bc

Finding love Again

book_age16+
30
FOLLOW
1K
READ
HE
single mother
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Isang pag-ibig na hindi inaasahan ang darating kay Rita, nang lumuwas s'ya pa-maynila, para mamasukan bilang isang katulong. Hindi n'ya akalaing magkakaroon s'ya ng relasyon sa amo niyang si Martin. Nang lumalim na ang pag-ibig nila sa isa't-isa ay inakala niyang magiging masaya na sila, ngunit isang trahedya ang magpapabago sa kapalaran nila: makakalimot si Martin. Dahil sa isang aksidente na nagdulot ng amnesia kay Martin ay malilimutan n'ya ang lahat ng pinagsamahan at ang mga magagandang alaala n'ya kaya Rita. Sa sulsol at sa mga paninira ng mga tao sa paligid n'ya ay masusuya s'ya dito at itatakwil ito, ngunit isang supling ang muling mag-uugnay sa kanilang dalawa. Sa pagkakataong ito, mahahanap na kaya ni Martin ang daan patungo sa naudlot niyang pag-ibig kay Rita?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Kakanin! Kakanin kayo diyan!" Sigaw ni Rita. Naroon s'ya sa isang eskuwelahan, dala ang paninda niyang mga kakanin na nakalagay sa isang basket. "Ate, may suman?" Tanong ng isang babaeng estudyante. "Meron, ilan?" "Isa lang." Matapos iabot ni Rita ang binibili ng estudyante ay umiba naman s'ya ng puwesto, pumuwesto s'ya sa tabi ng daanan ng mga estudyante, malapit sa gate. Bago mag hapon ay nakaubos na siya ng paninda, kaya masaya s'yang umuwi. Siya si Margarita Luna, o mas kilala bilang Rita. 22 anyos, panganay sa kanilang pitong magkakapatid at naninirahan sa ormoc. Tumigil s'ya sa pag-aaral para tulungang kumita ng pera ang kanyang ina na naglalabada lang dahil sa dami ng kailangang suportahan, at dahil lahat ng kanyang mga kapatid ay pawang mga nag-aaral na. Wala nang balak bumalik sa pag-aaral si Rita, balak na lang n'ya mag aral ng vocational para makakuha ng skills para sana makapasok sa maganda-gandang trabaho balang araw. Walang amor ang ina ni Rita para sa kanya dahil s'ya ang sinisisi nito kung bakit nasira ang buhay nito. Ang kanyang ina kasi ay umibig sa isang taga Maynila na may kaya sa buhay. Nang makipagrelasyon ito sa kanya ay natuwa si Lydia, ang ina ni Rita, sa pag-asang, ito ang mag-aahon sa kanya sa hirap ng buhay kaya naman hindi ito nagdalawang-isip na magpabuntis dito. Sa kasamaang-palad, hanggang pangarap lang pala ang magandang buhay na gusto ni Lydia, dahil tinakasan s'ya ng lalaki nang malamang nagdadalang-tao s'ya. Dahil sa kabiguan ay naisip ni Lydia na ipalaglag na lang si Rita dahil hindi din naman n'ya magagawang buhayin ito, ngunit pinigilan siya ni Lorna, ang kaibigan n'ya. Nangako itong tutulungan s'ya para buhayin at palakihin si Rita. Nang maisilang si Rita ay hindi man lang ito sinulyapan ni Lydia, ni hindi niya ito binigyan ng pangalan kaya si Lorna na ang nagbigay ng pangalang Margarita dito, sunod sa namatay niyang panganay na anak na si Margarette. Habang lumalaki si Rita ay si Lorna rin ang halos nag-aalaga at bumubuhay dito, halos sa bahay na nga n'ya nakatira si Rita noon. Nang lumaki-laki na si Rita ay saka lamang ito pumirmi sa bahay nila dahil kinuha na ito ni Lydia. Nang mapakinabangan na n'ya ito sa mga gawain ay saka lang nagbago ang pagtingin ni Lydia kay Rita. Nakapag asawa pa si Lydia kaya nagkaroon ng mga kapatid si Rita, ngunit hindi din nagtagal ay nauwi lang sa hiwalayan ang pakikipagrelasyon nito. Muli itong nagkaroon ng karelasyon at nagka-anak ngunit nauwi pa rin sa hiwalayan, nang makatatlong relasyon na si Lydia na pawang nauwi lang naman sa hiwalayan ay tumigil na ito, dahil na rin nasa anim na ang mga anak n'ya bukod kay Rita. Pinatigil ni Lydia sa pag-aaral si Rita para pagtrabahuhin na, dahil hindi na n'ya kaya ang mga gastusin nila. Hanggang sa makapagtrabaho siya bilang isang dishwasher sa isang bar, habang si Rita naman, bukod sa part time job na kanyang napasukan, nagalalako din ito ng kakanin. "Nay, nariyan ka na pala, kain na po tayo. Maganda po ang naging benta ko kaya namalengke ako para masarap-sarap naman ang hapunan natin....... Sandali lang ho, tatawagin ko lang po ang mga kapatid ko." Ani Rita matapos makapagluto ng hapunan, sa kakauwi lang na si Lydia. "Mamaya mo na sila tawagin, makinig ka muna, may importante akong sasabihin sayo." Saway ni Lydia. "Mag-ayos ka at magpaganda, sasama ka sa kin sa bar mamaya." Nagulat nung una si Rita ngunit agad din nitong naunawaan kung ano ang dahilan ng sinabi ng ina. "Yan po ba ang importanteng sasabihin nyo?" Nang makita ang reaksyon ni Rita ay kumunot ang noo ni Lydia. "Anong klaseng mukha yan? Hoy Rita, ayus-ayusin mo ang sarili mo mamaya ha, huwag kang magpapakita ng ganyan kay Mr. torres." "Nay, ipipilit n'yo na naman ba sa akin 'yang gusto n'yo? Bakit hindi n'yo po maintindihan na hindi ko gustong magtrabaho doon?" "Hindi naman kita pinipilit magtrabaho sa bar a? Sasamahan mo lang naman si Mr. Torres, bakit ba takot na takot ka, hindi ka naman kakainin nun? Akala mo ba ay kagandahan ka para mag-inarte nang ganyan? Mabuti nga't may nagkakainteres pa sayo e." Nakaramdam ng pagpupuyos si Rita nang marinig ang walang pakialam na sagot ng ina. "Bakit parang siguradong-sigurado kayo na wala nga siyang gagawin sa akin, kilala n'yo na ba ang taong yun? Paano kung may gawin s'ya sa akin, maibabalik ba ng pagsisisi n'yo ang lahat kung may nangyari na? Ang hirap po kasi sa inyo, sarili n'yo lang ang inuunawa n'yo. Alam kong wala kayong pagmamalasakit sa akin, pero sana man lang ay ipakita n'yo naman ang pagiging ina n'yo sa akin, hindi yung kumita lang kayo ng pera, ayos lang sa inyo kahit mapariwara ako!" PAK! Matapos iyon sabihin ni Rita ay nasundan iyon ng isang matunog na sampal mula sa ina. "Huwag na huwag mo akong pagsasalitaan nang ganyan!" Natigilan ang dalawa nang biglang dumating si Anthony galing sa eskuwelahan. Grade 12 na ito. "Anong nangyayari dito?" Nang makitang nakasapo ang kanyang ate sa sariling pisngi nito ay naunawaan n'ya ang nangyayari, kunot-noo siyang bumaling sa ina. "Nay, sinasaktan n'yo na naman ba si ate? Ano na naman ba ang problema n'yo?" "Ayan! Kaya ganyan ang babaeng 'yan, kasi naman, kinakampihan mo! Bakit, para saan ba ang lahat ng ginagawa ko, para naman sa inyong magkakapatid a! Tapos parang lumalabas na ako pa ang masama dito?" Panghuhuramentado ni Lydia. May kalituhang tinanong ni Anthony si Rita kung ano ba ang problema. "Si nanay kasi e, ibinibugaw na naman n'ya ako sa kung sino doon sa bar na pinagtatrabahuhan n'ya." Hindi pinagtakpan ni Rita ang ina, at dahil sa sama ng loob ay hayagan niyang sinabi sa kapatid ang gustong mangyari ng kanilang ina. Sumama ang mukha ni Anthony. "Totoo ba yun, 'nay? Ibinubugaw n'yo si ate?" "Anong ibinibugaw? Hindi pambubugaw ang ginagawa ko ha, ang kailangan lang namang gawin ng ate mo ay sumama kay Mr. Torres, makikipakuwentuhan lang naman s'ya e, kung painumin s'ya, edi uminom siya. Ganun lang naman ang gagawi–" "Ganun lang?" Sabat ni Anthony, makikita ang galit sa mukha nito. "Para namang hindi nyo alam kung ano ang kalakaran sa bar na pinagtatrabahuhan n'yo, huwag n'yong sabihin na hindi niyo alam kung saan dinadala ng mga kustomer doon ang mga babaeng itine-table nila? Tapos gusto n'yong...... hindi ba kayo nag-iisip, ha 'nay? Anak n'yo rin si ate pero bakit parang kayo pa ata ang gustong sumira sa buhay n'ya?" "Hoy Anton, magdahan-dahan ka ng pagsasalita mo sa akin ha, akala mo ba ay porke hinahayaan lang kita na sagut-sagutin ako ay puwede mo na akong bastusin nang ganyan? Baka nakakalimutan mong, ina mo ako?!" Sa mga anak ay kay Anthony lang tumitiklop si Lydia, bagaman nasa 17 taong gulang pa lamang ito. Ito ay dahil sa maagang edad ay nagpapakita na agad ang binatilyo ng pagiging responsable, may pagka istrikto din ito at kung umasta ito ay parang ito ang kanilang padre de familia. "Saka dapat lang na sumunod sa akin itong ate mo no, dahil s'ya ang panganay. Makabayad man lang s'ya sa akin sa pagbibigay ko ng buhay sa kanya, kaya maano bang tulungan n'ya ako? Uupo lang naman s'ya doon e." "Uupo lang? Naririnig nyo ba ang sinasabi n'yo? Kaya ko kayo napagsasalitaan ng hindi maganda e. Puwede bang magpaka ina naman kayo kay ate? Huwag n'yo siyang ipinagtutulakan sa kung sinu-sino, tigilan n'yo ang pambubugaw sa kanya!" "Hindi nga pambubugaw yun e!" Sigaw ni Lydia. "Hindi, e ano ang tawag nyo sa pamimilit n'yo kay ate na sumama sa kung sinu-sinong lalaki, sige nga?" "Anton..... Tama na." Awat ni Rita nang makitang painit na nang painit ang pagtatalo ng kanyang ina't kapatid, tila anumang oras ay susugurin na ng mga ito ang isa't-isa. "Ano ang nangyayari dito, nag-aaway away ba kayo? Aba, dinig na dinig sa labas ang mga boses n'yo a." Wika ni Lorna pagpasok ng bahay. Sa pagdating ni Lorna ay saka lang tumahimik ang bahay. Hindi na rin ipinilit ni Lydia ang kanyang gusto dahil siguradong hindi din s'ya magtatagumpay na mapasunod si Rita lalo't naroon na ang kaibigan niyang si Lorna, galit na lamang itong umalis ng bahay. Nang malaman ni Lorna ang pinag-awayan ng mag-iina, maging ito ay nagalit din sa kaibigan. "Ano ba naman itong si Lydia, kailan ba matatauhan ang nanay n'yo na mali ang ginagawa n'ya? Hay naku, hindi na ako magtataka kung isang araw ay malaman ko na lang na ibinenta ka na pala ng nanay mo, Rita." Lingid sa kaalaman ni Lorna na hindi magtatagal ay makakatotoo pala ang sinabi niyang ito. "Ate, pasensya ka na, ha." Ani Anthony habang naglalakad lakad sila ni Rita. "Bakit ka humihingi ng dispensa, e si nanay naman ang may kasalanan sa akin?" "Hindi, kasi..... Kung hindi ka sana tumigil sa pag-aaral, edi sana ay nakapasok ka na sa magandang trabaho ngayon. Siguro, sa ganun ay hindi ka na pag-iinitan ni nanay at hindi na s'ya makakaisip gumawa ng kung anu-ano sayo." "Wala naman kasi tayong magagawa e, kung itutuloy ko naman ang pag-aaral ko, baka ilan sa mga kapatid natin ang hindi naman makapag-aral." "Ate pangako, kapag nakapag trabaho na ako, ako naman ang magpapa-aral sayo. Kahit saan mo gustong mag-aral, ako ang bahala." Na-touch si Rita sa kapatid, niyakap nya ito. "Salamat, Anton." ........... Makalipas lang ang ilang araw, hindi akalain ni Rita na uulitin ng kanilang ina ang huling insidente na pinag-ugatan ng pagtatalo-talo nila, ngunit sa pagkakataong ito, hindi inaasahan na mas malala pa pala ito kaysa nung mga naunang "pambubugaw" nito sa kanya: "Maraming salamat po, Mr. Romualdo!...." Natigilan si Rita nang biglang marinig na may kausap sa cellphone ang kanyang ina sa kwarto, kakatukin niya sana ito para ayain nang mananghalian. "Opo, binilang ko po yung pera, kumpleto naman po...... Sige po, mamaya..... Magsama po kayo ng mga tauhan n'yo para hindi siya makapalag...... Opo, opo, maraming salamat po." Biglang nakaramdam ng panganib si Rita; base sa kausap ng kanyang ina na nagngangalang "Mr. Romualdo" naunawaan niya na malamang ay isang matandang lalaki ito. Ngunit ang lalong nagpa-alarma sa kanya ay ang sinabi ng kanyang ina na magsama ang matandang lalaki ng mga tauhan, para hindi makapalag.......ang sino? Dahil sariwa pa sa kanya ang huling naging pagtatalo nila at dahil palagi naman siyang inirereto ng kanyang ina sa kung sinu-sino sa bar na pinagtatrabahuhan nito, ay nalalaman ni Rita na s'ya ang pinatutungkulan nito. Nakaramdam ng takot si Rita, ano ang ibig sabihin ng kanyang narinig, balak na ba s'yang puwersahin ng kanyang ina na gawin ang gusto nito? Hindi na tinawag ni Rita si Lydia para kumain, dali-dali siyang nagtungo sa kwarto nilang magkakapatid para magtago muna. Paglabas n'ya ay hindi n'ya ito nakita sa kusina. "Nasaan si nanay?" "Sabi n'ya mamimili daw siya, ibibili n'ya raw kami ng damit." Sagot ng bunso na si Aubrey. Kumakain ito kasama ng iba pa nilang mga kapatid. Hindi na nagawang kumain ni Rita dahil sa takot at pag-aalala, nagtungo na lamang ito kila Lorna at sinabi doon ang pinaplano ng kanyang ina. Nagalit si Lorna at ang anak nito na si Lara, na kaibigan ni Rita. "Ma, sumusobra na talaga si tita Lydia...." Wika ni lara sa ina." Aba, dapat inirereport na natin s'ya e." "Pero Lara, ayoko naman makulong si nanay nang dahil sa akin, paano naman ang mga kapatid ko?" "Sino ba ang kausap ng nanay mo at bakit parang malakas ata ang loob ng taong iyon na mamuwersa ng tao?" Iritableng tanong ni Lorna. "Ang narinig ko pong itinawag ni nanay sa kanya ay Mr. Romualdo." Nang marinig ito ni Lorna ay nakaramdam ito ng pag-aalala dahil kilala si Mr. Romualdo bilang maimpluwensya at may malakas na kapit sa pulisya, kaya nagagawa nito ang kanyang gusto. "Rita, makinig ka; kilalang notorious ang Mr. Romualdo'ng yun, baka hindi na kita matulungan sa pagkakataong ito....." "A-ano po? E ninang, ano po ang gagawin ko? Ayoko pong sumama sa matandang yun!" "Alam ko, kaya ganito ang gagawin natin, sandali lang...." Pumasok sa kuwarto si Lorna, paglabas ay may dala na itong pera. "Ito ang lahat ng ipon ko..." Inilagay niya ang pera sa kamay ni Rita. "Kunin mo na'ng lahat yan at magpunta ka sa Maynila. Hanapin mo doon ang tiyahin kong si Andeng, namamasukan s'ya bilang katulong sa isang mayamang pamilya doon. Sabihin mo na ako ang nagpapunta sayo, sabihin mo ang nangyari sayo dito at magpatulong ka." Nagluha ang mga mata ni Rita, napayuko s'ya sa perang nasa kamay n'ya. Sa lahat ng naitulong ni Lorna sa kanya mula noong sanggol pa siya hanggang sa mga oras na iyon ay hindi n'ya alam kung paano pa s'ya makakabayad ng utang na loob dito. "Ninang...... maraming salamat po. Sana talaga ay kayo na lang ang naging ina ko." Nung araw na iyon ay hindi na umuwi si Rita para mag-impake ng kanyang mga damit, pinag-impake na lamang s'ya ng ilang pirasong damit ni Lara para may maisuot s'ya pagdating sa Maynila. Pinakain at pinagpahinga muna ni Lorna si Rita bago n'ya ito hinayaang umalis. "O sige na anak, mag-iingat ka pagdating mo sa Maynila ha. Heto'ng cellphone, lumang modelo na yan pero gumagana pa naman yan. Huwag mong kalilimutang tumawag kapag naroon ka na ha? Mag-iingat ka doon." Mangiyak-ngiyak na bilin ni Lorna. "Bestfriend...." Lumapit si Lara at niyakap si Rita. Bukod sa pagiging magkaibigan ay parang magkapatid na rin ang mga ito, nang maliliit pa sila ay sabay silang inaalagaan at pinalaki ni Lorna. "Ingatan mo sana ang sarili mo doon, saka lagi mong sasagutin ang mga tawag namin, ha." Matapos ang ilang sandali ay nagpaalam na si Rita. "Ninang, lara, kayo na sana ang bahalang magsabi kay Anton sa nangyari, hindi ako nakapagpaalam sa kanya, siguradong hahanapin ako nun." "Sige na, kami na ang bahala, mag-iingat ka." Ngunit patungo pa lang sa pinto si Rita ay bigla nilang narinig si Lydia sa labas ng nakasaradong pinto. "Rita! Nariyan ka ba?" Malakas nitong tawag. "Naku Rita, ang nanay mo!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.2K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.6K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook