“I want FRIENDSHIP, not a FRIENDSHIT (friends look like a s**t).”
“GRABE naman pala,” sambit ni Chelsea matapos kong ilahad sa kanya yung love story kuno namin ni Paul. Nandito nga pala kami sa canteen, vacant time namin at dito namin naisipang tumambay. O, di ba, close na kami agad ni Chelsea.
“Ikaw, bakit gusto mo akong maging friend?” tanong ko sa kanya habang kumakain ako ng red velvet cake, my favorite.
“Uhm, kasi extraordinary girl ka,” simpleng sagot niya sa akin.
Ako? As in A-K-O? Extra… extraordinary? Wow! Great!
“Ah, hahahaha! Na-flatter naman ako,” natutuwa kong sabi sa kanya. Kuwentuhan all the way ang peg namin, since medyo mahaba-haba ‘yong vacant time namin.
“Tara na,” aya ko sa kanya. Tango lamang ang ginawang paraan niya upang sumang-ayon sa mungkahi ko.
Paalis na sana kami nang biglang may humarang sa aming tatlong babae. I smell war!
“Excusez-moi” sabi ko with a French accent. Pa-cute lang
“Tsk, pa-French-French ka pa riyan. Akala mo kung sino,” sabay smirk no’ng Girl #1. Aba, gusto ata niya ng p*****n.
“Alam niyo hindi namin gusto ng gulo,” mahinahong sabi ni Chelsea sabay kaladkad sa akin kaso pilit pa rin kaming hinaharangan.
“Ano ba! Magpapadaan kayo o mamamatay kayo?” mataray na sabi ko sa kanilang tatlo.
“Girl, don’t pretend as if na matapang ka,” maarteng sabi ni Girl #2. Hay, bukod sa kanya mas nabubuwisit ako sa pagsasalita niya! Masyadong nahaluan ng maarteng accent! One word—nakakabwisit.
“Ah, gano’n ba?” kalmadong sabi ko at tinignan ko yung isang monobloc chair. Agad ko yung kinuha at inihagis sa kanila.
“Oh, it hurts!”
“Aw! s**t ka!”
“OMG, magkaka-bruise ako nito!”
Iyan, mga daing nila. Sus, buti nga upuan lang hinagis ko, ‘no!
“Ano, magpapadaan kayo o hindi?” sabi ko.
Aba, hindi natinag ang mga gaga. Dali-dali nilang kinaladkad si Chelsea palayo sa akin… sa amin.
“Chelsea!” sabi ko kaso… nakatanggap ako ng isang masakit at malutong na sampal.
“s**t!” sambit ko sa sarili ko. Ansakit no’ng sampal ni Girl #3 ah?
“Laban ka?” panghahamon nila sa akin. Wait, i-charge ko lang ang devil aura ko.
1%
5%
10%
80%
95%
100%
Fully charged! Iyan na, I’m ready.
“Bring it on,” sabi ko sabay tulak kay Girl #3. At nagsimula na ang labanan namin. Kumuha ako agad ng mga upuan saka ipinaghahagis sa kanilang tatlo. Binigyan ko rin sila ng maraming mga suntok. Aba, marunong kaya ako ng mga martial arts at boxing! Bandang huli, agad-agad silang tumakbo palabas ng canteen. Isang katahimikan ang namayani sa buong canteen. Maski ang mga staffs natulala sa nangyaring rambulan. Ngunit nakarinig ako ng palakpak. Aba, may pumalakpak pa, a? Ano ‘to, isang play? Ako ‘yong bida na demonyita tapos kayo ‘yong audience?
“You’ll pay for this!” pahabol na sabi nilang tatlo.
“Okay, how much?” tanong ko sabay alis kasama si Chelsea.
“GALING mo sis!” puri niya sa akin.
“Gano’n talaga. Kita mo ba yung na uppercut ko iyong isa? Tapos ‘yong dalawa pinag-untog ko,” sabi ko naman na siyang ikinatawa niya.
“Alam mo babansagan kita,” sabi niya habang hawak ang tiyan niya na masakit na ata kakatawa.
“Ano naman?”
“Ericka Demonyita!” proud na sabi niya.
“Hahaha! Baliw ka talaga b***h,” sabi ko naman.
Astig ng call sign namin ‘no? b***h.
“Basta, idol na kita b***h,” sabi niya at patuloy pa rin sa paghalakhak.
Sige tawa pa, baka mamatay ka sana.
MULA no’ng araw na iyon ay kinatatakutan na ako. ‘Yan tama yan.
“Excuse me? Baka gusto niyong magpadaan? O baka gusto niyong mamatay?” mahinahon at kalmado kong tanong sa mga taong nakaharang sa dadaanan ko at in a speed of light, agad silang nag-make way.
“Astig ka na,” sabi ni Chelsea habang nasa locker room kami at kumukuha ng mga librong gagamitin para sa next subject namin.
Alam niyo ba, favorite subject ko is Ethics. Hindi dahil sa madali lang yun kundi dahil may debateng nagaganap. Bangayan in other words.
“Tara na baka andiyan na si Ma’am,” sabi ni Chelsea. Dali-dali kaming pumasok sa room. Ang ganda naman ng view dito, may basura at basurerang naglalandian! Tsk, nakakalakas makapang-bitter!
“Chelsea, uso ba ang pahiram sayo?” tanong ko kay Chelsea habang palapit kami sa kinauupuan ni Zinnia.
“Nope, bakit?” Aba nakiki-ride in na siya.
“Wala naman. Pero ito masasabi ko, mas ‘in’ ang pang-aagaw kaysa sa panghihiram. Di ba, Zinnia my dear?”
“What?” pa-inosenteng tanong niya.
“Hay, mang-aagaw na nga bingi ka pa!” sabi ko naman na nagdulot ng hiyawan ng buong klase.
“For more information about sa pang-aagaw just learn from Zinnia, the expert,”
tuloy kong sambit sabay upo sa aking upuan. Patuloy pa rin yung sigawan, ingay at pang aasar nila kay Zinnia.
Ha! Take that you little w***e!