Everything was like a train. Ang bilis ng byahe ng buhay ko. Kung noon ay sampid lang ako sa bahay namin, ngayon, reyna na ako. I smiled widely while sitting on a chair. Nasa dining area ako ng condo unit at tumambad sa akin ang maraming pagkain.
My stupid husband is nowhere to be found. Nambabae na ba siya? Well, I don't mind. Malaki ang ngiti ko habang kinukuha ko ang kutsara at tinidor sa harap ko. Inuna kong kinuha ang hotdog at akmang isusubo ko na sana ito nang bigla siyang sumulpot sa harap ko.
"Good morning..." And without a warning, he kissed my cheek. Agad kong pinunasan ang pisngi ko at inis ko siyang binalingan. "You can't just kiss me!?"
He smirked and put something on the table. Nang binaba ko ang tingin ko roon ay namilog ang mata ko nang nakita ko ang golden card.
"That's a card, baby. Sa iyo na iyan."
Nagningning ang mata ko at agad itong kinuha. Tinaas ko ito sa ere at halos halik-halikan ko na ito. "May laman ba itong pera?"
Dudang-duda ko siyang tiningnan.
He chuckled and then pulled a chair. "Of course, baby."
Umirap ako at binaba ang card. "Huwag mo nga akong tawaging baby."
Aliw niya akong tiningnan. "What should I call you, then?"
"Gosh!" Napahilamos ako sa aking mukha at hindi makapaniwala siyang binalingan. "Tayo lang namang dalawa ngayon, Xyrus. Stop pretending, okay?"
Sumimangot siya. "But I want a good morning kiss..."
Nang nilakihan ko siya ng mata ay nakangiting-aso na siya. "At nasa card na ang payment, Anastasia. Hindi mo ba pagbibigyan ang asawa mo?"
Gosh. I never thought na ganito pala ka-corny ang nagustuhan ni Rina. Wala ba siyang taste? Alam ko na guwapo ito pero sa likod ng bad boy na mukha nito ay isa pala itong soft boy. Virgin at adik sa kiss.
Umirap ako at padabog ko na tinusok ko ang hotdog. "Hindi puwede! At saka, kailangan pa nating mag-rehearse para pani-paniwala na asawa talaga kita at hindi isang client ko lang."
"What the f**k—" Hindi niya natapos ang kanyang mura dahil agad kong isinubo sa kanya ang isang pirasong jumbo hotdog.
Namilog ang kanyang mata sa ginawa ko kasabay ng paglukot ng kanyang mukha.
"Don't curse in front of our food," I said seriously. "Kung hindi ka lang mapera, hindi talaga kita papatulan," bulong-bulong ko at saka kumain na lamang.
Inis niyang nginuya ang hotdog at halos nahirapan pa siya sa paglunok. Uminom siya ng tubig at pagkatapos ay tiningnan niya ako.
"Make sure to spend the money for yourself, okay?"
Hindi ako sumagot. Marami na akong naipon na pera sa totoo lang at ni minsan ay hindi ko naisip na bilhan ang sarili ko. Hindi ako magasto sa pera kaya lahat ng pera na nakuha ko ay iniipon ko talaga. Maraming bansa na ang napuntahan ni Frederick at walang mahanap na Antonio Vergara and he is not alone kaya buwan-buwan ko talaga siyang sinasahuran sa serbisyo niya at ng kasama niya.
If I was born with a different mother, I wouldn't done this. Kasi alam ko na sa simula pa lang na masama itong ginagawa ko. Pero wala akong magawa. Ito lang ang kaya kong gawin dahil kapag nalaman ni Mom na nagtatrabaho ako sa mga cheap kuno na kompanya, sinusugod niya ako at pinapahiya.
Kaya if ever my husband will give me a work in his company, I will grab the opportunity para hindi na ako manghihingi sa kanya ng pera. At isa pa, being his wife is a job. Tatanggap ako ng pera mula kay Tito Rex at mas lalo lamang maiinggit si Rina sa akin dahil nasa akin na ang crush niya.
***
"Good morning, everyone!"
Natigil ako sa paglalagay ng hairpin sa buhok ko nang biglang dumating si Mrs. Dela Cerna or should I say Tita Xera.
Napatayo ako at saka napatingin sa kanya. May dala siyang paper bag at bihis na bihis talaga siya kahit dito lang naman siya pupunta.
"Good Morning," bati ko pabalik sabay beso-beso sa kanya.
"Where is your husband?" she asked me using her British accent. "And by the way, did you have fun?"
Excited siya na umupo sa may sofa kaya sinundan ko siya ng tingin. Ang paper bag na dala niya ay inilapag niya sa center table.
"What fun?" Umupo ako at tinuloy ang paglalagay ng hairpin. "What kind of fun?"
Pilya siyang ngumiti, inangat niya ang kanyang mga kamay, at saka pinagtagpo niya ito nang paulit-ulit. Para niyang pinalapakpak niya ng mahina. Kumunot ang noo ko.
"What is that, Tita?"
Sumimangot siya. "Wala bang nangyari sa inyo ng anak ko?"
Tinaasan ko siya ng kilay at saka umupo na nakadekwatro. "Your son is a virgin, Mrs. Dela Cerna, and so as I? What do you expect? Hindi ako makapunta sa pornhub dahil wala pa lang wifi sa condo ng asawa ko." Umirap ako.
Humagikhik naman si Tita at saka inilabas ang nasa paper bag. Noon una ay kumunot ang noo ko dahil ang inilabas niya ay isang makapal na libro ngunit nang nakita ko ang title ay namilog ang mata ko.
"Kama Sutra?!" sigaw ko. "Why are you bring that here, Tita?"
Nanginig ako saglit.
Ngumiti siya at saka lumapit sa akin. Inilapag naman niya sa hita ko ang libro at saka tiningnan ako. "Hija, nandito ang iba't ibang posisyon kapag gagawa na kayo ng baby. Hindi mo na kailangang manood ng video dahil nandito na."
Halos hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Hindi lang iyon ang dala niya. Marami pang ibang libro na related sa s*x positions! What is wrong with her?
"Hija..."
"Mom, you're here and..."
Natigil din ang asawa ko sa kanyang paglalakad patungo sa akin nang nakita niya kung ano ang mayroon sa lamesa.
"M-Mom..."
"Anak!" Tumayo si Tita Xerna at saka niyakap ang anak. "I am here! Balita ko ay hindi ka pa rin gumagalaw. Paano ba iyan, anak? I need a grandchild. At tutulungan ko kayo kung paano. Hindi niyo na kailangang manood ng video dahil dala-dala ko na lahat ng libro—"
Nanlumo ako. Bakit ba ako nandito? Huhu.
"Mom, we don't need that book, okay?"
"But your wife said that you are a virgin young man. Kailan ka ba babasbasan? Hindi ka na bata, ah?"
"Mom..." Namula si Xyrus at makahulugan niya akong tiningnan.
Huminga ako nang malalim at saka naglakas-loob na tumayo. Hinarap ko si Tita Xera.
"Tita, we don't need that book kasi alam ko na magaling ang asawa ko sa kama. Mas marami pa siyang alam kaysa sa libro na iyan. Baka kapag magawa na namin iyon, baka masira pa ang kama namin dahil sa kasabikan niya—"
"What the?" react ni Xyrus.
Nagningning naman ang mata ni Tita Xera at saka ako hinawakan sa kamay. Her eyes are very hopeful. I felt guilty and sad at the same time. Hindi ko kasi hahayaan na mabubuntis ako ng lalaking ito lalo na't may expiration date naman ang kasal namin.
"Talaga, hija?" Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang kamay ko. "So, ikaw ang savior ko, hija, ah? Bigyan mo ako ng apo, okay? Gapangin mo ang nag-iisa kong anak kung kinakailangan. Hindi puwedeng wala siyang magiging lahi, hija."
Tumango ako at saka hinawakan siya pabalik. "Don't worry, Tita. Makakaasa ka sa akin dahil kapag ayaw niya, hindi ko lang siya gagapangin, poposasan ko pa siya para hindi siya makatakas sa akin."
And that won't happen, Tita Xera. Hindi ako ganoon kadesperadang magpakama sa lalaking ito.
"I am looking forward for that, Anastasia." Xyrus smirked. "I am looking forward for that."