AMPALAYA 4

591 Words
“Rejection is not meant to break you. It is meant for you to cheer up, to soar and to fly high.”   “ANO na namang kaartehan iyang pinaiiral mo!?” sabi sa akin ni Paul. Base sa tono ng boses niya, bakas doon ang inis at galit niya sa akin, sa mga inaasta ko. “Sagutin mo na lang kasi, totoo bang may relasyon kayo ni Zinnia!?” pasigaw na tanong ko. Pasensya, hindi ko na mapigilan iyong emosyon ko. “Oo. Pinagsabay ko kayo, ano masaya ka na?” sabi niya sa akin. Ang mga katagang iyon ay siyang nagpatigil sa akin, sa takbo ng oras ng panahong iyon. Kumbaga sa Internet connection, humina ang signal. Oo, humina ang signal ng utak ko noong araw na iyon. Ni hindi ako makapag-isip nang maayos. “G-gano’n? S-sige, bye!” mangiyak-ngiyak na sabi ko, aalis na sana ako nang hinigit niya ako at niyakap. “Sorry,” bulong niya. Out of nowhere, biglang nagkaroon ng sariling isip ang aking kamay, agad itong sumampal sa pisngi ni Paul. Nang matapos ko siyang sampali’y tumakbo ako. Tumakbo ako dala-dala ang sakit dito sa puso ko.   ANYWAY highway, back to reality na. Baka naman masyado na kayong naiyak sa buhay ko. Well, kaiyak-iyak naman ‘yon… dati. Pero mula noon ay nawala na nang tuluyan sa akin ang mga importanteng taong laging andiyan para sa akin. Sabagay, hindi ko kailangan ng mga traydor at taksil. Isang basura (ex-boyfriend) at basurera (Zinnia), what a great combination. “Look who’s here, the loser,” ngising sabi ni Zinnia sa akin. Great, isang napakagandang salubong o pagbati para sa akin. Akala siguro niya ako yung dating Ericka na nagmakaawang ibalik ang boyfriend niya. Yup, tama nga. Desperada ako no’n kaya ko ‘yon nagawa. Kaso ni-reject niya ‘yon, kaya naman mula noon ay binago ko na ang sarili ko. Masampolan nga ‘tong si Ex-best friend. “Loser? Are you talking to me or to yourself?” pa-inosenteng saad ko na nagpa-iba ng ekspresyon ng mukha niya. Gulat ka, ‘no? “Aba’t—” Hindi na niya natapos ‘yong sasabihin niya dahil sinampal ko lang naman siya. Bakat nga ‘yong palad ko sa kasalukuyang namumula niyang pisngi. “Opps, sorry. I mean it.” I smirked plus walked out. Hay, nakakapagod makipag-giyerahan sa kanya. Wala naman akong mapapala. “How dare you!” “b***h!” “w***e!” Hay, umatake na ang pagiging nagger niya. Ganiyan iyan, ‘pag nakatalikod na ako saka magre-react. Late reaction? No, it’s called back stabbing. “Thank you for the compliment!” sigaw ko at tumalikod. Lumakad ako palayo sa kanya. Suot ang mala-demonyitang ngiti. College student na nga pala ako ngayon. Unfortunately, classmate ko SILA. Kilala niyo naman na siguro yung tinutukoy ko di ba? Wag tanga, please?   “Pst!” Ay! Anak ng kalabaw! Sino naman ‘tong sumisitsit? Nilingon ko ito at nakita ang isang babae na ka-row ko. Mga 2 seats away from me. Tinignan ko siya gamit ang matang galing kay Medusa. Matang nagpapabato sa lahat. Ngumiti lamang yung babae at nag thumbs up sa akin. Okay, what was that?   HERE at canteen, kain lang ng snacks. Eww, mala-GM lang ang intro ko sa scene na ito, ah? So, who cares? Tsk. Loner nga pala ako ‘pag recess even sa dismissal. Anti-social? No, I’m just little bit choosy to my next (kung meron man) friend/s. “Ericka Andromeda?” tawag sa akin ng isang nilalang. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang tao at hindi tae! “And?” mataray na sabi ko. “I want you to be my friend. I find similarities between you and me,” sabi niya. “Hmm, should I accept it or not? Miss…” “Chelsea. Chelsea Fuentes.” “Hmm, okay we’re b***h!” “b***h?” tanong niya. “Yup! That’s what I want to call my friend,” sabi ko sabay smirk sa kanya. Chelsea Fuentes? Sino ka ba talaga at anong role mo sa buhay ko?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD