Chapter 5

880 Words
Taas-noo akong pumasok sa loob ng resort. Sa likod namin ni Tito Rex ay ang kanyang mga tauhan na nagmistulang naging bodyguard na rin. Nag-angat ako ng kilay sa isang babae nang nakita kong nakatingin siya sa akin. Hinaplos ko rin ang aking buhok bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Para akong reyna. Reyna naman talaga ako. I am the queen of my own life at hindi ko hahayaan na tatapak-tapakan lang ako. Hindi ko hahayaan na aalipinin na lamang ako. "Good day, Mr. Ferrer and..." Nabitin ang sinabi ng babae sa ere nang nakita niya ako. Ako na ang nagpatuloy sa kanyang sinabi. I gave her my ID kahit hindi naman talaga kailangan. "Anastasia Hyacinth Ferrer," malamig kong sabi. "M-Miss Ferrer!" Tumango lang ako at saka ibinulsa ko ang ID. "This way, hija." Hinawakan ni Tito Rex ang aking braso at saka ako marahang iginiya patungo sa isang ekslusibong kuwarto kung saan naroon ang isang lalaki na naka-dekwatro ang mga paa habang kalmadong umiinom ng red wine. Nang nakita niya kaming papasok ay umayos siya ng upo at saka ako mariin na pinagmamasdan. "Good day, Mr. Dela Cerna." At nakipagkamayan si Tito Rex sa naturang lalaki. This man in front of me is a meztiso. Masasabi ko na kaya siguro ito nagustuhan ni Rina dahil sa guwapo ito. But I am not like her. Hindi ako basta-basta sa guwapo lang. Paano naman iyang kaguwapuhan kung hindi naman mapera? Hindi ako mapapakain ng guwapo. At hindi ko maitatanggi na guwapo naman talaga siya. Sa kanyang black suit pa lamang na suot, bagay na bagay na sa kanya. He has an expressive set of eyes, pointed nose, kissable lips, thick eyebrows, double chin, at ang buhok niya ay army cut ang style. May kumikinang siya na earring sa left ear niya. "Am I too hot, honey?" Natauhan ako at bahagyang napangiwi. Umirap ako sa kanya na ikinagulat niya. Nagulat din ako sa pag-irap ko kaya tinikom ko na lamang ang aking bibig at saka maingat na umupo sa upuan, sa tabi ni Tito Rex. "I am sorry for being late, Mr. Dela Cerna." "No, it's totally fine," pormal na sambit nito sabay baling sa akin. Inilapag niya sa lamesa ang kanyang mga kamay at saka pinagsalikop ito. "So, is this final?" Binalingan ako ni Tito Rex. Bumuntonghininga ako. "Many men proposed to me to be their bride. But I chose you." Malamig ko siyang tiningnan. Mangha niya akong tinanguan at saka inilagay niya ang kanyang isang daliri sa kanyang labi. "Hmm? And why? Because I am the most handsome?" "Because you are the richest," diretsahan kong sagot na ikinatigil niya. Well, the man was too stunned to speak. Umubo-ubo si Tito Rex para kunin ang atensyon ni Mr. Dela Cerna. Palihim akong napairap at nagsimula na akong ma-boring-an sa pag-uusap na ito. Hindi makapaniwala akong tiningnan ni Mr. Dela Cerna. Napakurap-kurap siya bago niya binalingan si Tito Rex. "Wow, hindi ko akalain na may ganito ka pa lang anak, Mr. Ferrer..." Natawa siya at aliw akong binalingan. "You want to be my wife?" "Yup," tamad kong sagot. "And sugar daddy." Humagalpak siya ng tawa at saka mahina niyang naihampas ang kanyang kamay sa lamesa habang tumatawa-tawa. This man is crazy. I was just testing him. Masyado naman siyang uto-uto. Of course not. It's ew! "Fine..." Nagngitngit ang kanyang ngipin at saka umayos ng upo. "Alright, Mr. Ferrer. Tama na itong nakita ko. Kung hindi lang talaga sa apelyido mo, Mr. Ferrer ay hinding-hindi ako magpapakasal." "Guess, what? You still need me, hijo." At saka sila nagtawanan. Umismid ako at napakamot na lamang sa aking batok. "And for you, Miss Anastasia. Prepare. Ikakasal na tayo next week." Namilog ang mata ko. "Agad-agad?" "Yup." He smirked. "I need a freaking wife so hindi na dapat ito patatagalin pa." Tamad ako na tumayo. "Okay..." Sumunod na tumayo si Tito Rex. "Ayos ka lang ba, hija?" "I think she is just upset kasi next week pa ang kasalan. Baka gusto mo ngayon na? Hindi puwede ngayon, Miss Anastasia. Magagalit ang parents ko." Kumulo agad ang dugo ko dahil sa tono ng kanyang boses. Ano ang akala niya? Gusto ko siyang pakasalan? I just need his money! At sisiguraduhin ko na magtatagumpay ako. I smiled sarcastically. "Of course, I am upset. I am really ready to marry you." Napawi ang ngisi niya. "Don't you dare fool me, woman. Next week na ang kasal natin. Maghanda ka na." Umirap ako. "Alright." "Stop rolling your eyes." Mas lalo lamang akong umirap bago akong naunang umalis. Hindi na dapat ako mag-inarte. Next week na raw ang kasal, edi, go! Wala namang mawawala sa akin. Sobrang excited ko na makasal nang sa ganoon ay makaaalis na ako sa impyerno ko na pamamahay. Habang iniisip ko iyon ay naalala ko si Mom. Paano kung hindi siya nagpakasal kay Tito Rex at hinanap namin si Daddy? Siguro hindi ako magiging ganito. Siguro hindi ko na kailangan ng pera sa buhay. Tama nga si Mommy. Money makes you powerful. Kaya kailangan ko ng pera para mahanap ko si Dad. Hahanapin ko siya kahit saang sulok ng mundo pa ito. With the money that I will have in the future, sigurado ako na makakaalis na ako sa bansang ito at mahahanap ko na si Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD