Walang nangyaring kababalaghan. Bago pa man na may mangyari, may tumawag sa kanyang phone na siyang ipinagpapasalamat ko.
This guy and his moves. Hindi halata na wala pa siyang experience. O baka naman ay nagsisinungaling siya sa akin? Well, I don't mind. I have the freaking money anyway.
Kahit namumula na ang palapulsuhan ko dahil sa lecheng posas na iyon, napangiti pa rin ako dahil sa dalawang card na ang nasa akin.
He gave this to me willingly. Hindi ako nanghingi o ano pang kalokohan na ginagawa ni Mommy. I am different. Hindi ako tutulad sa kanya. All I need to do is to pretend to be his wife.
Bumuntonghininga ako at napatingin sa gilid ko. Wala na si Xyrus sa tabi ko. Mukhang babalik na yata siya sa trabaho niya. Maybe I should ask him about work?
I sighed.
"You're awake..."
Lumabas si Xyrus mula sa walk-in-closet na bagong bihis. My lips parted when I saw how formal he is with his attire. He is wearing a white button-down shirt with black neck tie on it and a black trouser pants. Inaayos niya ang kanyang neck tie habang nakatingin sa akin. Ang kanyang buhok ay sobrang kinang. Mukhang naglalagay siya ng gel.
"Yeah," tamad kong sagot at saka pinagmasdan siya. "Work?"
"Uh-huh..." Tumango siya. "And you are coming with me."
Natawa ako. "Bakit naman ako sasama sa iyo?"
"Because you are my wife. I need your presence. Ipapakilala kita sa mga empleyado ko."
I rolled my eyes. "They don't need to know me, Xyrus."
Natigilan siya sa kanyang pag-ayos at saka kunot-noo akong tiningnan.
"And why?"
Naglakad siya papalapit sa akin na may seryosong mukha. Napahilig ako sa kama lalo na nang inilagay niya ang kanyang magkabilang kamay sa paanan ng kama niya.
Niliitan niya ako ng mata. "Why not?"
Akmang ilalayo ko ang paa ko dahil malapit sa kamay niya ngunit nagbaba siya ng tingin doon at saka hinuli ang paa ko.
"What the?"
"Bitiwan mo nga ang paa ko!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Duh, ang asawa, dapat nasa bahay lang."
"Ngayon lang naman," aniya sabay bitiw sa paa ko. Agad akong umayos ng upo at saka niyakap ang tuhod ko. "Pagkatapos ay puwede ka na manatili rito. Shop all you want, Anastasia."
Napairap muli ako. Hindi ko naman igagasta itong perang bigay mo para sa sarili ko. I will use this money to find my dad.
Tiningnan ko siya ng mariin bago ako nakapagdesisyon. "Alright, my husband."
"Thanks, babe."
Napairap ako. Ang landi.
"Just make sure na wala nang Girly na umaaligid, Xyrus. Ayoko na ng gulo sa buhay ko. Kung maka-low class siya sa akin, eh, mas low class pa ang galawan niya."
Natawa siya. "I know. You are more than that, Anastasia," makahulugan niyang sabi na ikinatigil ko sa pagtayo.
Nilingon ko siya. He shrugged his shoulder.
"Tsk. Kung makapagsalita ka naman ay parang kilala mo ako."
Inilingan ko siya at saka tumayo na. "Alright. Maliligo lang ako."
***
"Hija..."
Namimilog ang mata ni Tita Xera habang pinasadahan niya ako ng tingin. I smirked. Ang ganda ko talaga.
"Hi, Tita..."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Just call me, Mommy, okay? At ang ganda mo pero...bakit ganiyang ang suot mo?"
I looked at myself. "There's nothing wrong with my dress, Mommy."
I rolled my eyes.
"Stop it, Mom," ani Xyrus na nasa gilid ko na. Ang kanyang tingin ay nasa wristwatch niya. "Male-late na kami. Leave my wife alone."
Binitiwan ako ni Tita at saka lumipat sa anak niya na seryosong-seryoso ang mukha.
"I know, son. I will leave her alone but her outfit is kind of..."
"Kind of?" I arched my brow. "This is the type of outfit I wanted to wear, Mommy."
"Tama siya, Mom. She looks gorgeous in her outfit."
Tita Xera sighed. "Alright, I give up."
Kung hindi lang mabait si Tita Xera ay baka ano na ang ginawa ko. Nothing is wrong with my outfit. Hindi lang ideal kasi babae ako.
I am wearing a blazer pants suit and pants tuxedo. Bagay sa akin.
"Well, Mom is right. Hindi siya bagay sa bata mong mukha," bulong ni Xyrus nang nakalabas na kami ng bahay. "Mas maganda kung dress, Anastasia."
Kumulo ang dugo ko. "Gusto mo masampal?" Tiningnan ko siya ng matalim.
He gestured a peace sign before he went to his car. Good thing na walang bodyguard na umaaligid sa kanya.
"Maybe being a Ferrer is a good thing after all," sabi ko sa sarili ko bago ako sumunod sa kanya.
***
"Good Morning, Sir!"
"Good Morning, Sir!"
"Good Morning, Mr. Dela Cerna!"
Iyon ang bumungad sa akin nang pumasok kami sa malaking building na batid ko ay kompanya nga ni Xyrus. Binaba ko ang sunglasses ko at tumigil sa harap ng isang babaeng nahuling inirapan ako.
Nanigas siya nang tumigil ako sa harap niya. "Do you have a problem with me?"
"N-No, Ma'am..."
Ngumuso ako at saka ibinalik ang sunglasses ko sa may mata ko. "Good. Pakitago iyang mata mo, nakakairita."
At saka sumunod na ako kay Xyrus. Hindi ko maiwasan ang mamangha. Sobrang unique ng building niya. Hindi lang elevator ang mayroon. Meron ding escalator. Wow, mall ba ito?
At isa pa na ikinamanghaan ko. Nirerespeto siya ng mga tao rito. I smiled bitterly. Ganoon talaga. Kapag mapera ka at nasa iyo na ang lahat, kahit masama pa ang ugali, irerespeto ka talaga ng mga tao kasi may pera.
Does money matter though? Noon, hindi. Hindi naman kasi nakakapagpasaya ang pera sa totoo lang, minsan, nakakabaliw, like Mommy. Baliw na siya sa pera pero ramdam ko na hindi siya masaya.
Ngayon, money matters to me. Dahil kailangan ko ng pera para maging kapangyarihan ako, rerespetuhin at isa pa, madaling mahanap ang taong hahanapin. Kapag may pera, puwede mo na lang utusan ang mga taong hanapin ang taong gusto mong hanapin.
Money makes people evil. Dahil bulag sa pera, gumagawa na ng kasamaaan para sa pera. Kapag nahanap ko na si Daddy, hindi ko na kailangan iyon. Gusto ko lang siya makita, mayakap, at makasama.
"Sir, good morning! Congratulations on your wedding, Sir!"
"Sir, may bagong appointment pala kayo--"
"Ouch!" reklamo ko nang nabangga ako ng isang lalaki. Hinawakan ko ang braso ko at inis na binalingan kung sino iyon.
Malayo na si Xyrus sa akin dahil dinudumog na siya. Hindi man lang ba sila makapaghintay na makarating ang boss nila sa opisina niya? Ang propesyonal. Ang papangit!
I hissed. Inayos ko ang buhok kong nakalugay at saka inis na sumunod.
"Wait, where is my wife?"
Natahimik ang lahat nang nagsalita si Xyrus. Napairap ako at inis na inis na talaga. Bakit ganito ang treatment sa akin? Para lang akong naliligaw na tao rito!?
Nasa may elevator na si Xyrus at mukhang papasok na sana nang may napagtanto siya. Humalukipkip ako at saka tumigil sa paglalakad. Ang layo-layo niya. Hindi niya ba na-realize na kasama niya ako? Hindi na sana niya ako isinama rito!?
"W-Wife, sir?"
"Yes, my wife," malamig na sambit ni Xyrus at para siyang nawawalang tuta na nagpalinga-linga.
Nang nakita niya ako ay inangatan ko siya ng middle finger at saka tumalikod. Buwisit!
Naglakad na ako patungo sa exit na pinto. Napatingin na sa akin ang iba at halos mabangga pa ako ng isang babae na nagmamadali.
"Hey, wait!"
Natigil ako nang nahawakan niya ang palapulsuhan ko. Huminga ako nang malalim at saka siya hinarap.
"Ano?"
Ngumuso siya. "I'm sorry."
Inirapan ko siya.
"I'm sorry, okay? Hindi na mauulit. Huwag ka nang magtampo." At hinapit niya ang bewang ko sabay harap sa mga empleyado niya. "This is my wife, Anastasia Hyacinth Ferrer-Dela Cerna," aniya sabay tingin sa akin. "Treat her with respect."
Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko lalo na nang biglang namungay ang kanyang mata. Ako na ang naunang nag-iwas ng tingin at saka medyo lumayo.
"Tayo na, n-nakakairita talaga rito!" ani ko at saka nauna nang naglakad.
Narinig ko ang kanyang mahinang halakhak bago siya humabol sa akin.