Nag nod nalang siya bilang sagot. Nakita ko sa malayo si Zhander at mukhang badtrip. Pumasok agad siya sa loob ng buliding. Hala? Nagseselos siguro yun. Waaaah! Kinikilig ako. Itatanong ko na sakanya ang lahat. Excited ako. Hinabol ko siya hanggang sa elevator.  Dalawa lang kami ngayon ang nakasakay. This is it. Itatanong ko na.. "Huh! Ziggy pala ha?" Bigla niyang sabi. "Huh? No! Hindi ano. Bestfriend ko nalang siya atsaka.."  "Talaga lang ha?" Masungit niyang sabi. "Oo naman. Alam mo bang isang aon kitang hinintay.." Naka pout kong sabi. Hindi siya umimik. Ito na sasabihin ko na. Kaylangan ko ng malaman ang sagot niya. Kung ano kami. Kung ano niya ako. Kung ano ako para sakanya. Kung ako pa ba?  "Ah.. Zhander.. Tayo--" Biglang bumukas ang pinto ng elevator sa pang apat na palapag. Nasa 9th floor ang opisina ko at sa pang 11 naman yung kay Zhander. s**t! Istorbo ang mga baabenh ito. "Good morning president,.." Pagpapacute ng mga babae. "Landeee.." Bulong ko. Narinig yata iyon ni Zhander since katabi ko lang sya. Nakita kong natatawa siya pero hindi nakatingin sakin. Hmp! Epal ne'to. Bumukas na yung elevetor at lumabas na yung mga babaitang malandi. "Continue." Sabi ni Zhander nung sumara na yung pintuan. "Ah. kasi.. Zhander, Tayo na--" Biglang bumukas yung pintuan. Shiit! Nakakapikon naman. T.T Sa susunod na taas ay office ko na. Waaah! "Laters." bulong niya dahil may mga sumakay at bumati uli sakanya. "Go to my office.." Bulong niya ulit.  Waaa. Ang cute lang niya. Para kaming secret lover na itinatago ang pagmamahalan sa mga kabigan namin. PBB teens? Nung nasa opisina na ako ay nagmadali ako. Agad kong pinirmahan ang dapat pirmahan. Inutusan ang dapat utusn. Nung free na ako ay agad akong pumunta sa office ni Zhander. "Office of the president.." Pagbasa ko sa nakalagay sa pintuan. Pag pasok ko ay rinig na rinig ko ang tawanan ng dalawang lalaki. "Oh s**t! Nakakatawa yun, Bro." Sabi ng lalaking nakatalikod. Napatingin sakin si Zhander at napapikit. Anong problema nito? Humarap na rin yung nakatalikod na lalaki. "Oh, Minzy.." Bati sakin ni Jim. "Goodmorning, Jim.." Nakangiti ko rin sabi. Nakita kong kumunot ang noo ni Zhander. Waaah! Istorbo pala 'tong si Jim kung kayalan sasabihin ko na ang itatanong ko. "So, Why are you here?" Tanong ni Jim. "Pinapunta ko siya dito. Right, Minzy?" Biglang singit ni Zhander. "Oh, Well, Magkakilala kayo?" Tanong ni Jim. Pumunta sakin si Zhander.  "Yes. And she's...Mine." Sabi ni Zhander. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Waaah! Alam ko na ang sagot. Kahit hindi ko na pala itanong. Ito na yun ohhh! Waaah! Kinikilig ako ng sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD