AMPALAYA 3

742 Words
“Ang pang-iiwan, di dapat ginagawang habit ‘yan.”   “EVERYBODY HURTS, some days” Iyan ang laging tumatatak sa aking isip na galing kay Avril Lavigne. Grabe, paano niya maatim na sabihin sa akin at sa kapwa ko takapakinig ng mga kanta niya na lahat ay nasasaktan? Siguro, gaya ko naranasan niyang masaktan dahil sa pag-ibig. Sakit na siyang dumapo sa sistema ng aking katawan. Parang sa calculator, may syntax error. Sa computer may virus. Sa internet, connection failed. Ganiyan ata ang nangyayari sa akin, nagma-malfunction na. Ito ba ang resulta sa labis na pagmamahal? Kung ganito, sana hindi na lang ako nagmahal.   “E-ERICKA, right?” sabi ng isang lalaki. Nilingon ko ito at nalaman kong siya yung binatang nakitabi sa akin kanina. ‘Yong late sa klase. “Yup. Bakit?” sabi ko sa kanya. “Pwede bang maki-share ng upuan? Wala na kasing bakante, e,” sabi niya sabay kamot nito sa kanyang ulo. Ang cute niyang tignan. Pumayag naman ako kung kaya’t nagtabi kami sa isang two-seated table, ‘yong isang mesa tapos may dalawang upuang magkaharap sa isa’t isa. “Uhm…” pagbabasag niya sa katahimikan. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. “I’m Paul,” sabi niya at iniabot sa akin ang kanyang kaliwang kamay upang makipag-shake hands. Tinanggap ko naman ito. “Friends?” sabi niya. Tango lamang ang isinagot ko. Matapos ang araw na naging magkaibigan kami, iyon rin ang araw kung saa’y lumayo ang loob ng best friend kong si Zinnia. Hindi ko man lamang nalaman ang dahilan kung bakit siya lumayo sa akin. Pilit ko siyang nilalapitan kaso lumalayo siya, umiiwas. Pilit ko siyang kinakausap kaso parang hangin laamng ang presensya niya. Dedma, snob kumbaga. Ilang araw ring tumakbo ng gano’n ang siklo ng pagkakaibigan namin ni Zinnia. Pagkakaibigang nawala parang bula. Sabi nila kung may aalis, may dadating. Dumating sa buhay ko si Paul kasabay naman ng paglisan sa buhay ko ni Zinnia. Bakit gano’n? Anong mali? Kagustuhan ba ito ng tadhana? Ito ba ang dapat na mangyari? Mausok. Maingay. Madilim. Magulo. Iyan siguro ang mga salitang mailalarawan sa buhay ko ngayon. Ang sakit na talaga dito sa puso at isipan ko ang lahat! ‘Yong tipong any time bibigay ka na. Pero ako, hindi. Ayokong bumigay, dapat sa pagkakataong  ito ay mas tatagan ko ang loob ko.   ILANG buwan ang lumipas, mas naging close kami ni Paul at unti-unti ko ng nakalimutan ang sakit dala ng pagkasira ng pagkakaibigan namin ni Zinnia. Dumating ang araw na inaasam-asam ng halos lahat ng kababaihan—ang araw kung saa’y magtatapat ang isang lalaki sa nadadama niya sa isang babae. Ang araw kung saan hihingi ng permiso si Lalaki upang manligaw. Dumating iyon sa buhay ko. Ang araw kung saan nagbukas ang pinto ng pag-ibig upang papasukin kami ni Paul. Walang pakundangan. Walang paghihinala. Agad kaming pumasok sa loob. Nakipagsapalaran sa mga elemento ng pag-ibig na layuning sirain o pagtibayin ang aming relasyon. Nagapi namin ang selos, ang pinaka-kaaway ng mga mandirigmang gaya namin. Mandirigmang nais manalo sa laro ng pag ibig. Kaso lahat ay may katapusan… kahinaan. First anniversary namin ni Paul at balak naming manuod ng sine sa SM. Nauna akong dumating sa lugar tagpuan namin. 6PM   6:30PM   7:30PM   “Hay nasaan ka na ba?” inip kong sambit sa aking sarili. 8PM   9:30PM   Kanina ko pa siya tinext, kaso hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply. Thirty minutes na lang ay magsasara na ang SM. Naisip kong pumasok, baka nasa loob na pala siya. Bawat hakbang ko’y parang pabigat nang pabigat ang aking mga paa. Para bang senyales ito na dapat hindi ako pumasok doon. Hindi ko alintana kung anuman ang mga naiisip ko, paranoid lang siguro ako. Nagpatuloy pa rin ako papasok sa gusaling pilit lumalayo sa akin. Nasa may pinto na ako na may nakapaskil na ENTRANCE, nang mapalingon ako sa aking kaliwa. Sana hindi na ako lumingon. Sana hindi na ako tumungo pa sa lugar na iyon. Sana… puro na lang sana ang mga nasasambit ko. Pakshet! Hindi ko masikmura ang nakita ko. Isang pangyayaring nagpatigil sa oras. Nagpatigil sa takbo ng mundo at nagpatigil sa akin.   CONNECTION FAILED!   Kung maaari lang i-refresh o i-reformat ang utak ko, gagawin ko. Gagawin ko upang hindi na ako masaktan sa nasaksihan ko. ‘Naghahalikan si Zinnia at Paul’ iyan ang senaryong nakita ko. Nang makita ko ito’y dali-dali akong tumakbo. Takbo ako nang takbo hanggang sa kawalan. Pilit kong tinatakasan ang sakit. Ang sakit ng pinagtaksilan! Cliché na kung cliché pero alam ko namang talamak na ang pakikipag-agawan, ni hindi ko nga lang inasahan na pati pala ako maaagawan, masasaktan at mawawalan.   Hindi ko na tinanong si Paul o si Zinnia tungkol doon. Gusto ko kasing umamin sila. Siguro sa pag-amin nila sa kataksilan nila’y mapapatawad ko pa sila. Sana.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD