"Rita? Magche-check out na kayo?" Tanong ng nagtatakang si Martin. Kung hindi s'ya nagpunta ngayong araw ay baka nakaalis na lang ito kasama si Sophia nang hindi n'ya nalalaman. "Hump!" Ismid ni Rita. "Pia, tara na." Hinawakan n'ya sa kamay ang Anak habang hawak naman n'ya sa isang kamay ang mga gamit nila, pagkatapos ay wala siyang lingon-lingon na naglakad sa lobby ng hotel palabas. Hindi naman ganun kabigat ang mga gamit nila kaya niyang bitbitin yun mag-isa. "Rita, teka lang!" Hinarangan ni Martin ang daanan ng mag-ina." "Tabi!" Singhal ni Rita. "Hindi. Sabihin mo muna kung ano ang nangyayari, bakit bigla na lang kayo aalis nang hindi mo man lang sinasabi sa akin? Alalahanin mong ako ang nagpapunta sa inyo dito kaya responsibilidad ko kayo." "Mali ka, lola mo ang nagpapunta sa ami

