"Pangit," ani ko habang pinagmamasdan ang interior design ng kanyang opisina. "Ang pangit."
Hinawi ko ang kurtina at napangiwi na lang ako.
Tumikhim si Xyrus. "I know you are mad at me, pero huwag mo namang sanang laitin ang opisina ko."
Napairap ako at saka saglit siyang tiningnan. Kita ko na napakurap-kurap siya at saka nag-iwas ng tingin.
"Hindi ako nanlalait. I am just telling you the truth. Ang pangit ng design ng opisina mo. Puro puti! Para tayong nasa heaven! Nagmamadali ka ba?!"
Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"
"Ang pangit ng opisina mo. Wala ka bang taste?"
Umupo siya sa kanyang swivel chair at saka inangatan ako ng kilay. "Why? Do you have any designs in your mind?"
Nilubayan ko na lang ang kurtina at umupo sa may sofa. "Wala naman. Nagsasabi lang ako—"
"Then my wife should decide."
"Huh?" Kinunutan ko siya ng noo. "What do you mean?"
"Well..." He licked his lower lip. "Kung gusto mo, ikaw na mag-decide kung ano ang design na gusto mo."
Natatawa ko siyang tingingnan. "Seryoso ka ba?"
"I am dead serious, honey."
Nginiwian ko siya at saka umirap. "Papayag ako kung bibigyan mo ako ng trabaho," I said.
Umawang ang labi niya. "Why? Hindi mo na kailangang magtrabaho pa, Anastasia. I already gave you the cards. You can shop all you want—"
"I want to work!" pagputol ko sa kanya at napatayo na. "I want to work, okay?"
"Why?" Nanliit ang mata niya. "Asawa mo ako at hangga't asawa pa kita, hindi mo na kailangang magtrabaho."
Nanlumo ako. Hindi ko gusto, okay? Wala akong balak galawin ang pera niya! I want to work! I want to earn money! Hindi ako katulad ni Mom. The moment he gave me his cards, para akong nakonsensya sa totoo lang, pero hindi ko naman siya pinilit.
"Edi huwag! Ang damot mo! Uuwi na nga lang ako. Ang pangit talaga ng opisina mo!" Akmang lalabas na sana ako sa opisina niya nang tinawag niya ako.
Naiangat ko na lang ang labi ko sabay baling sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. "What?"
Xyrus sighed and I saw his fist clenched. "Alright. I will give you work."
"Really?" Lumapit ako sa kanya at saka isinampa ang palad sa kanyang desk. "Bibigyan mo ako ng trabaho?"
"Yeah," tamad niyang sabi at nag-dial siya sa telepono niya. "You can be my coffee maker."
Napawi ang excitement na naramdaman ko. "Ano?" Hinampas ko ang lamesa na ikinagulat niya. "Coffee maker?! Coffee maker mo?"
"Uh-huh." Tumango siya sabay lagay ng telepono sa tapat ng kanyang tainga.
Bumuga ako ng hangin sabay atras.
"Kung ayaw mo, edi huwag. Damot mo." At saka tumalikod muli.
Kapag di niya talaga ako bibigyan ng trabaho, uubusin ko talaga ang pera niya. Bibili ako ng mga luho at ipakita kay Rina para mas lalo siyang maiinggit sa akin. I smirked.
Nang akmang bubuksan ko na sana ang pinto, biglang bumukas ang pinto kaya natamaan ang noo ko at muntik nang matumba.
"What the–" Sinapo ko ang noo ko.
"Hala, sorry, Ma'am–" Nanginginig na sambit ng babae at agad nagtungo sa desk ni Xyrus.
Napanganga na lamang ako at inis na binalingan sila. Nakita ko na nilapag ng babae ang kanyang dalang papel sa desk ni Xyrus at nang binalingan niya ako, sinamaan ko agad siya ng tingin. Nakita ko ang pagtaranta at paulit-ulit na nag-bow kay Xyrus na ipinagtataka naman ni Xyrus. Napanganga pa ako sa gulat nang tumama ang noo niya sa desk ni Xyrus sa pabalik-balik niya na pag-bow.
Nang matapos ay nagmamadali siyang lumabas sapong-sapo ang noo. Napanganga na lamang ako at tiningnan si Xyrus na natulala na rin.
What the hell was that?
***
"Bakit ba ayaw mo akong patrabahuin?" tanong ko nang kami na lang ulit.
"Kasi ayaw ko."
"Kasi ayaw mo?!" Masama ko siyang tiningnan. "Kapag hindi mo talaga ako pagtatrabahuin, manggugulo ako sa opisina mo," banta ko.
"Sure," he said boredly at nagpatuloy sa pagtipa sa kanyang laptop.
Bago pa man ako nakapagsalita ay tumunog ang phone ko. Natigil si Xyrus sa kanyang pagtitipa at agad nag-angat ng tingin sa akin. Bumuga ako ng hangin sabay silip sa phone ko. Bigla akong na-excite nang nakitang si Frederick ito. Baka tungkol kay Daddy na ito. Nang tiningnan ko si Xyrus ay nahuli ko siyang nakatingin sa phone ko at nang tiningnan ako ay agad tumikhim at bumalik sa ginagawa.
Aha!
I smirked.
Tumikhim ako at saka lumayo nang kaunti para sagutin ang tawag.
"Anastasia, hell–"
"Hello, Babe–"
"What the hell, Anastasia?" hindi makapaniwalang anas ni Frederick sa kabilang linya. "I am here to tell you that malapit na nating–"
"Talaga, babe? Susunduin mo ako? Omg!" Nang sinulyapan ko si Xyrus ay wala na sa laptop ang kanyang tingin kundi nasa akin. Inirapan ko siya at saka tinalikuran.
"Na-wrong call yata ako," reklamo ni Frederick sa kabilang linya. "Mamayang hapon na lang kita tatawagan ulit. May ibang inaasikaso pa ako, Anastasia–"
"I know," bulong ko. "Just go with the flow na lang, Frederick," mahina kong sabi.
"For what? To get your fake husband jealous? May pagtingin ka na sa kanya?"
"N-No, of course not! Basta tell me about Dad mamayang hapon!" And I ended the call.
Nang binalingan ko si Xyrus ay napaatras ako nang nakita kong nakatayo na siya at inis na inis na ang mukha.
"W-What?" I shrugged my shoulder. "My friend called."
"And, babe?" tanong niya.
"Well, that's our endearment," tamad ko na sabi para mas lalo siyang mainis.
"I know, pero hindi ko nagustuhan ang narinig ko, Anastasia."
Ngumuso ako. "Gusto mo ba ng kiss?"
Namilog ang mata niya at napalunok.
What should I do? Should I seduce him? Para bigyan niya ako ng trabaho? Well, I should try.
Naglakad ako patungo sa kanya kaya napaupo muli siya sa kanyang swivel chair. I bit my lower lip at saka nagtungo ako sa kanyang harapan. Tinuko ko ang isang siko ko sa kanyang desk at hinila ang kanyang tie kaya nahila siya papalapit sa akin. Kita ko ang paglunok niya.
"Hahalikan lang kita kapag papayagan mo akong magtrabaho," I said coldly. "At kapag hindi, habangbuhay kang hindi makakatikim ng halik ko. You know, Mr. Dela Cerna. Isang taon lang ang bisa ng kasal natin at sayang naman kung hindi mo ako matitikman hanggang sa mag-expire tayong dalawa."
Nang nagtama ang paningin namin ay medyo lumuwag ang pagkahawak ko sa kanyang tie dahil sa gulat. Pero bago pa man ako makabitaw ay siya na mismo ang tumayo sabay hapit sa likod ng leeg ko at inilapit sa kanyang mukha.
Hinawakan niya ang baba ko at saka pinaangat sa kanya.
"You want to taste a virgin?" hindi makapaniwala niyang tanong.
Kinagat ko ang labi ko at saka inilagay ko ang palad ko sa kanyang dibdib sabay haplos. Bumaba ang tingin niya roon.
"We are both virgins here, Mr. Dela Cerna..." Huminto sa may belt ang aking kamay. "But I am a little bit expert." Tiningnan ko siya. Nakita ko ang pag-inggit ng kanyang panga. "Hindi ka malulugi sa akin."
Akmang hahalikan niya ako pero iniwas ko ang mukha ko at medyo natawa.
"I told you, hindi ka makakahalik sa akin hangga't hindi mo ako papayagan na magtrabaho, Xyrus," ani ko at mahina kong tinampal ang pisngi niya. "Lugi ka."
"f**k," he cursed.
Napatili na lamang ako nang bigla niyang hinawakan ang bewang ko at inangat para maupo ako sa kanyang desk. Bago pa man ako makapagsalita ay siniil na niya ako ng halik sa labi at saka bumulong.
"You can work. Just let me kiss you all day," he whispered and kiss me on my lips again.