AMPALAYA 1

237 Words
Sa mga babasa, Ang istoryang ito ay para sa mga sumusunod: mga taong walang love life; mga taong sawa na sa mga ka-sweet-an at iba pang ka-ekekan; mga taong pinagpalit sa mga pangit; mga taong iniwan dahil napagsawaan.   In short, sa mga taong pinagsakluban ng langit at lupa. *** Ampalaya; Loka-loka; Gaga; Impokrita; Demonyita; Impakta. Kapag narinig niyo ang isa sa mga salitang naka saad sa itaas—isang tao lang ang tatatak sa inyong isipan. Walang iba kundi ang diyosang si Ericka Andromeda. *** SABI nila, tanga ako.   Tanga ako dahil masyado akong mabait. Konting kibot lang ay napagbibigyan ko na. Kabaitang taglay ko’y nati-take for granted na lang. Tanga ako dahil hinayaan ko ang best friend ko na sulutin ang boyfriend ko. Opo, tama kayo ng basa. Ang sarili at nag-iisa kong best friend ay inagaw lang naman sa akin ang first boyfriend ko. Tanga ako dahil kahit napagtaksilan na ako’y ito ako parang sira na nakikipagkaibigan pa sa mga ahas diyan sa tabi-tabi. Opps, hindi kaplastikan ang tawag do’n, much better—KATANGAHAN. Isang napakalaking katangahan. Pinagtaksilan, ginamit, na-ahas, iniwan at pinagsawaan: ilan lamang iyan sa mga nagpagdaanan ko. At dahil sa mga iyan ay lubos akong nagpapasalamat dahil nag-iba ako. Ang dating kawawa at inaapi’y naging demonyita’t nang-aapi na. At sa bawat araw na nakikita ko ang mga taksil, mas lalong nag- iiba ang aura ko. Sa mga tao diyan na naranasan ang mga naranasan ko, halika basahin ang istorya kung saan lahat ng ka-bitter-an ay inyong masusumpungan.   Step into my life, ako si Ericka Andromeda: diyosa sa kagandahan, demonyita sa kasamaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD