Minzy's POV
"She's mine.."
Buong araw yan lang nasa isip ko. Ramdam nyo bang kinikilig ako? Ayun na yung sagot eh. Mahal niya talaga ako. Alam nyo yung parang nasa cloud kayo sa sobrang saya. Yung parang lumilipad ka at tinatangay ka ng mga pusong nagliliparan? Ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Zhander is mine at sakanya din ako.
"Huy! babae. Nakasinghot ka ba ng utot? Bakit mukhang lutang ka diyan?" Biglang singit ni Elory.
Nakangiti parin ako nung sinagot ko siya. " Ano ka ba! Inspired lang." Sabi ko.
"Nako! Saan ka naman inspired? O sino ang nagpapainspire sa'yo?" Sabi niya at tinutusoktusok pa ang tagiliran ko.
"Ano ba! Edi si Zhan.. Basta.." Sabi ko.
Muntik ko na masabi ang pangalan ni Zhander. Nakalimutan ko palang hindi pwedeng malaman ng lahat na magkakilala kami. Pero bakit naman kaya?
"Wuh! Malalaman ko rin yan." Sabi ni Elory at nagmartsa palabas ng office namin.
Pagkalabas niya ay nakarecieve ako ng isang text message.
"Lunch?"
Kinilig ako bigla. Alam kong si Zhander ang nagtext. Agad ko 'tong nireplyan.
"Yes."
Agad siyang nagreply doon.
"Okay! Aryt then. See you later sa tapat lang ng building na restaurant."
Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Waaah! Ang sweet talaga ni Zhander. Malapit na naman ang break kaya nag ayos na ako ng sarili ko. Kinakabahan ako na dimawari. Bakit naman? Eh si Zhander naman yun eh. Ganito na ba ako ka-adik kay Zhander?
Bigla nalang nagring ang cellphone ko. Hindi nakaregister ang number kaya di ko na sinagot. Nagmamadali na rin kasi ako. Mamaya kung sino lang naman yun. Nagmadali akong bumaba at magpunta sa restaurant na kakainan namin ni Zhander. Sa tapat lang ng office. Mukhang late si Zhander kaya umupo na ako sa isang table. Mayamaya pa ay may nagsalita sa likuran ko.
"Sorry kung naghintay ka." Nilingon ko siya at nakita kong nakangiti siya.
"Hah? Ikaw?" Tanong ko.
"Oo. Sino pa ba?" Nakangiti niyang sabi.
"Akala ko.." Napakagat ako sa labi ko.
Shit! Ibigsabihin ay hindi si Zhander ang nagtext sakin? Kundi si Jim pala at nagyaya ng lunch.
"Akala mo?" Tanong niya.
"Hah? Wala..Sige." Sabi ko.
Wala na akong nagawa kundi samahan nalang siya. Akala ko talaga si Zhander na. Masyado yata akong nag-assume.
"Buti naman at pumayag kang maglunch with me.." Nakangiting sabi ni Jim.
"Ah. Eh. Oo naman. Boss kasi kita kaya hindi na ako tumanggi." Pagpapalusot ko.
"Haha. You're so funny. Kaya i like you eh." Sabi niya. "Ha! I mean.."
Biglang naputol yung sinabi niya nung nag ring ulit yung phone ko. Tinignan ko tio at yung hindi nakaregister na number nanaman. Hindi ko ito sinagot kasi nakakahiya naman kay Jim.
"Bakit di mo sinagot?" Tanong niya.
"Hmm. Nakakahiya kasi." Sabi ko.
Ngumiti siya at parang kinabahan na parang nakahinga ng maluwag. Problema ng isang 'to?
"Ah. Yung tungkol kay Zhander. Kilala mo pala siya? Totoo ba yung sinabi niya?" Tanong nito.
Bigla kong naalala yung mga sinabi ni Zhander sa harapan ni Jim. Bigla akong nahiya dahil sa kilig.
"Ang alam ko kasi.." Naputol ulit yung sinabi ni Jim nung tumunog ulit yung cellphone ko.
Hinidi ko ulit ito sinagot at tinuon ang pansin kay Jim.
"Kasi?" Tanong ko.
"Ha? Ah wala. Nevermind. Kumain na tayo." Sabi niya nang nakangiti.
"Salamat sa libreng foods." Sabi ko kay Jim.
Ngumiti lang siya bilang sagot at pumunta na siya sa office niya. Pagpasok ko din sa office ko at biglang lumapit sakin si Elory.
"Siya ba?" Sabi niya bigla.
"Sinong siya ba?" Pagtataka kong tanong.
"Siya ba ang nagpapainpire sa'yo?" Tanong niya ulit.
"Sino bang tinutukoy mo?" Tanong ko din.
"Si Fafa Jim ko! No! Akin lang siya! Akin." Bigla niyang sabi.
Hah? Dapat ko bang sabihin na 'walang sa'yo Elory?' Ha? Sa palabas pala yun.
"No! Hindi siya ano. Niyaya niya lang akong maglunch." Sabi ko.
Biglang huminahon si Elory. "Talaga? Hindi siya?" Tanong niya.
"Uhm uhm.." Sabi ko.
"Okay!" Sabi niya at bumalik na sa desk niya.
Nakita kong pinagtinginan kami ng iba pang empleyado. Nahiya ako bigla doon. Bigla nalang pumasok ang isang lalaki na mula sa department ng mga boss.
"Ms. Santos pinapatawag ka ng President..As in now na." Sabi niya na parang tarantang taranta.
Ha? President? Si Zhander? Bakit.. Waaah! Pinapatawag ako ng mahal kong si Zhander. Pero bakit kaya? Namiss niya kaya agad ako? Ngumiti nalang ako sa lalaking tumawag sakin at nagmadaling puntahan si Zhander.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa office ni Zhander.
"Zhander.." Tawag ko dito. Nakatalikod siyang nakaupo sa upuan niya.
"Bakit hindi ka kumatok bago pumasok?" Masungit niyang tanong.
"Ha? Dapat pa ba? Diba pinapunta mo ako?" Tanong ko din.
"Lumabas ka at kumatok bago pumasok!" Sigaw niya.
Nagulat ako dahil sa sigaw niya. Kaya lumabas ako para sundin ang sinabi niya. Kumatok ako gaya ng sabi niya. Pumasok ako nung nakakatok na ako.
"Zhander.." Tawag ko ulit.
"Pinapapasok na ba kita?!" Sigaw niya ulit.
Kinagat ko ang labi ko. Bakit siya ganito ngayon?
"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit para kang bata?" Tanong ko.
Humarap siya at nakita kong galit na galit ang mukha niya. Bakit parang galit na galit siya sakin? Ano bang nangyayari?
"Lumabas ka at kumatok ulit! " Sigaw niya.
"Pinapunta mo ako dahil lang diyan? Paglalaruan mo ako? Ano bang nangyayari sa'yo?" Sigaw ko rin.
Pumikit siya bago magsalita. "Ikaw ! Pinaglalaruan mo nanaman ba ako?" Bigla niyang tanong.
Nagulat ako dahil bigla kong nakitang nalungkot ang mukha niya.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.
"Nakita kitang kasama si Jim. Yun ba ang dahilan kung bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Yayayain sana kitang mag-lunch pero inuna mo si Jim! Ako ba talaga ang mahal mo?" Tanong niya.
Bigla kong naalala na yung tumatawag kanina ay siya pala. Napapikit ako sa kabobohan ko dahil hindi ko iyon sinagot.
"So-sorry. Akala ko kasi..Yung kanina na si Jim ang kasama ko. Akala ko ikaw ang nagtext. Sabik na sabik pa ako nun. Yun pala. Hindi ikaw yun. Sorry." Sabi ko at lumapit sakanya at hinaplos ang braso niya.
Napapikit siya doon. Agad niya akong niyakap.
"I'm sorry. Sorry kung sinigawan kita. Akala ko kasi mawawala ka nanaman sakin. Akala ko pipiliin mo nanaman ang ibang tao kaysa sakin." Sabi niya at hinigpitan ang yakap.
"No. Ikaw parin naman, Zhander.." Sabi ko at niyakap din siya.
"Takot lang kasi ako. Baka iwan mo nanaman ako. Takot akong maiwan ulit. Sorry kung ganoon ang inasta ko. Nag-selos lang talaga ako. I'm sorry.." Sabi niya at hinahaplos ang buhok ko.
"It's okay. Hindi naman na kita iiwan eh. Kasalanan ko naman kasi kung nagselos ka. Nag-assume agad ako na ikaw yung nagtext.." Nahihiya kong sabi.
Humiwalay siya sa yakap ko. Ngumit siya bago magsalita.
"Patay na patay ka nga talaga sakin. Ang gwapo ko ba talaga?" Pagbibiro niya bigla.
Agad ko siyang hinampas sa dibdib. "Feelingero!" Sabi ko.
"Hah! Dapat nga magbayad ka sa ginawa mo sakin. Pinagselos at pinagisip mo ako ng kung anu-ano. Kiss me!" Utos niya.
Nakatitig lang siya sakin. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kinagat ko ang labi ko sa sobrang kaba. Bigla ko nalang naramdaman ang labi niya sa labi ko. Napaatras ako kaya napakapit ako sa leeg niya. Hinawakn niya yung bewang ko kaya magkadikit na kami. Lahat ng iyon ay nangyari ng hindi humihinto ang paghalik niya sakin.
Bumigay na ang sisitema ko kaya tumugon narin ako sa mga halik niya. Isang slow kiss at ramdam mong mahal ka ng taong ito.
"Damn i love you.." Sabi niya between the kisses.
"I love you more, Zhander." Balik ko.
Huminto na kami sa paghalik pero nakakapit parin ako sa leeg niya nakahawak parin siya sa mga bewang ko. Pinagdikit niya ang mga noo naming dalawa. Nakapikit siya nung dinilat ko ang mga mata ko. Isang perpektong mukha ang nasilayan ko. Ramdam kong mahal ko ang isang 'to.
"Ayoko ng mawala ka.." Sabi niya ng nakapikit parin. "Alam mo bang sinubukan kitang kalimutan? Pero hindi ko kaya." Sabi niya.
Hinalikan niya yung noo ko at dumilat na siya. "Ikaw na ang buhay ko. Ikaw na ang mundo ko. aabutin ng bilyong tao bago mapuno ang mundo.but it only takes you to complete mine." Sabi niya.
Biglang tumulo ang luha ko sa saya. "Pinapaiyak mo naman ako.." Sabi ko.
"Wag ka munang umiyak sa saya. Gusto kong umiyak ka sa saya. Kapag lumalakad ka na sa simbahan papunta sakin." Sabi niya.
Niyakap ko siya sa sobrang saya. Hinding hindi ko na pakakawalan si Zhander. Hindi ko na siya iiwan pa. Hindi na ako magdadalawang isip para lang sa iba. Ang gusto ko nalang ay makasama siya habang buhay.