Chapter 4

1146 Words
Minzy's POV "Hindi pa 'yun proposal. Just saying na gusto ko lang na makasama ka habang buhay." Huling sabi ni Zhander bago ako umalis sa office niya. Akala ko pa naman proposal na. Pero ramdam ko parin ang saya na dinulot niya. Marinig ko lang na gusto niya akong makasama habang buhay ay tumitibok na ng malakas ang puso ko. Mahal ko talaga siya. At mahal niya din ako. Walang oras na hindi ko siya iniisip. At walang dahilan para iwan ko siya. Sa tabi niya lang ako. Mamahalin ko siya habang buhay. Sana ganoon din siya sakin. Uwian na. Wala na daw si Zhander. Nag paalam na din siya sakin. Hindi niya daw ako mahahatid sa bahay. Wag daw ako mgapaphatid kay Jim. Possessive Zhander. Nasa bahay na ako agad kong chineck si papa. Maayos naman yung pag aalaga sakanya ng hinired kong yaya. "Papa, Kumusta?" Tanong ko. "Miss na miss ko na siya.." Ani papa Hinimas ko yung likod niya bago magsalita. "Ako din naman papa eh. Lalo na si Kuya. Miss na niya si mama. Mama's boy kaya yun. Lahat naman tayo namimiss si mama." Nakangiti kong sabi. "Pero iba parin ang kasama ko siya. Sa tingin mo, Pwede na ba ako sumunod sakanya?" Sabi ni papa na diretso yung tingin niya sakin. Niyakap ko siya agad. Hundi na ako nagsalita pa. Alam kong wala sa mga plano niya ang ganoon. Naguguluhan lang siya. Ako na nagpatulog ulit kay papa. Naging parang bata na siya sa mga nangyayari sakanya. Pero mahal ko pa rin siya. Siguro kung mawala rin sakin si Zhander eh iisipin ko nalang din na sundan siya. Bumaba ako para magtimpla ng gatas. Nakita kong nakaupo si kuya sa sofa. Agad ko itong nilapitan. Nakayuko siya habang nakapatong yung mga siko niya sa tuhod niya at nakahawak sa ulo niya. "Kuya, Okay ka lang ba?" Tanong ko. "Nasaktan ko siya. Ang gago ko talaga.." Random niyang sabi. Kilala ko na ito. Hindi na yan magsasabi pa ng ibang nararamdaman niya. Kilala ko na kung sino ang tintukoy niya. Ang dalawang lalaking mahalaga sakin ay hindi ko rin magagawang iwan nalang ng basta. Mahal ko silang dalawa.  Bago ako humiga ay nakarecieve ako ng isang text. Bigla akong napangiti dahil pangalan ng pinakamamahal ko ang nasa screen. Agad ko itong binasa. "Nasa labas ako ng bahay niyo."  Agad akong sumilip sa bintana. Napakaway siya nung nakita niya rin akong sumilip. Agad akong bumaba at lumabas para makita siya. "Zhander! Anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na ha?" Sabi ko. Lumapit siya at tinanggal niya yung jacket niya at sinabit niya sa bewang ko at pinalapit niya ako sakanya. Magkadikit na yung katawan namin sa isat-isa bago niya inayos yung jacket sa katawan ko. "Bawal ko bang makita ang mahal ko?" Sabi niya sabay pout. Ang cute lang. Sarap ihug. Oh god! Minamanyak ko si Zhander sa isip ko. "Pwede naman.. Hmm. Bakit ang aga mong umalis kanina sa office? Date nga sana tayo eh." Pagtatampo ko. Ngumiti siya bago magsalita. "Yun na nga. Kaya ako nandito para bumawi. Bukas wala ka kaya nandito ako." Sabi niya at niyakap ako ng mabilis. "Hmm! Baka mamaya may iba ka palang pinupuntahan?" Tanong ko. Tinap niya yung ilong ko bago magsalita. " Wala. May iaasikaso lang ako. Hmm. Tara." yaya niya. "Saan naman tayo pupunta sa mga ganitong oras?" Tanong ko. Pinagbukasan niya ako ng pintuan ng kotse niya. "Sa mga 24 oras na motel." Sabi niya sabay wink sakin. Umikot siya para sumakay sa kotse. Hindi ako nakapagsalita. Ito na ba yung oras? Ibibigay ko na ba talaga? Eh mahal ko naman siya kaya okay lang. "Namumula ka diyan? Sineryoso mo naman? Siyempre hindi. Diyan lang. Masolo lang kita." Nakangiti niyang sabi. "Heh! Hindi ka parin nagbabago diyan." Sabi ko at gumilid dahil na rin sa hiya. Inistart na niya yung kotse. " Let's go, Hon." Sabi niya sabay tawa. "Anong h-hon?" Tanong ko. "Hmm. Ikaw ang hon ko. Honey. Coz'  i'm a bee. Then, Can you be my honey?" Banat niya. Kinagat ko yung labi ko para pigilan ang tawa. Ang corny niya promise! "Ayoko nga ng hon na endearment." Sabi ko. "Oh anong gusto mo? Cupcake? Honeypie? Chocopie, Maruya, Binatog? Ano?!" Medyo patampo niyang sabi. "Hmm. Magiisip muna ako. Wag ka na magtampo. Papanget ka niyan." Pagbibiro ko. "So, Kung pangit ako, Hindi mo na ako love?" Sabi niya at patingintingin sakin habang nagmamaneho. "Siyempre, Mahal parin kita. Kahit na panot ka na pagdating ng araw eh mamahalin parin kita." Sweet kong sabi. Bigla niyang hininto yung kotse at tumingin sakin. "Talaga? Gaano mo naman ako kamahal? At bakit mo ako minahal?" Tanong niya. Hinawakan ko yung kamay niya bago magsalita. "Mas mahal kita kaysa sarili ko. At kaylangan bang may dahilan kung bakit kita minahal? Basta mahal kita at ikaw ang sinisigaw nitong puso ko." Nakangiti kong sabi. Tinitigan niya ako ng maigi bago magsalita. "I really really love this girl. I'm the luckiest man alive." Sabi niya at nagpatuloy na sa pag drive. Pinarada niya yung kotse niya sa gilid ng tulay. Nasa mataas kaming tulay at isang ilog ang nasa ilalim nito.  "Anong gagawin natin dito?" Tanong ko nung nasa labas na kami ng kotse. "Come." Sabi niya at pinaupo ako sa harapan ng kotse katabi niya."Pangarap kong mag stargazing sa mga ganitong lugar kasam ang taong mahal ko. Ang babaw ng pangarap ko? Gusto ko pa nga mag kaelove sa ilalim ng mga stars na yan kasama ka.." Pagbibiro niya. "Thank you.." Yun nalang nasabi ko. "For what?" Sabi niya. "For loving me like this. Ay wag na english. Bobo pala ako. Hmm. Dahil minahal mo ako ng ganito. Dahil pinapasaya mo ako. Dahil nasaakin ka. Dahil kasama kita. Dahil mahal mo ako." Nakatingin lang ako sa langit habang sinasabi ito. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na tinitiganan niya ako.  Umayos siya ng upo at umupo na siya sa likuran ko. Pinaupo niya ako sa pagitan nng mga hita niya. Sinandal niya ako sa dibdib niya. "I'm yours forever, Minzy. No matter what happened i'm still yours. Minahal kita kung sino ka. At mamahalin kita habangbuhay. Kung ano mang pagsubok na dumating satin. Sana huwag kang bibitiw sating dalawa. Kung may dumating o sumubok bumuwag sating dalawa. Sana ako parin at wag kang bibitaw. Mahal kita at mahal mo ako. Walang bibitaw. Pangako mo yan."  Sabi niya sa gilid ng mga tainga ko. Hindi ko matansya kung gaano na kapuno ang pagmamahal na ibinibigay ni Zhander sa puso ko. Umaapaw na at hindi na mapunan pa. Sana hindi ito tumigil sa pag apaw at manatiling gumagalaw at pinupuno ito. "Pangako, Hindi ako bibitaw saating dalawa. I love you, Zhander." Sabi ko. "I" Sa bi niya at hinalikan niya ako sa ulo ko. "Love" Halik sa tainga. "You" Kiss sa leeg. "Forever" Kiss sa lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD