"Hindi pa rin ba siya uuwi?" tanong ko kay Marisol na pinagsisilbihan ako. "Dalawang araw na siyang hindi umuuwi, ah?" It's been two days since Xyrus left. At dalawang araw na akong bagot na bagot. Tinitiis ko ang kadaldalan ng babaeng ito kahit iritang-irita na ako. Is he really serious? Ako itong galit pero parang ako pa yata ang may atraso sa kanya. "M-Ma'am, baka lang kailangan niya lang po ng suyo," suggest ni Marisol na ngayon ay nag-peace sign na. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ang suyo na sinasabi mo riyan? Gosh. Umalis ka na nga sa harapan ko. Kakairita ka!" I rolled my eyes. "Okay po, Ma'am," nakangiti niyang sabi at hyper pa na umalis. Aba, masaya pa siya na tinatarayan ko siya. May sira ba siya sa utak? Naisapo ko na lang ang noo ko at saka ininom na lang ang kape na

