"One thousand pesos for a smack kiss, five thousand for torrid and french kiss, if you will kiss my neck, you will pay me seven thousand pesos, if s*x—"
"Stop!"
Natigil ako sa pagsusulat at gulat ko siyang tiningnan. Pulang-pula na ang kanyang mukha at inis na inis na talaga siya. Padabog ko namang binitiwan ang ballpen at saka ko siya tinaasan ng kilay.
"What?"
"Seriously?"
"Seriously."
"What the hell..." hindi makapaniwalang anas niya at napahilamos na lamang sa kanyang mukha. "Malulugi ako niyan."
"Bakit? May balak ka bang araw-arawin ako?" Natawa na lamang ako. "Bago ka nagpadala ng sulat sa akin, dapat alam mo na dapat na high maintenance ako."
"Nagmumukha kang bayarang babae," malamig niyang sabi.
"Talagang bayarang babae naman talaga ako," sarkastikong kong sambit at kinuha ulit ang ballpen. "I will not agree to this kind of arrangement kung wala akong pera na makukuha."
"So, peperahan mo ako?"
"At least, hindi ako magnanakaw, right? At saka..." Tumayo ako at saka lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at saka malandi ko siyang hinawakan sa kanyang balikat. "You are like this, right? You are willing to spend money just to marry me. Narinig ko na binigyan mo ng pera ang Daddy ko—"
"Ang kompanya ang binibigyan ko, hindi siya mismo..." Tiningnan niya ako at napatili ako nang bigla niya akong itinulak kaya naman ay napahiga ako sa sofa. Siya naman ay agad-agad na dumagan sa akin. Agad kong hinarang ang kamay ko para hindi kami masyado magkalapit. He licked his lips. "But I have to admit that he gave me a beautiful wife."
"Na mukhang pera," ako na ang nagdagdag. "You know, if you can't give me money, you can give me a work so I can earn. How about that?"
Nanliit ang kanyang mata. "Work? You want to work?"
"So I can earn money, my dear husband."
Nakita ko ang paglunok niya nang tumahimik ang paligid. Nakita ko kung saan-saan na lamang tumitingin ang kanyang mata kaya ako na mismo ang nag-angat sa sarili at saka walang sabi-sabi na hinalikan ko siya. Naramdaman ko ang kanyang paninigas kaya agad ko siyang itinulak kaya napahiga siya sa kabilang sofa.
Gulat na gulat siya sa akin habang hinihingal. Nginitian ko siya sabay pakita sa aking palad.
"One thousand pesos," I said and smirked.
He bit his lower lip bago niya inayos ang kanyang butones. Nakita ko na naglapag siya ng ten thousand sa lamesa na siyang ikinagulat ko. Bago pa man ako makaapila ay agad siyang umayos ng upo, umusog papalapit sa akin sabay hapit sa bewang ko.
"I want the torrid one." And before I could stop him, he kissed my lips, torridly.
At dahil nagustuhan ko naman, inilagay ko ang leeg ang aking kamay at hinalikan siya pabalik.
***
Walang nangyari. Before I could feel the intense heat, I stopped myself and I stopped him. At talagang birhen pa ba talaga ang lalaking iyon? Ang galing humalik, ah. Halos dumugo ang labi ko sa ginawa niya.
Habang tulog ang asawa ko sa kanyang kama, nakaupo naman ako habang binibilang ko ang pera na bigay niya.
"20 thousand," I said and sighed.
Tumingala ako sa kisame at saka saglit na natulala. Masakit na sinabi niya na nagmumukha akong bayarang babae pero kailangan, eh. If this man doesn't want his wife to work, edi talagang peperahan ko siya. Hindi puwedeng stuck up lang ako rito. I need to do something dahil may serbisyo pa akong binabayaran at saka nag-iipon ako ng pera para sa pag-alis ko sa bansang ito.
"Why are you not sleeping?" antok na tanong ng isang boses kaya agad ko itong binalingan. Nakapikit na si Xyrus ang bumungad sa akin. Ang inosente pala niyang matulog. "And you are holding the money."
"Baka babawiin mo, eh." I bit my lower lip at saka nag-iwas ako ng tingin.
"Sleep now, my wife. Marami pa tayong pag-uusapan bukas..."
Huminga ako nang malalim at saka tumayo. Binalingan ko siya. "Hindi ako sanay na may katabi kaya sa guest room na lamang ako matutulog."
Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot dahil naglakad na ako palabas ng kuwarto.
***
"Bakit hindi mo sinabi na kasal ka na? At talagang nagpakasal ka? What the f**k is wrong with you? Hindi ka ba nag-iisip?"
Galit na galit si Frederick nang tumawag siya sa akin. Nabalitaan niya kasi na kinasal na ako at halos mabingi ako sa kanyang galit na boses ngayon.
"Frederick, calm down—"
"You married that f*****g guy for money, right?" agresibo niyang tanong. "Tell me, Anastasia."
"Yes, Frederick! At saka bakit ka ba galit diyan? Ang importante ay malaki na ang mababayad ko sa iyo dahil mayaman na ako! You should be happy, okay? Gawin mo na lang ang gusto ko. Hanapin mo si Dad—"
"Paano ka makaaalis ng bansa kung nakatali ka na pala diyan?" singhal niya. "Nag-isip ka sana, Anastasia! Hindi puro pera ang iniisip mo—"
"Pera naman talaga ang nasa isip ko palagi, Frederick! At bakit ka ba naging ganiyan? Don't tell me, may pagtingin ka na sa akin? Dahil kung meron, tigilan mo na iyan dahil hindi ko iyan masusuklian."
"Don't assume, Anastasia—"
"Okay..." Natawa ako. "Hindi ako assumera dahil maganda ako, Frederick. Just calm down. Ang plano ko, mangyayari. Kaya ang gagawin mo riyan ay ang hanapin ang Daddy ko. You understand, Frederick? Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa Dad ko! Kaya habang asawa ko ang lalaking ito ngayon, pakikinabangan ko hanggang sa magsawa na siya sa akin. Iyon na iyon, Frederick. Bye!"
Nang ibinaba ko na ang linya ay napahilamos na lamang ako. Hindi nila ako naintindihan. Seriously, ginagawa ko lamang ito para sa dad ko. I need money. Easy money at kahit maging madumi man ako sa ibang tao, wala akong pakialam. This is also a slap to those people who underestimated me before.
Pagod kong ibinagsak ang sarili sa malambot na kama at saka ipinikit ko na lamang ang aking mata.