AMPALAYA 7

667 Words
“Sabi nila ang mga ahas sa gubat nakatira, bakit nandito ka?”   “OKAY, Ericka is the best warrior of the Team A, mga single. Zinnia for Team B, taken. Sinong gustong mauna?” sabi ni Sir Ethics habang paupo sa isang arm chair upang panuorin ang sagupaan este debate namin. “Si Ericka na lang, Sir,” sabi ni Zinnia. “Ericka?” tawag sa akin ni Sir. Binigyan ko muna si Zinnia ng death glare at hinarap ko naman si sir. “Okay, team A ang mauuna” sabi ko with a cold voice.   “Wooh!” “Go Ericka!” “Ericka! Ericka! Ericka!”   Iyan na naman ang umaatikabong cheer sa akin ng mga kaklase ko. “Start, Ms. Andromeda,” sabi ni Sir na siyang nagpatahimik sa kanila. “Okay. Good afternoon! My first argument is in a way of question. Bakit may love?” panimula kong sabi. May sumagot naman na taga-grupo ko. “Nagkakaroon ng love kasi ‘yon ang isa sa mga aspeto na bumubuo sa isang pagkatao,” sagot niya sa akin. “Tama po yan mister. So, para sa aming mga single, kahit wala kaming commitment sa isang relasyon, madadama namin ang pag-ibig sa form ng friendship at sa aming mga parents,” sabi ko naman sabay tingin kay Zinnia. “Ms. Granger, ano namang defense mo sa sinabi ni Ms Andromeda?” tanong ni Sir kay Zinnia. Aba nakuha pang ngumiti ng gaga. “Ito lamang po ang masasabi ko, pumapasok sa isang relasyon ang mga tao upang sumaya at di maging tanga,” sabay smirk sa akin na parang sinasabi niyang ‘Take that!’. A, gano’n? Ganiyanan pala? Tignan natin. “Sir, excuse me lang po. May naisip lang po akong idea para sumaya ang debate,” sabi ko na siyang kinagulat nila. “Ano?” tanong ni Sir. “Since, inumpisahan ni Zinnia ang mga patama. I recommend patamaan na lang ang gawin natin for this day’s debate” mungkahi ko. Nag-isip muna si Sir kung papayag siya. “Sige, go,” sabi ni Sir. Ha! Let the battle begins! “Thank you, sir,” sabi ko at humarap muli sa bruha. “Ang mga ahas nasa gubat bakit nandito ka?” panimula ko habang tinitignan si Zinnia mula ulo hanggang paa. Nagulat siya sa sinabi ko at dali-daling nagpunta si Paul upang maging kasangga niya. Nice! “Hmp! Condolence nga pala para sa ex-boyfriend mong patay na patay sa akin,” sabay smirk niya with matching palupot pa ng kamay niya kay Paul! “Malandi!” sigaw ko at napatingin siya sa akin, akala niya siguro nagalit ako. Pero… “Oh, sumigaw lang ako ng malandi, napatingin ka na sa akin? Bakit, malandi ka ba?” Ha! Ano ka ngayon? Nga-nga! “Oh, baka mag-away na kayo. Tapusin niyo na ang debate,” sabi ni Sir Ethics. Okay for the final wave (Plants vs. Zombies lang ampeg!?) “Ito na lamang po ang message ko. Love is dangerous, kaya always take care,” sabi ko habang palapit kay Zinnia upang kamayan siya. Spell plastic? E-R-I-C-K-A. “Thanks for being a nice opponent,” sabi ko habang nagsi-shake hands kami. Niyakap ko siya at bumulong. “Kung saan ka man nakakuha ng Bachelor’s Degree sa kalandian at pagiging mang-aagaw, i-enroll mo naman ako.” Kumalas ako sa pagkakayakap at bumalik na ako sa upuan ko. Napansin ko namang sinusuyo suyo pa siya ni Paul. Hay, school ‘to hindi lugar landian! Kaasar!   “UY, galing mo dun, ‘te,” puri sa akin ni Chelsea. “Naman. Wala pang pinapanganak na magiging katapat ko,” proud kong sabi sa kanya habang nakatingin pa rin ako roon sa dalawa.   DISMISSAL “Tara na,” sabi ko kay Chelsea. Dali-dali naman siyang tumungo sa akin. “Saan tayo?” tanong niya. Kita mo ‘to lutang na naman yung utak niya. Teka, may utak ba ‘to? “Net To Go po,” sabi ko naman. “Ah, hehe! O-oo nga pala,” tugon niya na akala mo bata. “Sus, makakalimutin ka talaga” pang-aasar ko sa kanya. Himala, nakakapang-asar na ako? Teka, bumabait na ba ako? NO WAY! “Tara na! Bagal mo talaga, b***h” sabi ko naman at nagpunta kami sa Net To Go.   NET TO GO “Ano bang gagawin mo dito?” tanong ko sa kanya. “Baka papatay ng tao?” Aba, nakikipag barahan pa ‘to. “Ah, gano’n? Sige, bye!” Akmang aalis na ako ng hinigit niya ako. “Uy, sorry naman. May titignan lang ako sa sss ko,” pagpapaliwanag niya. “Hey Ericka!” tawag sa akin ng isang nilalang. Kumindat naman sa akin si Chelsea at nagpunta sa computer na ni-rent niya. “Who are you?” tanong ko ro’n sa lalaking tumawag sa akin.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD