KABANATA 3

1244 Words
May pagtitipon na magaganap sa headquarter ng Serpents, ang grupo ni Azzurra na tinatawag namang Nepo Serpents ng ibang tauhan dahil anak sila ng mga mayayamang pamilya. "Anong meron bakit nagpatawag si Don Kingswell?" Tanong ni Jacques Hanks na may taas na 5 flat lamang. " Hindi ko rin alam, baka may problema," kibit-balikat namang sagot ni Yuvan Norwood. "Oy, tingnan niyo ‘to. Balita na naman ang Everhart's, may natagpuan na namang bangkay sa likod ng eskuwelahan," balita ni Saskia Fossey pagkapasok niya sa conference room. "Sila yata 'yung mga pinatay kagabi, balita ko ang grupo ulit ni Zaki ang gumawa," seryoso namang sabi ni Lavender Decoito. "Walang alam si Fossey dahil lasing na 'yan kagabi. Sino naman kaya ang susunod? Grabe na talaga ang nangyayari, dati dalawa o tatlong tao lang 'yung pinapatay sa isang taon, pero ngayon halos sunud-sunod na," umiiling na sabi ni Jacques. Mainit na usapin ngayon sa kanilang departamento ang mga nangyayari. "Marami na raw pagbabago dahil hindi na si Don Everhart ang hahawak sa eskuwelahan. Ang anak daw nito. Usap-usapan ngayon kung sino ito, ‘di ba itinago ‘yon ni Don Everhart? Walang nakakaalam kung sino ba ang anak nito," kuwento naman ni Wilhemina Encino habang abala sa paglalaro sa kanyang smartphone. "Sa nangyayari ngayon, lalo lang maraming natatakot. Mahirap kasing magsalita dahil hawak ng Everhart ang batas. Si Don Kingswell lang ang medyo may kakayahang tapatan siya, but malaking gulo ‘yun. Dalawang pamilyang maimpluwensiya ang mag-aaway," sabi naman ni Yuvan. Limitado kasi ang galaw nila sa EU dahil maraming matang nakamasid sa kanila. Hindi sila pwedeng kumilos nang walang utos dahil baka lalo lang silang paghinalaan. Napatingin silang lima sa pinto nang may narinig silang nagtatalo. "Don Kingswell, hindi pa ako pumapayag sa kagustuhan mo! Hindi mo man lang ako iginagalang!" galit na sigaw ni Azzurra sa hallway. Pinagtinginan sila ng mga tauhan. Ang iba ay napapailing dahil wala na namang inuurungan si Azzurra. Kilala nila bilang isang mahusay sa pakikipaglaban ang dalaga. Walang nakakaalam na anak siya ni Don Kingswell, maging ang mga kasamahan nito Ang pagkakaalam ng lahat ay galing lang sa bahay-ampunan si Azzurra at kanang kamay ni Don Kingswell. "Alin ba ang hindi mo maintindihan, Azzurra? Pinaliwanag ko na sa iyo kung bakit. Kung ayaw mo, mag-impake ka at huwag ka nang babalik dito! Hindi ko kailangan ng tauhan na matigas ang ulo! Ngayon, lumayas ka, wala akong ibibigay ni isang pisong duling!" malamig at maawtoridad na utos ni Don Kingswell habang nakaturo ang kamay nito sa pinto ng Serpents Quarter. Inirapan niya ang kanyang ama bago padabog na pumasok sa conference room. Malamig niyang tiningnan ang kanyang mga kasamahan pagpasok sa loob. Napahilot na lang ng sentido si Don Kingswell, dahil habang tumatanda ang kanyang anak ay tumitigas ang ulo nito. Halos araw-araw silang nagtatalo na mag-ama dahil hindi magkasundo, laging nangangatuwiran si Azzurra lalo na kapag ayaw nito ang isang bagay. "Yow wazzup, Azzurra!" Bati sa kanya, pero hindi niya pinansin ang mga ito. Umayos naman sila nang makitang pumasok na sa loob si Don Kingswell. Umupo siya sa kanyang malaking upuan bago seryosong tiningnan ang grupo ni Azzurra. Nanatili naman silang tahimik dahil hanggang ngayon ay wala pa silang nakukuhang ibang impormasyon. "Kumusta ang buhay sa EU?" malamig niya na tanong. "Tahimik ang EU ngayon, Don Kingswell, dahil sa nangyari. Normal pa rin ang kanilang mga kilos, pero sa kabilang departamento ay nababalot na ng takot. May mga lumipat na sa ibang paaralan dahil sa halos sunud-sunod na nangyaring pagpatay. Ang naririnig ko sa iba, last month daw ay nagbago na kung anong patakaran. Ngunit wala pa rin silang inform sa aming mag-aaral," magalang na paliwanag ni Jacques. "At sa loob ng isang buwan, tatlong beses nang naganap ang bloody night sa aming departamento. At tuwing Biyernes may nangyayaring labanan sa Arena. Bawat grupo o kung sinong mabunot ang pangalan ay maglalaban, at laging may nanonood sa itaas na isang babae. Nakasuot ito ng maskara habang may mga men in black sa tabi niya," balita naman ni Yuvan, na minsan nang nakipaglaban sa Arena. "Siya ang anak ni Don Everhart. Kasama namin siya nu'ng gabi ng anibersaryo ng EU. Ang mga mata niya'y mapanlinlang, dahil kung tititigan mo ay tila isa itong inosente. Kaya pinatawag ko kayo ngayon dito para sabihing mag-aaral na si Azzurra sa Everhart. Hindi niyo siya pwedeng lapitan kung wala kayo sa classroom. Kailangan niyong kumilos na hindi magkakakilala. Alalay lang kayo kung may mangyari. Alam kong bantay-sarado kayo, kaya wala akong ibang choice kundi ipasok si Azzurra sa paaralan. Sa iba ko na lang ipapagawa ang kanyang trabaho, mas importante ito. Lagi niyong tatandaan, maging listo at mapagmatyag." Mahaba at seryoso niyang paliwanag. Nanatili naman silang tahimik at nakikinig. "Dahil sa oras na nahuli kayo, buhay ninyo ang magiging kapalit. Nasa teritoryo kayo ng traydor kong kaibigan, kaya ingatan ninyo ang bawat kilos. Importante ang mission ninyong ito, kaya sana maging aware kayo sa mga taong nakapaligid sa inyo. Batas ang ipinaglalaban natin, hindi tayo katulad ni Everhart. Hindi siya magandang halimbawa sa inyong mga kabataan. Tandaan niyo ito, mga walang kuwentang tao at parewara ang pinapatay natin. Utos ‘yon mula sa nakatataas, kaya hindi tayo kasing sama ni Everhart." Malamig niyang paliwanag sa mga kabataang nasa kanyang harap. "Wala rin naman 'yon pinagkaiba. Pumapatay pa rin tayo ng tao. Pare-pareho lang tayong hangal ang kaluluwa!" Kontra ni Azzurra sa kanyang ama, dahilan para tingnan siya nito nang masama. "Parehong mundo ang ginagalawan nating lahat, pero tandaan mo, Azzurra, magkaiba ang pananaw namin sa buhay ni Everhart. Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon, dahil wala kang ibang iniintindi kundi ang sarili mo at puro kabulastugan." Sermon niya sa dalaga. Inirapan lang siya nito kaya napailing na lamang siya. "Oras na nagtagumpay ka sa mission na ito, Azzurra, hahayaan kitang magdesisyon ng gusto mong gawin. Pero ngayon, ako muna ang sundin mo! Tapos na ang usapan. Nakahanda na lahat ng kailangan mo, Azzurra. Ihahatid ka ni Paseng, siya ang magiging guardian mo." Seryoso nitong sabi bago tumayo sa kanyang kinauupuan. He quietly walked out of the conference room while Azzurra and the others stayed there. Tumingin silang lima kay Azzurra, dahil napansin nila ang kakaibang kilos at payo ni Don Kingswell sa kanila. "What? Wala akong ginagawang masama! Umalis na nga kayo, hindi ako pwedeng sumabay sa inyo!" Pagtataboy nito. Napailing na lamang sila bago tumayo sa kinauupuan. "Hindi mo dapat inaaway ang may edad na, masyado na silang madamdamin," pahabol ni Yuvan bago tuluyang lumabas ng Conference room. "Tsk! Kasalanan niya rin naman, bakit kasi pinipilit akong mag-aral sa Everhart! Magulo na nga ang buhay ko, tapos sa mas magulong paaralan pa ako ipapasok," nakanguso nitong sabi habang lumalakad palabas. Paglabas niya’y nasa pinto si Manang Paseng, naghihintay sa kanya, at may hindi kalakihang maleta sa tabi nito. "Kailangan na nating umalis, Ms Azzu," she politely said. Tumango naman siya bilang sagot. Bago ito tuluyang lumabas ng Serpents Quarter, tumingin muna siya sa opisina ng kanyang ama. Dahil umiral ang mataas niyang pride, dumiretso na lang siya palabas. Habang ang ama nito ay nakatayo sa may bintana, nakatingin sa kanya nang seryoso. Ngunit sa loob-loob nito ay may pag-aalala. May tiwala siya sa kakayahan ng kanyang anak, subalit bilang isang ama ay may takot pa rin siyang nararamdaman. "Take good care of Azzurra," he ordered coldly to his trusted assistant. Dahil siguradong magsisimula na ang totoong laban nila ni Everhart. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD