Biglang naalimpungatan si Mark Andrew sa sunod sunod na katok sa kanyang kwarto. Tumingin sya sa side table ng kama nya at nakita nya sa digital clock past 9pm na pala. Napasarap ang tulog nya. "Hold on!" Malakas nyang sabi, bumangon na sya at tinungo ang walk in closet para kumuha ng isang short at hindi na sya namili kung anong kulay ang isusuot at pagkatapos nyang maisuot ito tinungo nya na ang pinto para pagbuksan ang kumakatok at ang mommy nya ang nabungaran nya. "My son! Welcome back and I am glad to see you again." Masayang wika ng kanyang mommy at niyakap sya nito ng mahigpit. "Mom,please I can't breath." Natatawang sabi nya. "By the way mom,why are you so late?" Patampong tanong nya dito ng kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya. "Sorry my son madami akong ginawa kanina sa

