ZARAINE'S POV:
" zara kumain ka muna bago pumasok.! wag mong sanayin yang sarili mo na malilipasan !"
"hindi na po manang , male late na po ako, sa cafeteria nalang po ako kakain, sige po bye manang" tinanghali ako ng gising kaya nag mamadali akong umalis ng bahay... pas 1 am na ata ako naka tulog dahil kaka isip sa pamumula ko kahapon, asar!! dapat di ako makita ni gareth mamaya haist bahala na.. pag labas ko ng subdivision pumara agad ako ng jeep.. ilang minuto lang nasa tapat na ako ng skwelahan "manong para!! eto po ang bayad ko'' pag ka baba ko ng jeep dali dali akong pumasok sa gate... "hep!hep!nasaan ID mo?" hinarang ako ng guard
"nasa bag ko po"
"sige yung bag mo lang ang pwedeng pumasok maiwan ka sa labas !" nagtawanan ang mga studyanteng kasabayan kong pumapasok , kinuha ko ang ID sa bag at sinuot " ayan pwede naman palang suutin itatago mo pa, sige pasok!''
asar! simula kahapon hanggang ngayon lagi nalang akong may kaing kwentro! habang binabaybay ko ang daan patungo sa classroom palingon lingon ako ''pumasok kaya yun? hay naku!! muntik ko nang maka limuta ang task ko!' napatingin ako sa relos ko 20minutes! bago mag start ang klase ko lumiko ako ng daan puntahan ko muna sa building nila .
pag karating ko sa building na tiningala ko muna ito,, saan kaya ang room nun?? napalingon ako sa ingay
"papa jonas akin nalang please!"
"ang yummy"
'si jonas! nag tago ako para di makita susundan ko nalang ito malamang mag kaklase sila pero bakit di sila magkasama?
second floor ? "ENGINEERING?" agad kong nakita ang pinasukan ni jonas sinilip ko mula sa ilalim ng bintana pero apat lang sila?
si jeof na may hawak na gitara si marco at james nag uusap si jonas naman nakikipag usap sa mga babae na halos naka dikit na sakanya,, pero asan sya yung itchura ko ngayon parang magnanakaw kung sumilip
"nasaan kaya sya?"
"baka nandyan lang yung hinahanap mo "
"Ay Kabayo!" nagulat ako nang may biglang tumabi sakin na ginaya pa ang posisyon ko
"sino ba kasi ang sinisilip mo dyan?''
"gareth? kanina kapa ba dyan?"
"bago lang! dinaanan kita kila tita pero naka alis kana daw''
"pero sino ba talaga ang sinisilip mo jan?''
"ha__ah.. w__wala si sige alis na ako !"
"teka!" diko na ito hinintay mag salita agad akong tumakbo pababa at dumeretso sa classroom ko
bakit ba ganun ang epekto nya sakin? simula kahapon hangang ngayon naiilang na ako sa kanya, baka baka nahihiya lang ako? ah ewan basta kung pwede lang umiwas muna ako.
"huy! kanina pa kita kinakausap nakatulala ka lang jan."
"'ha.? pasensya na heide ano nga ba ulit yun? "
"naku te antok ka pa ba? ang sabi ko sabay tayong kakain mamaya!"
"ha o_oo ba" napa tigil kami nang biglang dumating si prof mindez.
"naku ayan na sya!" bulong ng ng isang katabi ko..
" good morning! so did you solve the problem i gave you yesterday?"
tahimik ang mga kaklase ko ni isa sa kanila walang sumasagot...
"napaka simple lang nun di nyo nagawa? " dahil parang wala atang may balak na sumagot kaya
nag taas ako ng kamay " yes Ms. Llianez?" tumayo ako para sagutin kung ano man ang itatanong niya sakin..
"please explain to your classmates , what is MACROECONOMICS"
"Macroeconomics is the branch of economics that studies the behavior and performance of an economy as a whole. It focuses on the aggregate changes in the economy such as unemployment, growth rate, gross domestic product and inflation. " mahabang paliwanag ko
"see? napa ka easy!! bakit di nyo nagawa.. please take your seat ms. Llianez"
siniko ako ni heide.." kaya pala tulala ka kanina ahh mini memorise mo pala yan" bulong nito sakin
"we have 3 major concern of macroeconomis, Macroeconomics focuses on three things: National output, unemployment, and inflation. Governments can use macroeconomic policy including monetary and fiscal policy to stabilize the economy. Central banks use monetary policy to increase or decrease the money supply, and use fiscal policy to adjust governm''
mahabang salaysay nito samin.... tahimik ang lahat at nakikinig,
matapos ang klase ay sabay kaming lumabas ni heide.. medyo magaan na ang loob ko sa kanya kaya naman madali ko sya naka palagayan ng loob
"ang galing mo kanina zaraine ahh.. mabuti nalang at magkatabi tayo ng upuuan baka sakaling mahawa ako sa galing mo"
''ano kaba konting basa basa lang ng libro makukuha din natin...'" papunta kami ngayon sa cafeteria para magtanghalian... ''alam mo ba yang grupong yan?" turo nya sakin "pinag iinitan ng mga kababaihan kahapon pero infairnes ang ga gwapo nila te!!"
nagtatago ako sa likuran nito para di ako makita ng grupo nila gareth.. "huy anong ginagawa mo jan sa likod ko ??"
"heide baka pwede dun nalang tayo sa labas kumain sige na masarap din mga pagkain dun... "
"pero bakit?? may iniiwasan kaba?? ang lapit lapit na natin sa cafeteria lalayo pa tayo??"
hinila ko na ito palayo.... pero agad pumiglas "sandali nga zaraine ano bang nang yayari sayo? ''
"wala na man ayoko lang sa cafeteria "
"at bakit?"
"basta!"
"hay naku hali kana nga! " agad ako nitong hinila papuntang cafeteria, wala na akong nagawa at dina pumalag pa pag karating namin sa loob ng cafeteria nag order na kaagad si heide ng pagkain nya '' "zaraine! anong gusto mo? dali sabihin mo na libre kita... "
"kung ano yung sayo yun na din akin.. "
naka simangot ito sa sinabi ko " sige maghanap ka nalang ng mauupuan natin
mabuti at malawak itong cafeteria kaya naghanap akong ng hindi kami makikita ng grupo nila gareth.. nang matapos makapag order si heide agad ko itong kinawayan para makita nya kung asan ako.. "zaraine naman ang layo layo naman itong nahanap mong pag pwestuhan natin... ''
"ok naman ahh.. mas maganda dito wala masyadong tao.. "
"alam mo ikaw ahh.. na wiwirdhan na ako sayo,, para kang may pinag tatguan.. o ayan kumain kana"
inabot nito sakin ang ang platong may kanina at ulam.. nag umpisa na kaming kumain ,kahit malayo natatanaw ko parin ang pwesto nila gareth,, natigil ako sa pag subo ng makita itong may katabing babae at naka akbay pa ito.. " te bakit huminto ka? di ba masarap ? sabi sayo ikaw na pumili ng pag kainmo..'' hindi ako kumikibo kaya sinundan nito ang mga tingin ko " te sino tinitingna mo jan? "
"ha? wala may naisip lang ako " pinag pa tuloy ko na ang pag kain at binilasan ko itong tapusin..
"dahan dahan"
bigla akong nabulunan para bang di ako maka hinga at nanikip ang dibdib ko..
"ok ka lang " hinimas himas nito ang likoran ko " tu_big"
"sandali kukuha ako." nagmamadali itong tumakbo para kumuha ng tubig
sa sobrang taranta nito naka agaw ito ng atensyon ng mga tao sa paligid kaya pina libutan kami ng mga tao... "excuse me Zaraine? what happened ? are you ok?"
"what happen to her? "
''nabulunan ata sya" sagot ni heide
agad ako nito pinatayo at niyakap ng patalikod ang mga braso nito naka pulupot sa may sikmura ko at itinaas baba ako hangang sa guminhawa ang pakiramdam ko.. s**t ang daming tao nakakahiya..
''gareth ? what's the problem ? is she ok?" tanong nung babaeng inakbayan niya kanina
''she just choked but dont worry she's ok now" tumingin ito sakin ''sige alis na kami be careful nextime" tumango lang ako at umalis na sila, nakahawak ito sa bewang ng babae at nag tatawanan tipong mag ka relasyon ang mga ito.. "ang sweet naman nila" sambit ni heide.. "pero bakit kilala ka niya?" dugtong nito "pamangkin sya ng amo ko" paliwanag ko
"amo? nag tatrabaho ka?"
''working student "
"ow i see, pero ang gwapo nya no? pero mas type ko yung isa yung maputi na chinito?" si james ang tinutukoy nito.. " girlfreind nya ba yun?"
"malay ko ngayon ko lang nakita yun "tumahimik kami ng may dumaan na ilang studyante
"ang ganda talaga shareena no bagay na bagay sila ni gareth''
"oo nga nakaka ingit"
napatingin nalang ako sa mga dumaan na studyante 'shareena pala pangalan nya.. '
"tara zaraine baka malate tayo'' inaya na akong bumalik sa klase ni heide kinuha ko na ang bag ko at sumunod nalang sa kaybigan...natapos nalang ang tatlong klase ko na walang pumapasok sa utak ko , feeling lutang nakakainis..
*******
kinabukasan:
maaga akong pumasok .. medyo refresh na ang utak ko ngayon kaya nasa good mood ako.. buti nalang at pag pasok ko kanina naka ngiti ang gwardya good news yun sakin at pampa good vibes.. sa unang klase namin binigyan lang kami ng maikling pasusulit ni prof. mindez, dahil good vibes nasagutan ko ito.. sana araw araw good vibes lang.. " zaraine gusto mo bang sumama sa labas? lakad lakad naman tayo nakaka buryong dito sa classroom tsaka mamaya pa yung klase natin.''
"sige pero saglit lang tayo, sa pag lakad lakad namin biglang tumunog ang cellphone ko. pag tingin ko sa screen mommy ni gareth.. ''hello po?"
"zaraine naistorbo ba kita? "
"ok lang po wala pa naman ang prof namin.. "
"tintawagan ko kasi si gareth di nya sinasagot baka pwede mo syang puntahan ?"
"sige po" binaba na nito ang tawag at huminga ako ng malalim "heide may pupuntahan lang ako "
"sama na ako." tumango na lang ako kesa kulitin pa ako nito.
"san kaba pupunta? dun sa building ng mga engineering "
"talaga? diba engineering sila gareth ?!"
"pano mo naman nalaman?'"
"hello inistalk ko sila lalo na yung james! ang gwapo nya talaga!"
napapailing nalang ako sa tinuran nito , nang marating namin ang classroon nila agad akong napansin ni jonas, kumaway ito nang makita ko maya-maya lumapit ito..
"ah jonas pwede ko bang maka usap si GAreth? "
''naku pupunta ng locker room ,kaka alis nga lang eh"
'ah ganun ba, sige puntahan ko nalang salamat"
'welcome.' tumalikod na ito pag katapos akong kausapin pero yung kasama ko tila nanginginig na sa kilig
"huy! tayo na!" hinila ko na ito tila maiiwan ang leeg kakasilip sa crush nya..
"ang gwapo nya talaga!!'"
binabagtas na namin ngayon ang daan papuntang locker room ng mga boys,, katabi lang nito ang locker room ng mga girls..kaya di ako gaano nababahala.. pag karating namin agad dumeretso si heide sa comfort room ng mga babae.. at ako naman hinihintay si gareth na lumabas pero ilang lalaki na ang nakakalabas pero walang anino ni gareth kaya sinilip ko ito sa loob pero wala ng tao... kaya naisipan ko pumasok pero ganun nalang ang narinig ko mula sa isang banyo mga humahangos kaya medyo lumapit ako para masiguro kung may tao.
. "Gareth dahan- dahan please masakit eh" lumaki ang mata ko sa narinig napatakip ako ng bibig at dahan dahang umatras at tumakbo.....
"zaraine! sandali! " napa hinto ako ngtawagin ni heide.. "bakit kaba tumatakbo? oh namumutla kapa??ano bang nangyari sayo?"
"ha ahh wala! nagulat lang ako para kasing may multo dun sa locker ng mga boys.."
"multo ka jan?? ang aga aga eh'"
"tara na nga" hinila ko na ito baka ano pa ang masabi ko .. sasabihin ko nalang sa mommy nya na may klase pa ito..