"...One Million..."
Bumulagta ako sa sahig matapos kong bilangin ang naipon ko na pera. Plano ko itong ilagay sa bangko para hindi na ako mahirapan. Kulang pa ang isang milyon sa plano ko. Kulang na kulang pa at kailangan ko ng malaking halaga.
Huminga ako nang malalim at saka ko kinuha ang phone ko at nag-dial ng numero. Ilang saglit lang ito nag-ring dahil tinanggap ito agad.
"Hello..."
Umayos ako ng upo at saka inilagay ko sa hita ko ang isa kong kamay. Ang tingin ko naman ay nasa bintana na medyo nasilawan ng araw.
"Hello, Frederick, may balita ka na ba?"
"Hello, Anastasia." Humalakhak siya sa kabilang linya. "Mabuti naman at tumawag ka na. Matagal kong hinintay ang iyong tawag."
Umirap ako. "Puwede mo naman akong tawagan."
"I am too busy."
Umirap ako. "Busy with your girls?"
Humalakhak ito lalo. Naiangat ko ang aking kilay.
"Busy with my work, of course."
"Hindi ko pa maibibigay sa iyo ang down payment. Make sure to give me a reliable source dahil malalagot ka talaga sa akin, Frederick!"
"Are you doubting me again, Anastasia?" Lumamig ang kanyang boses. "Hindi madaling hanapin ang iyong ama. Hindi natin alam. Puwedeng buhay pa siya o patay na—"
"That's not true!" Napatayo ako dahil sa galit. "Huwag mong sabihin iyan, Frederick! Do everything to find my dad! Hindi kita binabayaran para lang pagkatuwaan ako."
"I thought you will escape from hell? Siguro naman ay marami ka nang pera para makaalis ka na sa pamamahay at bansang iyan."
Hindi ako nakapagsalita.
"Well, alright, Anastasia. I will call you once na may impormasyon na ako. Make sure you will pay. Kung ano ang usapan, iyon na iyon. I will find your dad and you will pay me."
Tumango ako. "Alright, Frederick." At ibinaba ko na ang linya.
Bumuntonghininga ako at saka itinapon ang phone ko sa kama sabay hilot sa aking sentido.
Frederick is a friend of mine. Wala akong nararamdaman sa kanya and it's normal to be friends with guys. Frederick is rich. He is a businessman and an agent. Kaya kahit kaibigan ko siya ay nagbabayad ako kung may ipagagawa ako sa kanya at kasali na roon ang paghahanap sa Dad ko.
I am saving money dahil hindi mahahanap ang daddy ko kapag walang pera.
Naiinis ako kay Mommy dahil hindi niya ako hinahayaan sa gusto ko noon. At ngayong naisahan ko siya, finally, I can feel freedom. I smirked.
"Rina...Rina...Rina..." pag-uulit ko sa pagsambit sa kanyang pangalan habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. "Kahit ano pa ang gagawin mo, matatalo ka pa rin sa akin. You are a coward while I'm not." Inirapan ko ang salamin at saka ako naghanap ng damit.
That b***h? Akala niya yata mapipigilan niya ako? Never.
***
"Nakapili ka na ba ng gown?"
Sumimsim ako sa kape at saka tamad na binalingan ang istranghero sa harapan ko.
"Oo."
"Stop rolling your eyes, damn it."
Sarkastiko ko siyang nginitian at saka ako umayos ng upo. Humalukipkip ako at saka tiningnan siya ng mariin.
"You know what, Mr. Dela Cerna. Wala kang magiging problema sa akin," panimula ko.
Umangat ang gilid ng labi niya at sumandal siya sa backrest ng itim na sofa. Ang isa niyang kamay ay may dalang glass wine at nakita ko na dinilaan niya ang kanyang labi.
"Why?"
"Hindi ako makulit. I don't care kung ano man ang gagawin ko. I will be the perfect wife, Mr. Dela Cerna. Hindi ka maiinis sa akin dahil wala naman akong paki sa gagawin mo behind my back kapag kasal na tayo."
Sumilay ang ngisi sa kanyang labi na parang iba ang kanyang intindi sa aking sinabi.
"Really?"
Tumango ako kahit naiilang na ako sa kanyang ngisi.
He bit his lower lip. "I usually don't f**k from behind, Miss Anastasia. But I would love to take you from behind."
Namilog ang mata ko. "What the?"
Pilit kong kinalma ang aking sarili.
Kalma, Anastasia Hyacinth. Ang lalaking ito ay mayaman. Hindi mo dapat ito sasayangin dahil baka kung saan ka na pupulutin!
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin, Mr. Dela Cerna." Tumikhim ako at pilit na maging maayos kahit gusto ko nang tadyakan ang lalaking ito. "What I mean is that, wala akong pakialam kahit ano pa ang gagawin mo habang kasal tayo. You can have your girls or anything. Alam naman nating dalawa na ginagamit lang natin ang isa. You will use me to gain more recognition and so on, and me, on the other hand..." Unti-unting humina ang boses ko dahil na-realize ko na hindi ko pala dapat sabihin sa kanya na pera ang habol ko sa kanya.
"What? At ano naman ang makukuha mo sa akin?" Kumunot ang noo niya.
"Well." Umirap ako dahil wala na talaga akong maisip. "Puwede ka maging sugar daddy ko kapag may bibilhin ako. Of course, the husband will provide, duh."
Nalaglag ang kanyang panga at ako naman ay ngiting-ngiti dahil tingin ko tama lang ang naging sagot ko.
"At saka maganda ako. Tingin ko naman ay hindi ka mapapahiya dahil maganda ako."
Natawa na lamang siya sa akin.
"What an arrogant woman." Umiling-iling siya sa akin. "So, how much is the cost?"
"Sa gown?"
"Yeah." He bit his lower lip again.
Hindi sinasadyang napatingin ako roon. In fairness, ang pula, ah. Mabuti at ako ang makakahalik niyan at hindi si Rina dahil hindi iyon marunong humalik. Nakita ko kaya iyon na nagpa-practice sa bote. Ew. First kiss niya ang bote.
"Tingin ko ay 3 million pesos lang," I said casually.
Umawang ang labi niya. "Lang?"
Gulat na gulat siya.
Tumango ako at saka kumawala sa pagkahalukipkip. "Yeah. Bakit ka gulat? Mayaman ka naman. You can afford." Tinaasan ko siya ng kilay. "May problema ba?"
"None."
"Okay."
"Pero mas maganda kung magiging matalino ka sa paggasto ng pera kapag asawa na kita. Hindi puwedeng magwawaldas ka na lang lagi."
Umirap ako. Kung hindi ka lang mayaman, kanina pa kita sinuntok, eh.
"But you are rich, Mr. Dela Cerna. It's your responsibility to spoil your wife a little bit." I bit my lower lip.
Nang medyo gumalaw ako, umangat ang saya ko kaya nakita ang hita ko. Agad ko naman itong inayos.
"Shit..."
Tiningnan ko siya na ngayon ay umiinom na sa kanyang wine.