Sya si Mr. Alvin Perez 30 years old at isang magaling na agent. Single, moreno, at nag uumapaw ang s*x appeal at lalaking lalaki. Bihasa sa martial arts at pag gamit ng iba't ibang klase ng baril. Iilang taon na din sya sa kanyang trabaho bilang agent. Alam nyang mapanganib ang kanyang propesyon ngunit ginusto nya talaga ang ganitong trabaho. Bata palang kasi sya pangarap nya na to. Nagsimula lang to ng mapanuod nya ang lumang pelikula na si Sean Connery na gumanap bilang Agent 007. At magmula noon, nangarap sya at sinabi nya sa knyang sarili na balang araw magiging magaling syang agent kagaya ni James Bond na taga lipol ng mga masasamang elemento sa lipunan. At kahit na ibang iba na ang estado ng kanyang buhay ay mas pinili niya ang maging isang simpleng tao at simpleng lifestyle. Pauwi

