Chapter 6

965 Words
"Hon, kumusta ang lakad ninyo?" Bungad ni Mommy sa amin nang nakauwi kami. Hinubad ko ang beret ko at saka ako umupo sa sofa. Agad akong binigyan ng kasambahay ng maiinom. Tinanggap ko ito at saka ito ininom. Hinalikan ni Mommy si Tito Rex sa pisngi at saka tinulungan niya itong maghubad sa kanyang suit. "It's fine. Next week na ang kasal." Namilog ang mata ni Mommy. "R-Really?" "Oo..." Lumapit si Tito Rex sa tahimik na si Rina at hinalikan ito sa pisngi. "Anak..." "I hate you, Daddy! I really hate you!" singhal ni Rina at padabog na umalis. Bumuntonghininga naman si Tito Rex at saka tahimik ito na sinundan. Si Mommy naman ay dali-daling lumapit sa akin. Naiangat ko ang isang kilay ko habang pinagmamasdan ang kanyang mukha na may halong iritasyon. "Talagang nagdedesisyon ka na para sa sarili mo?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Wala ka man lang bang utang na loob sa akin at talagang iiwan mo ako?" Marahas ko na hinablot ang kamay ko mula sa kanya at saka tumayo. Medyo tumingala siya dahil mas matangkad pa ako sa kanya. "May utang na loob naman ako, Mom. Matagal nga lang na bayad." "Ang bastos mo talagang bata ka, ah. Walang hiya ka. Nagdedesisyon ka agad! Bakit? Mapera ba iyang mapapangasawa mo?" Medyo naaliw ako sa kanyang obvious na reaksyon. Humalukipkip ako at bahagyang humilig papalapit sa kanya. "Bakit, Mom? Peperahan mo ba?" Napakurap-kurap siya. "Don't worry, kung peperahan ko man ang magiging asawa ko, may kapalit naman iyon. Hindi ako magnanakaw." I smirked and walked away. "Wala ka talagang utang na loob!" sigaw niya na ikinatigil ko sa paglalakad. "Bastos mo! Nanay mo pa rin ako kahit baliktarin man ang mundo." Marahas ko siyang nilingon na ikinagulat niya naman. "Kung talagang nanay kita ay dapat hindi ka makasarili. Kung nanay kita ay dapat pinakita mo sa akin na talagang nanay kita at hindi kaaway. This is your fault, Mom. You treat me like a trash. Bastos nga ako, pero nasa lugar ang pagiging bastos ko. Kahit nanay kita, pareho pa ring tao at kahit mas bata pa ako sa iyo deserve ko rin ang i-respeto, hindi lang ang matatanda, Mom. At saka hindi mo na ako hawak sa leeg..." Mapakla akong tumawa. "Matanda na ako. I am already twenty one. Hindi mo na ako makukulong sa mga kamay mo, Mom." "Hindi mo mararanasan ang mga gusto mong maranasan kung wala ako, Anastasia!" Dinuro-duro niya ako. "Kung ano ang meron kay ay kasali pa rin ako." "Okay lang, Mom. Hindi naman kita inutusan na buhayin mo ako. Sana noong nasa sinapupunan mo pa ako, pinatay mo na ako para hindi ko na naranasan ang ganitong klaseng karanasan." At nang hindi siya nagsalita ay tumalikod na ako. Ang tapang-tapang ko sa harap pero kapag wala nang tao, tumutulo na ang luha sa aking mga mata. Oh, I hate this life. *** Tito Rex gave me a card. Binibigyan niya ako ng pera na hindi alam ni Mommy. Kung gaano kasama ng ugali ni Mommy, baliktad naman sa Step-Dad ko. Hindi ko rin naitanong kay Mom na buntis ba talaga siya. Asta kasi siyang hindi buntis kaya nakakapangduda talaga. Nasa sala ako ngayon habang binubuklat ang magazine na naglalaman ng iba't ibang gown na gusto kong suotin. Hindi ako dapat magpa-humble. Mayaman ang mapapangasawa ko kaya dapat lang na mahal ang susuotin ko. Hindi ko muna iisipin ang kinabuksan, iisipin ko muna ang kinabuksan ng babaeng bigla na lang hinablot ang magazine. Ang bastos! Tumayo ako at saka tinaasan siya ng kilay. "Bakit mo hinablot, ha?" Kalmado lang iyon. Galit na galit na ang kanyang mukha ngayon. "Hindi matutuloy ang kasal ninyo!" At pinunit niya ang magazine na ikinabigla ko. Pati ang mga kasambahay ay natulala na lamang. Ngumisi siya nang makita ang reaksyon ko. "You see? Hindi matutuloy ang kasal ninyo, Anastasia!" At saka itinapon niya sa ere ang natitirang papel na pinunit niya. Nang napansin ni Rina na walang gumagalaw na kasambahay ay sinigawan niya ito. "Kayo? Hindi kayo binabayaran para maging istatwa lang riyan! Linisin ninyo ang kalat!" sigaw niya. Agad namang kumilos ang kasambahay. Umirap ako. Ito ang totoong spoiled brat ni Mommy. "Huwag ninyong linisin," pagtigil ko. Nanlaki ang mata ni Rina at mas lalo lamang nanggigil. "Ah? Ikaw ang maglilinis?" tanong niya. Ginalaw niya ang kanyang panga at saka ngising tumango-tango. "Okay?!" Pumalakpak siya at lumapit siya sa isang kasambahay sabay hablot sa walis at dust pan. Lumapit siya sa akin at itinapon niya sa harap ko ang mga ito. Umigting ang panga ko. "Ikaw ang maglinis dapat, Anastasia!" Malawak siyang ngumiti. "Ikaw ang sampid dito. Lahat ng damit mo, galing iyan sa pera ni Daddy! Iyang mga alahas sa katawan mo, kay Daddy lahat ng iyan! Uniform dapat ng mga kasambahay ang sinusuot mo, eh. Bagay sa iyo." Tumango-tango ako. "Okay..." At hindi na nagdalawang-isip na hinubad ang suot ko na damit. Napasinghap sila at halos lumuwa ang mata ni Rina sa ginawa ko. "W-What are you doing? Bakit ka naghuhubad?" Hindi ko siya sinagot at tinira ko lamang ang bra at panty ko. Tinanggal ko rin ang earrings ko, bracelet, at necklace. Mas lalong nalaglag ang panga niya sa nakita. I smirked. "Ito na..." At padabog ko itong ibinigay sa kanya kaya muntik na siyang matumba. "Labhan mo, ah." Nanatiling nakaawang pa rin ang labi niya. Nag-pose pa ako na parang kasali ako sa isang pageant nang humarap ako sa kasambahay na nag-iiwas na ng tingin. "Oh, bakit kayo hindi makatingin? Libre na nga ito, oh?" Umirap ako. "Umalis na kayo rito at bumalik na kayo sa trabaho ninyo. Ang babaeng ito ang magwawalis sa kanyang mga kalat. Bye!" Kinaway ko ang mga daliri ko at saka ako taas-noong umalis na naka-panty na lamang at bra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD