AMPALAYA 6

726 Words
“I’m a certified b***h—Beautiful Individual That Create Haters.”   HAY, kung kailan inaantay ko ‘yong oras ng dismissal parang ambagal ng mga pangyayari. “And class alam niyo bang si Buddha ay isang prinsipe?” patuloy sa pagdadaldal ng History teacher namin. Tsk, ano namang pake ko kung prinsipe siya? Yayaman ba ako ‘pag alam ko yun  Guys, don’t get me wrong, I really hate History kasi for me ano naman sa ngayon kung alam natin ang mga past happenings? Hindi ba nila alam ang kasabihang, past is past? ANYWAY, highway afternoon class na namin. And after ng History, Ethics na, my favorite! “So, hanggang dito na lang muna. Paalam,” sabi ni Ma’am History (Sorry hindi ko alam names ng mga teachers ko at ayoko na lang alamin. Nakakatamad, ‘no!) at lumabas na siya ng room. Yehey! “Uy, b***h…” tawag sa akin ni Chelsea. Nilingon ko naman siya at nagsalita. “Oh, pinaglalaban mo?” maangas na sambit ko. Kumamot siya sa ulo niya, hay alam ko na ‘tong pakana ni b***h. May favor yan sa akin. Ano? Pustahan pa tayo. “Dali na, sasabihin mo o tatahiin ko iyang bunganga mo,” banta ko sa kanya este friendly threat pala. “Kasi, wala kaming net connection, pwede bang…” hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sumabat na ako agad-agad. “Oo na, after class. Net To Go tayo,” mabilis na sabi ko. “Aye aye boss!” With matching salute pa ang gaga. Why on Earth na ito pa ang naging bagong best friend ko? Hmm, okay na rin naman siya kaysa kay Zinnia di ba?   “GOOD afternoon class” bati sa amin ni Sir Ethics. Yey! Ethics time na! “Good afternoon sir,” sabay-sabay na sabi namin at tumayo kami. “You may now take you seats,” sabi niya habang nilalagay niya yung bag niya sa teacher’s table. “Thank you,” at umupo na kami. “So, our lesson for today is all about… love,” sabi niya. Ano ba yan, ayos ang topic ah?   “Eeeh! Sir, bakit yan?” “Love talaga?” “Buti na lang may love life ako!” “Sir, wag yan!”   Umiral na naman ang rally este pagrereklamo ng mga kaklase ko. Spell bitter? S-I-L-A! Oo, sila hindi ako kasama! “Hindi, love ang lesson natin. Whether you love it or not.” Teka, ang pagkaka-alam ko ‘whether you like it or not’ ‘yon. Nabago na ba yung saying na ‘yon? “Why not coconut!” sabi ko na lang sa sarili ko pero deep inside ayoko ring topic iyang love! Kainis naman kasi, kailan ba napasama yang love sa Ethics na subject? Kaasar talaga! “Sinong may love life?” biglang sabi ni Sir na nagpatahimik sa lahat. Tinginan there… from left to right. In short, nagpapakiramdaman sila kung sinong sasagot sa tanong ni Sir. “Kapag may love life kayo move at the left side sa wala, right,” sabi ni Sir. It only means may debate na mangyayari. Love it! At dahil wala akong love life sa right side ako. E, di ako na proud single! Walang basagan ng trip, okay? “So, alam niyo naman na ang meaning nito? I’ll be back later but make sure okay na ang lahat pag bumalik ako. Choose your best warrior,” sabi ni Sir at umalis na. “Pst!” tawag sa akin ni Chelsea. Oo nga pala, kasama ko yan sa Team Single! “Ano?” sabi ko naman habang palinga-linga. Spotted, sabi ko na nga ba ang mga BWISIT, nadoon sa left side. Oo na, sila na may love life. Tsk. “Guys si Ericka na best warrior natin diba?” sabi ni Chelsea sa ka-group namin na siya namang nagpabalik sa akin sa aking ulirat. “A-ano? Wait!” pambabatikos ko. “Si Zinnia ‘yong best warrior sa kabila. Dinig ko sa pag-me-meeting nila. b***h, sabunin at gisahin mo yun!” bulong  sa akin ni Chelsea na siyang nagpapayag sa akin na maging best warrior nila. Ganito kasi ‘yon, di ba grupo-grupo kami tapos pag-iisipan namin yung mga sasabihin namin pati defense mechanism namin kung sakaling may pasabog ‘yong kabila. As the best warrior, ako as in ISA KO LANG na haharap. One on one kasi yun. Best warrior versus best warrior yun. How exciting di ba? “Sige, ako na best warrior,” sabi ko.   “Yes!” “Yehey!” “Panalo na tayo niyan!” “Go lang Ericka!” “You can do it!” Iyan na naman ang mga compliments nila. Sige na, push nila ‘yan. Tumahimik na ulit kami dahil dumating na si Sir. “Shall we start? Share niyo muna mga Best Warriors ang opinion ninyo about love,” tanong niya. “Go sir!” sabi namin. Tumayo na ako at nagpunta sa harap ganun din ang ginawa ni Zinnia. “Let the debate, begin!” sabi ni Sir. Humanda ka Zinnia! You’ll be a dead meat! Ha! I’ll be the winner and you’ll be the loser.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD