Chapter 16

1324 Words
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Kumunot ang noo ko habang unti-unting bumangon at saka nag-inat. What a day. Naalala ko na naman ang nangyari at sobrang inis na inis ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako naka-resbak sa babaeng iyon. "I'm glad that you're awake." Natigilan ako sa isang boses. Nang binalingan ko ito ay alalang-alala na mukha ni Xyrus ang nakita ko. "Magigising talaga ako kasi masamang damo ako," I said and smiled sarcastically. "By the way..." Tiningnan ko ang sarili ko. "Ikaw ba ang nagbihis sa akin?" Agad siyang umiling. "No..." Tumango agad ako. "Good. That's good." He sighed and looked at me using his serious eyes. "Anastasia, can you tell me what happened?" Inilingan ko siya at saka bumaba na sa kama. "Wala kang dapat malaman pa, Xyrus. At saka isa pa..." Tiningnan ko siya muli. "Kailangan ko pang gampanan ang pagiging asawa ko sa iyo." Nang iniwan ko siyang mag-isa ay napabuntonghininga na lamang ako. Kumuyom ang kamao ko nang nakarating ako sa banyo. I gritted my teeth. That b***h. Ang taas na siguro ng tingin niya sa sarili niya dahil sa naitulak niya ako na walang kalaban-laban. Kung hindi lang dumating si Mommy ay baka hinila ko na siya sa pool at nilunod. *** My eyes widened when I saw the whole house. This is not a simple house. This is a mansion!? Tulalang-tulala ako habang nakatingala. Nasa labas na ako ng bahay at halos hindi ko na maitikom ang bibig ko sa sobrang pagkamangha. "Ma'am, ang sabi po ni Sir ay pakitikom daw ng bibig mo dahil baka mapasukan ng langaw," ani ng isang kasambahay na nasa gilid ko lang. Kunot-noo ko siyang binalingan. "Dapat nilinis niyo. Paano nagkalangaw ang mansyon na ito?" Napakurap-kurap naman ang kasambahay at hindi nakapagsalita. I sighed. "Leave me alone," ani ko sabay halukipkip. "Gusto ko na mapag-isa." Nang iniwan niya ako ay agad kong kinuha ang phone ko at saka d-in-ial ang numero ni Frederick. I need to know about my father. Nagpalinga-linga ako at naghanap ako ng tahimik na lugar. Ilang ring pa ang kailangan ko na marinig bago niya nasagot ang tawag ko. "Hello..." "Fred!" Tumikhim ako. "How was it? Did you find any reliable information?" "Anastasia..." "Bakit?" "Your father is somewhere here in the United States. He is freaking hiding!?" Namilog ang mata ko. "Natukoy mo na? Nakita mo na siya?" Bigla akong nagkaroon ng pag-asa. "No, we didn't but we already had his records. Minsan na siyang nag-book ng hotel dito. We checked if it's true at nalaman namin nga siya nga, Anastasia." Nangilid ang luha sa aking mata. "Fred—" "Malapit na, Anastasia. Malapit na natin makita ang Daddy mo. All you need to do is to get out of that freaking marriage!" "H-Huh?" Nagpalinga-linga ako bago ako nagpatuloy. "I-I can't do that—" "Why not, Ana? Puwede namang hindi mo muna ako babayaran. Saka na lang. Once we find your father, aalis ka sa bansang iyan—" "I can't do that, Fred." Umiling ako. "Hindi puwedeng saka na ako magbabayad." "Baka naman ay gusto mo riyan kaya hindi ka aalis." Biglang kumulo ang dugo ko. "Just do your job, Frederick! Hindi kita binabayaran para makialam sa buhay ko!" I hissed. "You need to do your job dahil binabayaran kita. Don't you ever talk about this kind of topic again!" And I dropped the call. Napahilot na lamang ako sa aking sentido bago napabuntonghininga. Nang akmang babalik na sana ako sa puwesto ko kanina ay natigilan at nanlaki ang mata ko nang nakita ko si Xyrus. His eyes were cold. Nag-aalala agad ako na baka may narinig siya. "X-Xyrus..." I awkwardly laughed. "D-Do you need something?" "No..." Nanatili ang kanyang tingin sa akin. "Wala akong kailangan. Nandito lang ako kasi bigla kang nawala." Napalunok ako at saka napatango. "And I need to give you something," dagdag niya. Halos maipit ko na ang phone ko nang lumapit siya sa akin. Nang nakalapit na siya ay kinuha niya ang kamay ko at saka nilapag niya sa palad ko ang isang gold card. "Use this." He smiled. Napatingin ako sa card. "Ano ang gagawin ko dito? You already gave me a card!" Tiningnan ko siya. "Ano na naman ito?" "This is your own money. The other card is for your shopping and so on..." Umawang ang labi ko. Gusto kong ibalik sa kanya ito pero pera na ito, eh. He gave this willingly. Hindi ko ito ninakaw o hindi ako nanghingi ng katiting sa kanya. He gave this to me so walang problema. I smiled at him. "Okay, thank you " "And you need to pretend to be my wife, Anastasia." Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Mukha siyang problemado. "Bakit?" "There is someone I wanted to get rid of. Hindi siya naniniwala na kasal na ako, Anastasia. I need your freaking help." I smirked. "Akala ko ba ay wala kang kailangan?" "I changed my mind—" "Xyrus!" Parehong namilog ang mata namin ni Xyrus sa narinig na boses. Nang akmang babalingan ko ito ay hindi ko nagawa dahil bigla akong hinapit sa bewang ni Xyrus at hinarap ang kung sino man ang tumawag sa amin. Nang nagtama ang paningin naming dalawa ay nilakihan niya ako ng mata. "Help me." Binalingan ko ang babae na natigilan nang nakita kami. Ngumiti ako sa babae sabay hawak sa dibdib ni Xyrus. "Yes, ano ang kailangan mo sa asawa ko?" I asked. Napakurap-kurap ang babae at hindi makapaniwalang tiningnan kami. "Xy, totoo talaga?" she asked. Ngumisi ako at mas lalong inilapit ang sarili kay Xyrus. Sa hindi sinasadya na dahilan, aksidente kong nasagi ang ibaba ni Xyrus. Nang tiningnan ko siya ay nanlaki ang mata niya sa akin. "Sorry." I grinned and looked at the girl again. "Kung ano man ang nasa isip mo ngayon, totoo na asawa niya ako." Mukhang naiiyak na ang babae. "That's not true! Wala pa siyang girlfriend ever since! Paano siya nagkakaasawa, eh, wala pa siyang girlfriend!" "Well, I was his girlfriend and now his wife." "Hindi ako naniniwala."Umiling siya nang paulit-ulit. "Hindi ako naniniwala, Xyrus! Hindi mo kilala ang babaeng ito at saka obvious naman. Mukha siyang pugita kung makalapit sa iyo. Babae mo lang ito, babae mo to get rid of me!" Biglang nawala ang pasensya ko. Sa kilos pa lang, kaugali niya si Piranha. Sa inis ko ay lumayo ako kay Xyrus at saka tuluyang nilapitan ang babae. "Hindi ka naniniwala?" I asked and arched my brow. Humalukipkip siya at saka nagtaas din ng kilay. "Hindi..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Maganda ka nga pero hindi ka type ni Xyrus!" Kinuyom ko ang kamao ko. "Bakit ayaw mong maniwala? Kailangan bang maghalikan kami sa harap mo para maniwala ka? Gusto mo bang makitang mag-s*x kami sa harap mo para maniwala ka?" Nanlaki ang kanyang mata. "H-How could you? Ang bastos ng bunganga mo. Asta kang kalye!" "Girly! Stop that!" Lumapit na si Xyrus sa amin. "It's true that we are married." "B-But you don't love her, right?" asang-asa na tanong ni Girly. "You don't love her. Ang sabi mo na kapag may ipakakasal sa iyo, pure business lang iyon!? So, baka naman pera lang ang habol ng babaeng ito." Tiningnan niya ako. "Pera lang ang habol mo kay Xyrus, right?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo, bakit?" Nanlaki ang mata niya. "See? Pera lang ang habol niya Xyrus. Inamin na niya mismo dito sa harap ko! Ako, hindi ko kailangan ang pera mo, Xyrus!" Itong babaeng ito. May vibes na pick me, eh. Kakairita. Akala ko pa naman kapag nakaaalis na ako sa impyernong iyon ay magiging payapa na ang buhay ko pero mukhang hindi pa pala. s**t. "Gusto ko ang pera niya pero hindi ibig sabihin na pera lang talaga ang habol ko." Ngumisi ako sabay yakap kay Xyrus. "He is good in bed, girl. He is really really good." I smirked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD