Chapter 15

1101 Words
Tahimik akong uminom sa aking wine habang nakatingin sa pool ng bahay ni Tito Rex. Yakap ko ang aking sarili habang may malalim na iniisip. Si Xyrus, kausap ni Mommy at Tito Rex. Gusto ko na sanang umuwi na dahil ayoko nang manatili rito pero wala tayong magawa dahil masyadong feeling close ang iba rito. I rolled my eyes. Nang nakarinig ako ng yapak ay agad ko itong binalingan. Nang nakita ko na si Rina ito ay tinaasan ko siya ng kilay. "So, feeling reyna ka na pala ngayong kasal ka na, Anastasia." Inangat ko ang wine glass at saka nginisian siya. "Of course, Rina. Hindi naman ako nagpakasal para maging katulong lang. Reyna naman talaga ako sa simula pa lang, niluluhuran." Nalukot ang mukha niya. "Talaga?" Tumango ako at saka uminom sa wine ko. "Talaga. Ikaw, magiging ahas ka na ba?" Tumalim ang tingin niya sa akin. "Ikaw ang ahas dito, Anastasia. Huwag ka ngang magmaang-maangan. Alam mo na gusto ko ri Xyrus! Kaya ka siguro pumayag para inisin ako." "Tumpak!" Humalakhak ako. "Mabuti naman at alam mo, Rina." "That's childish!" Nagtaas ako ng kilay. "Talaga?" Ngumuso ako. "Kahulugan ba ni Rina, iyan?" "Huh?" Lumapit ako sa kanya at saka tumigil ako nang nagkaharap kami. "Alam mo, Rina. Nasa pool area tayo ngayon, gabi na at tayo lang dalawa." Tiningnan ko ang pool bago siya. "Huwag mo akong kalabanin lalo na't hindi mo alam kung paano lumangoy." Sumeryoso ang mukha ko. "Kaya huwag mo akong inisin ngayon, okay?" Nanginig ang kanyang kamay at kita ko ang panggigigil sa kanya. "Porket nakapag-asawa ka ng mayaman ay panalo ka na?" asik niya. "Alalahanin mo na walang temporary sa mundong ito, Anastasia. You think you are lucky just because you married the man I admire?" "Yes, I am lucky, Rina." Nginitian ko siya. "Kasi alam ko na habang buhay ka lang na mangangarap. Ako, mayayakap ko, mahahalikan, at makakatabi ko pa sa pagtulog. Wala ngang temporaryo sa mundong ito, kaya enjoy, Rina." Mahina akong humalakhak at saka siya tinalikuran. Bago pa man ako makapaglakad papalayo ay nabitiwan ko ang baso nang biglang hinila ni Rina ang buhok ko at itinulak niya ako sa pool. Napatili ako nang nahulog ako sa pool. Agad din akong umahon at hinihingal na nag-angat ng tingin kay Rina. Tumawa siya habang turo-turo ako. "You think you can scare me like that! Kahit nagpakasal ka pa sa isang mayaman, sampid ka pa rin sa pamilya nila. Kawawa ka naman. Pinagpapasa-pasahan lang. Kaya sigurong walang nagmamahal sa iyo, eh, because you are nothing but a trash." Pumikit ako at saka kinuyom ang kamao. "Alam mo, hindi ako naiinggit sa iyo kasi wala namang nakakainggit sa iyo. At sigurado naman ako na hindi kayo magtatagal ni Xyrus." I really need to calm myself. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa oras na wala na akong kontrol. I need to calm myself. Hahabaan ko pa ang pasensya ko dahil kapag maubos ito, baka makakainom ng tubig pool ang piranhang ito. Bago pa man ako makapagmulat ay sigaw ni Mommy ang narinig ko. "Oh, my gosh!" tili ni Mommy kaya nang nagmulat ako ng tingin ay nakita ko ang panlalaki ng mata ni Mommy nang nakita kami. "What did you do, Rina?" "Mom, I didn't do anything. Tumalon siya mag-isa diyan para mapagalitan mo ako. Nagselos kasi siya Mommy na ako ang nakausap ni Xyrus." Gulat na binalingan ako ni Mommy. Kumirot ang puso ko nang nakita ko ang akusasyon sa mga mata ni Mommy. Alam ko naman na hindi niya ako kakampihan kahit kailan pero huwag naman sana niyang iparamdam sa akin na walang-wala na ako sa kanya. I am her daughter, her real daughter. Pero simula nang umapak ako sa pamamahay na ito, nagbago na ang lahat. Tahimik ako na umahon sa pool. Walang tumulong sa akin. Kahit isang kasambahay man lang ay wala. Mag-isa kong iniahon ang sarili kahit lamig na lamig na ako. Bumigat pa ang katawan ko dahil sa suot ko. Hindi talaga magandang ideya ang manatili sa bahay na ito. "G-Ginawa niya iyan sa sarili niya Mommy para magmumukha siyang kawawa," patuloy ni Rina at yumakap na sa braso ni Mommy. "Mommy, please believe me." Kinagat ko ang labi ko at saka matalim ko silang tiningnan. "Akala mo matatalo mo na ako dahil lang kakampi mo ang nanay ko?" tanong ko sa kanya kahit nanginginig na ako. "Look how coward you are, Rina. Hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. Naghahanap ka ng kakampi kasi sa totoo lang, ikaw ang hindi kamahal-mahal." Ngumisi ako kahit mamamatay na ako sa ginaw na nararamdaman ko. "KSP ka!" marahas kong sabi. "Ikaw ang KSP!" Mas lalo siyang yumakap kay Mommy. "Huwag ka na sanang umapak sa bahay namin, Anastasia. Simula nang inagawan mo ako, hindi ka na welcome sa bahay na ito." "Akala mo ay gusto ko rin bumalik sa impyernong ito?" Tiningnan ko ang buong bahay nila. "This is nothing kumpara sa bahay na titirhan ko, Rina." "Ang yabang mo. Sampid ka pa rin doon!" "Mayabang naman talaga ako, Rina. At nababagay lang ang kayabangan ko sa kagandahan ko--" "Ang feeling mo naman. May lahi ka lang kaya ka maganda-" "Inggit ka lang kasi hindi ka maganda, Piranha." I smirked. Namilog ang mata niya. Si Mommy naman ay tahimik lang. Himala. Tahimik siya. Bakit kaya? "Mom, paniwalaan mo ang kawawang anak mo sa mga kagagahan niya," malamig kong sabi. "Aalis na ako at huwag niyo nang aasahan na babalik ako rito kasi unang-una pa lang, pangarap ko na talagang makaalis sa pamamahay na ito." Nagkibit-balikat ako. "And now I am free, huwag niyo na sana akong pakialaman sa buhay ko dahil allergic ako sa mga pakialamera." Tinaliman ko sila ng tingin bago ako tumalikod at umalis sa pool area na basang-basa. Didiretso na sana ako palabas nang nakasalubong ko si Xyrus. Noong una ay nagulat pa siya nang nagkasalubong kami ngunit nag-iba ang kanyang ekspresyon nang nakita niyang basang-basa ako. "What happened? Bakit ka basa?" he asked. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Namumutla ka, Anastasia." I smiled at him. "Oo nga pala, hindi ko kaya ang lamig." At nang akmang matutumba na ako ay agad niya akong sinalo. Kahit hindi ko pa masyadong kilala ang lalaking ito ay natutuwa akong makita ang nakakaaliw na itsura niya. Nakakaaliw pala kapag may isang tao ang nag-aalala sa iyo. He covered my body using his coat at saka niya ako binuhat patungo sa sasakyan niya. I closed my eyes and let him do the rest kasi ako, pagod na ako. I just want to go home. My new home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD