Hindi makapaniwala sila Roda at Matina sa sinabi ni Martin, maging si Claire na naroon at tila nanonood lang ng drama. Kumunot ang noo ni Reuben nang mapagmasdan n'ya ang paligid dahil nakatutok sa kanila ang mga bisita. Ang usapin itong ay problema ng kanilang pamilya ngunit ngayon, ay tila nabo-broadcast sila. Napagmasdan ni Roda ang umiiyak na si Sophia sa bisig ni Martin. Napaisip s'ya nang malalim; kaya ba magaan ang loob nya sa batang ito nung una niya itong makita sa hotel? Nasa kalagitnaan na s'ya sa pagtanggap ng katotohanan nang maalala n'ya na si Rita nga pala ang ina nito. "Tama na, Martin! Ngayon ay gumagawa ka naman ng kasingulingan para lang isalba ang babaeng yan? Ganyan ka ba talaga ka-baliw na baliw sa babaeng yan? Ano ba talaga ang pinakain sayo niyan?" "Ma, huwag

