Taranta nang magpunta sa ospital sila Roda at Matina, ngunit hindi lang dahil sa naaksidenteng si Martin, kung hindi dahil na rin kay Leonora. Nang may magbalita sa kanila tungkol sa nangyari kay Martin ay inatake ang matanda kaya kasama nila ito para isugod sa parehong ospital. "D-dad... Dad, please, umuwi muna kayo ni ate. Nandito kami ngayon sa ospital, isinugod namin si lola. S-saka si kuya, naaksidente." Nanginginig na wika ni Matina sa telepono. Makalipas ang wala pang tatlumpung minuto ay dumating na sila Reuben at Mayette. "Ang nangyari sa lola mo, at paanong naaksidente ang kuya mo? Tanong ng kararating lang na si Reuben. "Mom, kumusta si kuya, anong balita sa kanya?" May pag-aalalang tanong ni Mayette "Hindi ko pa alam, ginagamot pa s'ya." Umiiyak na sagot ni Roda "Paano po

