Chapter 9

983 Words
Today is my wedding day. Inaayusan na ako ng mga make up artist. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi public na public ang magiging wedding namin. May mga medias at iba pa kaya kailangan ko na maki-cooperate para maging successful ito. Ayoko maging mukhang tanga sa camera. "Make me more beautiful," demand ko sa babaeng naglalagay na ng foundation sa mukha ko. "You are now beautiful, Ma'am," pormal na pagsagot nito habang patuloy pa rin sa ginagawa. Napairap ako. "I know that, girl. Ang ibig kong sabihin ay more." Sa salamin ay nakita ko na bahagyang umawang ang labi niya at ang kasama niya. Tinaasan ko sila ng kilay. "Ayoko na may mas maganda pa sa akin sa kasal ko, okay?" Tumango sila at saka nagpatuloy na sa ginagawa. Dela Cerna needs the Ferrer because of its surname. Malakas ang mga Ferrer sa mga businessman at siguro iyon ang need ng mga Dela Cerna. They need foreign businessman. Kahit gusto kong sabihin na mas mayaman nga ang mga Dela Cerna, mas sikat pa rin ang mga Ferrer. Dela Cerna has so many businesses worldwide. Iyon ay ayon sa research ko. May-ari ng airports, malls, mga barko, at iba pa. Habang ang mga Ferrer especially Tito Rex' business are hotels, restaurants, at may business din siya na beauty product na ang model naman niya ay si Rina. If the man I will marry is not easy, then I will make him easy. May isang taon akong gagawin iyon. Hindi ko alam pero iyon ang isa sa mga plano. I am not planning to steal money from him. Gusto ko na siya mismo ang magbibigay sa akin. Money is life. Pagkatapos kong inayusan ay pinasuot na sa akin ang gown. Napangisi ako nang nakita ko kung gaano kaganda ang gown. Tube ito at mermaid style na wedding gown worth 3 million. Marami itong mga perlas at hapit na hapit talaga sa katawan ko ang gown. "Hay, ang ganda ko talaga," nasabi ko na lamang sa aking sarili habang pinapaypayan ako ng isang kasambahay. Nang napansin ko na mabagal ito ay mataray ko siyang tiningnan. "Pakibilisan, please. Ang init." "Ma'am, baka gusto mo ng electric fan po," suggestion niya. Sarkastiko ko siyang nginitian. "Pagod ka na ba?" Nataranta siya at agad na umiling. "H-Hindi po." At binilisan niya ang pagpaypay sa akin. Pumikit ako saglit pero napamulat agad nang may naamoy ako na baho. Umirap ako at saka binalingan si Rina na kitang-kita ang inggit sa mata. "You really didn't invite me, huh. At ang yabang-yabang mo talaga! Porket ikakasal ka na sa crush ko, mas lumaki ang ulo mo!" "Edi okay." Nginiwian ko siya. "At saka last day ko na sa bahay na ito. Wala ka man lang bang gift sa akin?" Humalukipkip siya. "Sana makarma ka. Sana hindi mo makita ang Daddy mo. Sana patay na siya, Anastasia, nang mas lalong maging malas ang buhay mo." Napawi ang ngisi ko at napatayo. Ngumisi siya nang nakita niya ang reaksyon ko. "M-Ma'am!" Nataranta ang kasambahay nang nakita niya akong naglakad patungo kay Rina na ngayon ay umatras na. "Ano ang sabi mo?" Kumuyom ang kamao ko at bumilis ang paghinga ko dahil sa halo-halong nararamdaman para sa babaeng ito. "Bingi ka ba?" Tumigil siya sa pag-atras. "Sana patay na ang daddy mo---KYAAAAH!" Naputol ang kanyang sinabi at napasigaw nang malakas nang bigla ko siyang sinabunutan. Inikot-ikot ko ang buhok niya sa kamay ko at hinila ito. "Aray! Tama na!" iyak niya habang kinakalmot ang braso ko. "Wala kang karapatang sabihin iyon sa akin babae ka!" At nagpatuloy ako sa pagsabunot. Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid. May iba na tinatawag si Mommy at Tito Rex. May humihila na rin sa braso ko at may humihila na rin kay Rina papalayo sa akin. "Anastasia! Rina!" boses ni Mommy. Doon ako tumigil at mabilis na pinakawalan ang kawawang si Rina. Hinihingal ako sa aking ginawa at napahawak na lamang sa aking bewang. "Mommy!" Humagulhol si Rina patungo kay Mommy at yumakap siya dito. "Mommy!" Galit na galit na naman si Mommy sa akin. "Ano na naman ito, Anastasia?" Pumiglas ako sa kung sino man ang humawak sa akin. "Don't touch me!" Saglit ko itong sinulyapan bago ko tiningnan si Mommy. "Nakita mo naman kaming nagsabunutan, right?" "Kahit pa naman ikakasal ka na ay ganito pa rin?" "What do you expect?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nang nagtama ang aming paningin ay nakaramdam ako ng kirot sa aking puso pero pilit kong tinatagan ang sarili ko. "Sinabi niya sa akin na sana patay na si Daddy---" "Kasi iyon ang totoo!" pagputol ni Mommy sa akin at mas lalong niyakap si Rina na ngayon ay umiiyak pa rin. "Wala na ang Daddy mo! Hindi ka pa rin ba maka-move on? May bagong Daddy ka na at binibigay niya sa iyo ang mga gusto mo! Bakit mo hinahanap ang Daddy mo na walang kuwenta?" "Ikaw ang walang kuwenta!" Nangilid ang luha sa aking mata. "Ikaw ang walang kuwenta, Mommy! Sana ikaw na lang ang nasa malayo at hindi si Daddy! Sana siya na lang ang nandito sa tabi ko at hindi ikaw!" Namilog ang mata niya. Ang sama siguro ng sinabi ko pero hindi ninyo ako masisisi dahil nasaktan na ako. Palagi niyang kinakampihan ang step-daughter niyang wala namang ginawa kundi ang buwisitin ako. Siguro dahil nasa step-daughter niya ang alas kaya todo kampi siya para tuluyang makuha ang loob. Pero alam niya ba na habang kinukuha niya ang loob ng step-daughter niya ay unti-unti nang lumalayo ang loob ko sa kanya? At ito na nga. "Ang sama ko, right?" Natawa na lamang ako. "Simula ngayon ay hindi mo na ako anak at hindi na kita ina." "A-Anastasia..." Umiling-iling ako sa kanya bago ako nag-walk out na parang walang nangyari. Kailangan ko nang pakasalan ang lalaking iyon para makaalis na ako sa bahay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD