Dalawang araw na lang at ikakasal na ako. Marami na namang sad boy ang padadalhan ako ng mga sulat. Sulat na may lamang kung bakit hindi ko sila pinili. Gosh, bakit ang ganda ko?
"I heard from Rina na madalas na raw ang pagkikita ninyo ng crush niya."
Natigilan ako sa pagsusuklay ng aking buhok nang natanaw ko si Mommy sa may pintuan.
Saglit ko lang siyang binigyan ng pansin bago ako nagpatuloy sa pagsuklay. "Narinig ko rin mula kay Tito Rex na buntis ka raw." Nakanguso ko siyang binalingan. "Totoo ba iyon? O panibagong plano na naman para makahuthot ng pera."
Namilog ang mata niya. "Anastasia!"
Huminga ako nang malalim at saka nagpatuloy sa ginagawa. "You told me before na hindi ka na makaaanak bukod sa akin, Mom."
"M-Magic happened."
Natawa ako. "Magic? Wala tayo sa fantasy? Nasa drama tayo ngayon, Mom. Hindi ka buntis."
"Then what if I am not. Will you tell him?"
Natigilan ako.
"Anak..." Lumambig ang kanyang boses nang papatungo siya sa akin. "If you are just willing to work with me, then we can have his wealth."
"May anak ka naman, right?" I smirked. "Rina is willing to help you do that kasi tanga siya at bulag. Ako, hindi."
Nagulat ako nang hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit.
"Bitiwan mo ako!"
Sinubukan kong hilain ang braso ko mula sa kanya ngunit malakas lang talaga siya ngayon.
Nagtagis ang kanyang bagang at galit na galit na talaga siya sa akin. "You think you will be powerful once you married that Dela Cerna?" Ngumisi siya. "Hindi. Gagamitin ka lang niya. He will not give you his wealth. Hinding-hindi. Kapag natapos na ang contract ninyo sa kasalan na iyan, babalik ka pa rin sa akin."
Nangatog ang tuhod ko at mas lalong tumalim ang tingin sa kanya. Mas lalo siyang ngumisi.
"Tama ako, right? Babalik ka pa rin sa akin. Itatapon ka rin ng Dela Cerna na iyon kapag tapos ka na niyang gamitin, anak."
Nang hinablot ko ang braso ko nang may lakas, bigla niya akong sinampal kaya napaupo ako sa sahig sa sobrang lakas. Napahawak ako sa pisngi ko at matalim siyang binalingan.
"You are not my daughter anymore, Anastasia. Kapag nagpatuloy ka sa plano mo, hindi na kita ituturing na anak. Wala na akong pakialam sa iyo. You are making me your enemy, Anastasia. Hindi mo dapat ako kinakalaban. Your karma will come dahil sa wala kang kuwentang anak."
Tinagilid ko ang ulo ko para asarin siya kahit sobrang sakit na ang pisngi ko tapos malamig pa ang sahig kahit carpeted naman ito.
"Karma is a b***h, ika nga nila. But Mom, I am the b***h at ako ang karma mo."
Namilog ang mata niya. Ako naman ay unti-unting tumayo at saka inayos ang sarili.
"You can slap me, torture me or abandon me. After all..." Lumapit ako sa kanya, malapit sa kanyang tainga. "...you created this bitch."
Humalakhak ako at saka ako naglakad palabas ng kuwarto.
"Anastasia!" sigaw ni Mommy.
Nilingon ko siya. "Mommy, in two days, ikakasal na ako, but sad to say, hindi ka invited."
***
Dumiretso ako sa banyo sa guest room at doon ako tahimik na umiyak. Kinuyom ko ang aking kamao habang nakatingin sa salamin. Walang tigil sa pagtulo ang aking luha habang inaalala ang away namin ni Mommy.
Ang sakit isipin na kaya niya pala akong talikuran para lang sa pera na tinatamasa niya. Gusto niya maging mayaman at maging social gaya ng mga mayayaman. Gusto niyang ipamukha sa lahat lalong-lalo na sa mga kamag-anak naming minsan na kaming tinalikuran dahil sa walang-wala kami. Naiintindihan ko siya sa parteng iyan pero hindi maganda ang proceso ng kanyang pag-angat. Habang siya ay iyon ang tinatamasa, ang akin lang ay ang mahanap ang Daddy ko na matagal nang nawawala.
Sobrang bait niya na tao. Minsan nga ay nakikita ko kay Tito Rex si Daddy dahil sa angking kabaitan nito. Pero wala pa ring nakakapantay kay Daddy.
It's been 10 years. Noong panahong walang-wala kami ay siya ang tumaguyod sa amin. Siya ang naghirap para sa amin habang si Mommy noon ay todo sermon sa kanya. Hindi siya nagreklamo kahit kitang-kita ko na sa mukha niya ang hirap. Hanggang sa isang araw, bigla na lamang siyang nawala na parang bula. At ilang buwan makalipas, Mom married Tito Rex.
I clenched my fist as I leaned myself to the sink. Yumuko ako at saka pinunasan ko ang aking luha.
"D-Dad, m-magpakita ka na...p-para hindi na ako mahirapan..."
Kinurap-kurap ko ang mata ko para hindi na muli tutulo ang luha ko.
Wala akong pakialam kung gagamitin ako. Kung ito ang paraan para makaalis ako sa bansang ito. Isa itong magandang paraan at daan. Habang hinahanap ni Frederick ang lokasyon ni Dad ay mag-iipon naman ako ng pera.
Gagawa rin ako ng paraan para ibalik ang totoo kong apelyido. Mom forced me to change my surname. From Vergara to Ferrer. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at saka tiniim ko ang labi ko.
This is me. Kahit kailangan na kailangan ko ng pera ay hindi ako tutulad kay Mommy.
***
Tahimik kaming kumain sa hapag kinaumagahan. Hindi ko alam kung bakit kailangan na naririto pa rin ako kahit may lamat na ang relasyon namin. Hindi na dapat ako naririto dahil baka mas lalo lamang magalit si Rina.
"Dad, are we invited?" biglang tanong ni Rina sa gitna ng katahimikan.
Binalingan ako ni Tito Rex ang kanyang anak bago ako. "I don't know, anak. According to Mr. Dela Cerna, si Anastasia ang pipili."
Namilog ang mata ko at bahagyang nagulat. Napahawak pa ako sa dibdib.
"W-What?" nanghihinang sambit ni Rina sabay tingin sa akin.
I smiled sweetly at her. "Ang sweet niya sa akin,'no? Tama lang din na siya ang pinili ko. You know, Rina. I received bunches of letters pero siya ang nakakuha ng atensyon sa akin."
Dahil siya ang pinakamayaman at gusto ni Rina.
"And, are we invited?"
Kinuha ko ang baso na may tubig. Inangat ko ito sa ere saglit. "Si Tito Rex lang. Hindi ka invited."
Napatayo siya. "What?"
"It's my wedding, Rina. Ayoko na may piranha na makapasok sa kasal ko," malamig kong sambit.
"Anastasia," saway ni Tito Rex.
Si Mommy naman ay himalang tahimik sa tabi. Gusto kong matawa. Noong nakaraan ay marami siyang sinasabi pero ngayon ay wala. Bakit kaya?
"Dad, you should take good care of mom. Mas maganda kung ipa-check up mo ulit siya sa doctor para malaman ang kondisyon ng baby sa kanyang tiyan," ani ko habang ang tingin ko ay na kay Mom.
Nakita ko na ang pag-angat ng tingin ni Mommy sa akin. I smiled at her before I drank my water.