"We will visit your parents' house, Anastasia."
Natigil ako sa pagsusuklay sa aking buhok. Nang binalingan ko siya ay nahuli ko siya na hawak ang mga libro na ibinigay ni Tita Xera sa amin.
I smirked. "Why are you holding that?"
Nataranta niyang ibinaba ang mga libro kaya natawa ako at saka napailing. "Huwag ka namang magpahalata na pati sa kama ay wala ka ring alam. Kapag lalagyan mo ng wifi itong condo mo. We can watch a porn video, you know." I winked at him.
Namula ang kanyang buong tainga kaya napailing na lamang ako. Xyrus and his virgin acts. Napailing na lamang ako.
"And why should we go there?" tanong ko at nagpatuloy sa pagsusuklay. "Boring naman doon at makakita ka ng malanding piranha." Napairap na lamang ako nang naalala ko si Rina.
"Then, we should go there," aniya. "I want to see a piranha."
Tinikom ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili sa pagtawa. I can't believe it. Hindi ko akalain na masyadong walang alam ang lalaking ito. Aside from he is a freaking virgin (na hindi halata dahil sa kanyang hitsura at katawan) he is a freaking innocent, and that's cute. Ang sarap niyang utuin.
"Talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Gusto mo makakita ng piranha?"
"Yes." Tumango siya at bahagyang ngumuso. "I want to see it, my wife."
Umirap ako. "Alright, mamaya."
"At gagapangin mo rin ba ako? Totoo ba iyon?"
Nalaglag ang panga ko at inis ko siyang tiningnan. "Ano?"
Kumunot ang noo niya. "Sabi mo gagapangin mo ako. Huwag kang mag-alala, magpapagapang naman ako."
Puwede ba siya suntukin? Kung hindi ka lang mapera at guwapo ay baka nasapak na kita ngayon.
"H-Huwag muna natin iyang pag-usapan." Binaba ko ang suklay at saka tumayo na. "Magbihis ka na kasi ako rin, magbibihis."
***
"Hijo!"
Napairap na lamang ako nang nakita kong sobrang saya ni Mommy nang nakita niya si Xyrus na nagmumukha nang istatwa dahil hindi niya inaasahan na yayakapin siya ni Mommy. Sa likod naman ni Mommy ay si Rina na pulang-pula na ang mukha.
"Hindi ko inaasahan na bibisita kayo!" manghang sambit ni Mommy sabay baling sa akin.
Bumaling rin si Xyrus sa akin. "My wife told me na may piranha raw dito. I want to see it po."
Nalaglag ang panga ni Mommy at saka makahulugan akong tiningnan. Nagkibit-balikat lang ako at saka nag-iwas ng tingin.
"T-Talaga? Sinabi niya iyon, hijo?"
"Yup. I want to see it po."
Masyado naman kasing uto-uto. Utuin ko kaya ito. Ibigay niya sa akin pera niya tapos ibalik ko. Bumuntonghininga ako.
"Um, hi, Xyrus..."
Kumunot ang noo ko sa mahinhin na boses na narinig. Nagtaas ako ng kilay nang nakita ko na naging mahinhin ang boses at kilos ni piranha. I mean, Rina.
"Hi?"
Kinagat ni Rina ang kanyang labi at saka inilagay niya ang takas niyang buhok sa likod ng kanyang tainga.
"I am Rina," nahihiya niyang pakilala sa kanyang sarili.
Huminga ako nang malalim. "Wala man lang bang pa-meryenda rito? Ang boring, eh."
Lumapit si Mommy sa akin at nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko nang mahigpit. "Bakit hindi mo sinabi na bibisita kayo?"
Kumunot ang noo ko at saka hinablot ko ang braso ko sa kanya. "Bakit ko naman sasabihin? Close ba tayo?"
Nagngitngit ang kanyang ngipin. Nilingon niya si Xyrus bago ako. "Alam mo, ang bastos mo talaga, ano? Kung wala lang ang asawa mo rito ay kanina pa kita kinaladkad dito."
Naiangat ko ang gilid ng labi ko sa kanyang sinabi. "Alam mo rin, Mom? Tingin ko ay hindi rin kita Nanay."
Nag-iba ang kanyang ekspresyon.
Ngumisi ako. "Hindi ganito ang mga nanay. Masyadong makasarili at nananakit ng anak." At saka ko siya nilagpasan.
***
"Hijo, puwede ba akong magtanong tungkol sa iyo? Hindi pa kita masyadong kilala dahil biglaan ang lahat at saka..." Tiningnan ako ni Mom bago nginitian si Xyrus na nasa tabi ko. "Hindi kami imbitado sa kasal mo."
"Oh, sorry about that--"
"Pero imbitado kami sa susunod, right? Like parties," asang-asa na tanong ni Rina na ngayon ay pula pa rin ang mukha. "I want to see your mansion too."
Umawang ang labi ko. Mansion?
"Oh, it depends on my wife," ani ni Xyrus sabay baling sa akin. "Anastasia."
Natulala ako.
"Anastasia..."
"Ha?" Binalingan ko siya. "B-Bakit?"
"Are you okay?" nagtataka niyang tanong. "You are spacing out."
Matamis na humalakhak si Mommy at saka nakita ko na tinanggap niya ang wine bottle na hawak ng kasambahay. "I know my daughter, Xyrus. She is okay. We should talk more. Alam mo, excited na excited si Rina na makilala ka."
"Mommy naman," pabebe na sambit ni Rina at mahina niya pang hinampas ang braso ni Mommy. "Nakakahiya at saka baka magselos si Ate Anastasia."
Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Umawang ang labi ko at natawa na lamang.
Ate? Gusto niya ba ng sabunot?
"Bakit naman magseselos ang ate mo, anak?" si Mommy. "Hindi naman mahal ng ate mo si Xyrus."
Umigting ang panga ko at tumahimik naman si Xyrus.
Bobo ba ang mga taong ito? Malamang? Fixed marriage kami? Alangan naman na mahal namin agad ang isa't isa.
"Ahw, but you know, Xyrus, Ate Anastasia loves money so much," ani ni Rina na ngayon ay malakas na ang loob. "Nahuli ko nga iyan na may iniipon na pera. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa pera."
Kinuyom ko ang kamao ko. This b***h and her mouth.
"It's good that she loves money, Rina," si Xyrus sabay baling sa akin. "I don't mind at all."
Umawang ang labi ko at gulat na binalingan siya. He smiled at me before he continued eating his food. Napakurap-kurap na lamang ako at napatingin kina Mommy na ngayon ay tumahimik na rin.