Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ni Rita habang bumibiyahe, mugto at maga na ang kanyang mga mata dahil kanina pa siya umiiyak ngunit hindi pa rin s'ya tumitigil. "Heto ineng, punasan mo ang mga luha mo." Wika ng isang matandng babae, inabutan nito ng panyo si Rita. "S-salamat po." Kinuha iyon ni Rita at pinunasan ang basang basa na nyang mukha. "Kanina pa kita napapansin, at tingin ko'y, mukhang ang bigat-bigat ng dinadala mo. Ayos lang bang itanong kung ano ang nangyari sa'yo? E, ikaw ba ay napalayas ng mga magulang mo?" Yumuko si Rita at tumango-tango. "Pinalayas po ako ng..." Sinapo n'ya ang kanyang sinapupunan. "Ama ng anak ko." "Buntis ka?" "Opo." "O, e, baka makakasama sa bata yang ginagawa mo. E, wala kang tigil sa pag-iyak, e. Ano ba ang nangyari, bakit pinalaya

