chapter 1
SOMEONE'S POV:
"Sige pa. konti nalang lalabas na anak mo Lina. konting iri pa,"
pasigaw na utos ni Manang Nora, na isang komadrona. Sinisilip nito ang ilalim ng kumot na naka-takip sa pagitan ng hita nito. Nasa bahay lamang ito na-nganak sa bahay ng pinsang si Minerva.
Napahawak si Lina, sa ulunan ng kama na hinihigaan. Upang maka kuha ng lakas. Napangiwi ito sa sakit, na naramdaman ng mag-simula itong umiri.
Ilang sandali pa. Iyak ng sangol ang maririnig sa kabuuan ng tahanan. Agad binalot ito ng puting lampin at ngayon ay karaga-karga na ni manang Nora, ang anak nito.
"Babae, ang anak mo lina. napakagandang Baby.'' Natutuwang turan nito,
"Heto kunin mo s'ya," nawala ang ngiti sa labi ni manang Nora ng hindi ito pansinin ni Lina. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana.
''Ilayo nyo sakin, ang Batang 'yan!" Lumuluhang turan nito.
"Pero Lina, anak mo ito!?"
''Sige na, manang Nora. paliguan nyo na ang Sangol, para mabihisan na s'ya," utos ni Minerva
"Lina. magpahinga ka muna. ako na ang bahala sa Anak mo. "
Napabuntong hininga lamang itong si Minerva. Puno ng awa ang kan'yang nararamdaman para sa pinsan n'ya.
hindi matanggap ni Lina ang pang iiwan sa kanya ng Tatay ng Anak nya.
Nakatakdang ipa-kasal ito sa ibang Babae kaya Iniwan s'ya ng hindi nalalaman na nag-dadalang Tao ito.
Pero naglakas loob ito na lapitan ang dating karelasyon upang ipa aalam na buntis ito. Pero lagi itong hinaharang ng Asawa. Pinagbantaan na papatayin silang mag-Ina kapag hindi Siya titigil. kaya sa takot niya ay umuwi ito sa bahay ng Pinsang si Minerva. At doon napiling mag-tago hangang sa naka-panganak ito.
Lumipas ang ilang araw. Unti-unti ng napapalapit sa kanyang puso ang Anak.
ngunit dahil may bubuhayin na syang supling. kinakaylangan nya ng mag hanap ng trabaho para may pang tustus sila sa pang araw-araw.
Kinakaylangan niyang iwan ito sa Pinsan nyang si Minerva.
Simula ng alagaan ni Minerva ang Bata. Ay halos s'ya na ang kinikilalang Ina ng Batang si Zaraine.
"Six Years Later"
"Zaraine Llanes."
tawag ng kanyang Guro. Nasa unang baitang na ito.
nag taas ito ng kanang kamay upang makita agad ng Guro.
"Present po Teacher!"
Guhit sa labi nito ang matamis na ngiti.
tumayo ang guro sa harapan ng mga bata.
"Ok Children. excited naba kayo bukas sa Family day natin?"
"Opo Teacher!"
Sabay-sabay na sagot ng mga bata.
''So kasama nyo dapat si Mommy, Daddy, Ate at Kuya!"
"Yehey!" sabay-sabay na hiyaaw ng mga Bata,
Maliban kay zaraine na pinapanood lamang ang mga kaklase na tuwang-tuwa.
****
"Tita? Family day daw namin bukas. hindi po ba uuwi si Mama at Papa?"
Napahinto si Minerva sa pag-huhugas ng plato ng marinig ang tanong ni Zaraine. Tila mangiyak ito sa awa na nararamdaman para sa Pamangkin.
Humarap ito at lumuhod para magpantay sila.
"Anak. Makinig ka ha?! Busy ang Mama at Papa mo sa trabaho kaya ako nalang ang sasama sayo bukas hmm?''
"Pero kaylan po ba sila uuwi? Yung
mga Kakaklase ko laging kasama mga Mama at Papa nila. Ako lang yung wala."
hindi masabi ni minerva ang dahilan dahil sa hindi pa nito maiintindihan ang buong pangyayari sa buhay nila.
"Hayaan mo tatawagan natin ang Mama mo ha?"
" Zaraine! hali ka na laro na tayo!"
Napalingon ang mga ito ng tawagin ng kalaro. Na agad namang tumakbo ito palabas ng bahay. sinundan lang ito ng tingin ni minerva.
***
''Teka dito ka lang muna Zaraine at bibili lang ako ng maiinom mo"
bilin ni minerva.
Nasa paaralan na sila at dahil sa tirik na tirik ang araw, nauhaw si zaraine kaya bumili ito ng maiinom.
"Zaraine bakit Tita mo lang ang kasama mo? wala kabang Mommy at Daddy?''
Tanong ng kaklase nito,hindi kaagad sumagot si Zaraine. At dahil hindi nito alam ang isasagot nanahimik na lamang ito.
"Baka nga wala, baka napulot lang s'ya sa kalye.''
kantyaw ng isang batang Babae.
''walang Nanay at Tatay. Walang Nanay at Tatay."
Paulit-ulit na kantyaw ng mga kaklase nya.
Umiiyak na ito nang maabutan Minerva, kaya dali-dali nitong nilapitan si Zaraine.
"Hui! anong ginawa nyo kay Zaraine? Aba mga salbaheng Bata to.''
Nag si takbuhan ang mga Bata ng sawayin nito. Lumuhod ito at pinunasan ang mga luha sa pisngi ng Pamangkin
"Tahan na anak. Wag ka nang umiyak."
"Ang Tanda-tanda mo na pinaptulan mo pa ang mga Bata?!"
Napalingon ang mga ito ng may mag salita sa likuran nila. Na isa sa mga magulang ng kaklase ni Zaraine. tumayo si Minerva at hinarap ito
''Anong klaseng Nanay ka?! di mo man lang maturuan ng magandang asal yang Anak mo!"
Mahabang lintaya ni Minerva.
"Aba'y totoo naman ah! Na walang Magulang yang alaga mo!"
Agad nitong tinakpan ang magkabilaang tenga ni Zaraine at hindi na pinatulan pa ang kasagutan.
Matalas nitong tinitigan ang Babaeng mukhang Tigre sa tapang. At
Patuloy parin sa pag-iyak si Zaraine lalo na ang marinig sa ibang Tao na wala siyang Magulang.
"Taha na anak. Wag mo silang paniwalaan ha?!"
***
Makalipas ang ilang araw
"Mama? Mama!" malayo pa lang natanaw na nito ang Ina, kaya agad itong tumakbo at sinalubong ng yakap
"Zaraine! anak."lumuhod ito at niyakap agad nito ang Anak
"Mama! Mis na mis na mis kita"
naiyak ito sa sinabi ng Anak. Kaya napayakap ito ng mahigpit.
"May pasalubong ako sayo!"
Bumuwag ito sa pag-kakayakap ang masayang tiningnan ang mga dala nito.
"Mama salamat po"
Muli itong yumakap sa Ina.
"Lina? ikaw ba yan?!"
tawag ni Minerva ng matanawan nito sa labas ng Bahay ang mag Ina. Kaya agad itong lumapit sa kinaroroonan nila.
"Minerva! kamusta kayo dito?"
"Maayos naman kami. yun nga lang yang anak mo lagi kang hinahanap."
Napatingin sila kay Zaraine na ngayon ay nilalaro nito ang dalang pasalubong na laruan.
Niyakap nito ang pinsan at umiiyak. habang si Zaraine ay tuwang tuwa sa mga laruan na pasalubong ng Ina.
"Tara sa loob ng bahay. Tulungan na kita d'yan sa mga dala mo napakarami naman nito."
Masayang turan nito.
"Para sainyo talaga yang mga yan"
Inilapag nito sa mesa ang mga dalang groceries ng makapasok sila sa bahay.
"Kamusta naman sa trabaho mo?"
"Maayos naman. Kahit papaano maganda ang sweldo."
"Mabuti kung ganon. Ng maka ipon ka."
"Minerva. Ikakasal na ako pero hindi ko pwedeng isama si Zaraine. hindi nya alam na may Anak ako sa pag ka Dalaga."
"Bakit hindi mo sabihin? Kung mahal ka nun. Tatangapin niya ang nakaraan mo."
"Minerva hindi ganun kadali yun. Balak ko namang sabihin pero hindi pa ngayon. Kaylangan kong mag-pakasal at sumama sa America. Para naman ito sa kinabukasan ni Zaraine."
"Lina?! papano na yang anak mo? Kaylangan ka din ni Zaraine. Hindi kaba naaawa sa bata?"
"Hindi mo ako naiintindihan Minerva."
humagulgul ito pero nakatakip ang mga kamay sa bibig para hindi marinig ni Zaraine.
"Minerva. kaya nga ako nandito para makiusap. Paki-usap ikaw na ang bahala kay Zaraine."
"Mama. Aalis ka ulit?!"
Napalingon silang dalawa sa Bata na ngayon ay umiiyak na din.
"Zaraine!"
Niyakap nito ang Ina at humagulgul.
"Iiwan nyo po ako ulit? Mama please po wag na kayong umalis Mama!"
"Tahan na Anak. Magkikita pa naman tayo. magtatrabaho lang ako para may pangbili tayo ng mga laruan mo."
"Mama o_ok lang po k_kahit wala akong laruan basta k_kasama ko po kayo."
Utal-utal na bigkas nito habang umiiyak. Niyakap naman ito ng Ina at hinaplos ang buhok. Masakit sa kanya ang desisyong gagawin. Pero ito lamang ang pwede niya gawin para maka ahon sa kahirapan.
kinagabihan tinabihan ito ni lina sa pag tulog.
"Mama? Gusto ko pag gising ko yakap nyo parin ako ah''
Hinalikan nito ang pisngi ng ina.
"Mama. si Papa kaylan po kaya sya uuwi dito? para Happy Family na po tayo."
Napa-buntong hininga itong si Lina. Parang dinudurog ang kanyang puso sa Nais ng kanyang Anak. Na kahit kaylan ay hindi ito mangyayari na maging masayang Pamilya sila.
"Busy pa sya Anak. hayaan mo sasabihan ko sa kanya na mis mis mo na sya."
sa kabilang kwarto naririnig ni Minerva ang pag uusap ng mag-Ina. labis itong nasasaktan para sa Dalawa.
***
"Minerva aalis na ako. ikaw na ang bahala kay Zaraine. Magpapadala ako ng pera buwan-buwan para sainyo."
Habang nagpa-paalam si Lina. ay
Nakatanaw sa malayo si Minerva. Nagpunas ito ng mga luha bago nilingon si Lina.
"Mag-iingat ka Lina."
Niyakap nito ang Pinsan bago ito humakbang palabas ng pinto.
Pero huminto ito ng marinig ang iyak ng Anak.
"mama?! mama!"
Hahabulin sana nito ang Ina. ngunit hinawakan agad ito ng tiyahin para pigilang tumakbo. Awang-awa sya sa Anak pero kaylangan niya ng umalis. tumalikod na ito at binilisan ang pag hakbang.
"Tama na Zaraine."
"S_sabi niya hindi nya na ako iiwan? T_tita hindi naba ako mahal ni Mama?"
"Ssh"
Wag mong sabihin yan. Mahal ka ng Mama mo''
'"Pero bakit iniwan nya parin ako? Kung Mahal nila ako sana kasama nila Ako. P_pero iniwan nanaman niya ako."
Hindi napigilan ni Minerva ang mga luhang kumawala sa mga mata. Labis itong nasasaktan para sa bata.
"Andito naman ako. Aalagaan kita at mamahalin"
Niyakap na lamang ito ng Tiyahin.
"Nine years later"
"O! Anak isang taon nalang gagraduate kana ng Highschool! pag- iigihan mo pa para pumasa ka."
"Opo Tita! ako pa ba?!"
"At isa pa wala munang Nobyo-nobyo ah hindi pa pwede!"
"Tita? wala pa yan sa isip ko. Study first muna ako alam mo po yan. mag ho- Hongkong pa tayo diba?!"
Sabay nag tawanan ang mag tiyahin. ng biglang napahawak sa ulo si Minerva.
"Tita? ok lang po ba kayo"
"Nahilo lang ako Zaraine"
Halos bulong na pagkakasabi nito. at ng biglang humandusay ito sa sahig
"Tita? Tita?! Tita!!"
Agad itong humingi ng tulong sa mga kapit bahay.
At agad dinala sa hospital.
nagising ang Tiyahin nito na bungaran ang pamangkin na naka tulog sa tabi nito.
hinaplos-haplos nito ang mahabang buhok ni Zaraine.
kasabay ang pag daloy ng mga luha nito.
"Tita? gising na po kayo. nagugutom po ba kayo? Ibibili ko po kayo."
umiling-iling ito tanda ng pag-tangi.
"Anak. Magpakabait ka ha? kung sakaling aalis na ako. Alagaan mo ang sarili mo ha? "
"Tita naman. bakit saan po ba kayo pupunta? di ba ako pwedeng sumama? Diba partner tayo?"
Ngumiti lang ito.
"Anak. Mahal na mahal kita tandaan mo yan"
"Tita naman eh!"
Nagpunas ito ng mga luha at yumakap sa tiyahin.
"Mahal na mahal ko din po kayo. "
"Anak. pwede mo ba akong kunan ng maiinom?"
"Sige po. sandali lang at kukuha ako sa labas."
Nagmamadali itong lumabas ng kwarto. At naghanap ng mabibilhan ng tubig.
Ngunit sa pag balik nito.
Nagkakagulo ang mga Nurses at nag Uunahan sa pag takbo. Nakita nya ang mga ito na pumasok sa kwarto ng tiyahin nya. Kinabahan siya kaya nagmamadali syang pumasok pero hinarangan sya ng isa sa mga Nurse.
"Pasensya na Ma'am bawal po kayong pumasok."
"Pero Tita ko po ang nasa loob!"
Pilit itong pumasok kaya naitulak nito ang babaeng Nurse. Naabutan nya ang Doktor na pilit sinasalba ang kanyang Tiyahin.
''Time of death. 10: 30 am"
Nabitawan nya ang bottled water ng marinig ang sinabi ng Doktor.
Halos hindi niya magalaw ang kanyang mga binti ng humakbang ito.
"Hindi! Hindi pwede Tita!"
Nangi-nginig ito ng maka-lapit sa kinaroroonan ng Tiyahin.
At niyuyugyog nito ang katawan.
"Tita? Tita! Tita gumising ka!''
Umiyak ito ng umiyak habang
Niyakap nito ang wala ng buhay na katawan ng Tiyahin.
"Ma'am, kukunin na po namin ang katawan ng pasyente"
"Hindi! hin_di! Tita please! Bumangon po kayo! wag nyo po akong iwan."
"Ma'am kaylangan na po dalhin sa Morgue ang katawan nito. Pasenysa na po."
Wala na itong nagawa kundi ipinaubaya na sa mga kumuha ng bangkay nito. Napa upo nalang ito sa isang gilid.
Labis ang sakit na nararamdaman ni Zaraine sa pag kawala ng kanyang Tiyahin.
"Tita paano na ako ngayong wala kana? Tita diba pupunta pa tayo sa hongkong? diba ga graduate pa ako? Tita naman eh. Ang daya-daya mo."
kausap nito ang naka himlay na nasa loob ng kabaong.
"Zaraine. anak magpahinga ka muna makaka sama sayo ang labis na pag pupuyat,"
"Dito lang ako! kahit ito man lang amg magawa ko para kay Tita. Makakabawi man lang sa pag aalaga nya sakin!"
galit na turan nito sa ina niyang si Lina.
"Anak patawarin mo ako sa mga kasalanan ko sayo"
Matalas nitong tiningnan ang Ina.
"Kung meron man ang hingan mo ng tawad. hindi sakin! kundi kay Tita! s'ya ang umako sa mga resposibilidad mo sakin na dapat ikaw ang gumawa! mas anak pa ang turing nya sakin kesa sayo! kaya kung pwede lang umalis kana! hindi ka namin kaylangan!"
walang nagawa ang Ina nito kundi umiyak.
****
Matapos ang libing ng Tiyahin nya, nais itong isama sa tinitirhan ng kanyan Ina.
"Anak ikaw lang mag isa dito wala kang kasama kaya sumama kana sakin."
"Dapat noon mo pa yan ginawa! huh! ngayon pa? kaya kong mag isa at mas gustuhin ko pang manirahan dito na mag isa kesa sumama sayo! dahil dito ang bahay ko! dito ako nakatira!"
Tinalikuran nito ang ina kaya walang nagawa si Lina kundi umalis nalang hindi nya mapipilit ang anak na sumama sa kanya.
***
"Zaraine. anong kurso ang kukunin mo?"
Tanong ng kaybigan nitong si Mishelle,
"Di muna siguro ako papasok Mishelle. Mag-tatrabaho muna ako o maghahanap ng pwedeng mapasukan bilang working Student. pero kung papalarin. gusto kong kumuha ng kursong Tourism."
"Pak! bonga yang kurso na yan te. bagay sayo kasi maganda at matangkad ka. pero diba mayaman naman yung napangasawa ng Nanay mo? bakit hindi ka nalang humingi ng tulong?"
"Di bale nalang! mas gustuhin ko pang mangatulong kesa humingi ng tulong sa kanila!"
umiling iling na lamang ang kaybigan nito.
****
Dumating ang Ina ni Zaraine sa araw ng kanilang Graduation. Masaya ito para sa Anak.
"Zaraine. Anak congrats nakaka proud naman at second honor ka."
"Salamat."
Walang ganang sagot nito.
"Ah. Anak kung gusto mo sa bahay kana tumira. At ako na ang mag papa-aral sayo."
Tumingin muna ito sa Ina, at pilit kinakalma ang sarili.
"Salamat! pero kaya kong paaralin ang sarili ko."
"Anak Naman. Pag-bigyan mo naman ako.
"Hon are you done?"
Napatitig si Zaraine sa Lalaking lumapit na may kasamang Batang Babae. Tanchang nasa sampung taong gulang ito.
''Yes hon. Zaraine ang Tito Raymundo mo. At si Veronica. kapatid mo."
"Oh hi. Congratulation Zaraine "
"Mommy is she my Ate?"
"Yes Veronica, say hi to Her."
niyakap nito si Zaraine na ikinabigla niya. may halong inggit at puot ang nararamdaman nito.
''She's coming with us?"
Tanong ng Tito Raymundo niya. Na ikinalingon ni Lina kay Zaraine.
"Hindi. Hindi ako sasama.pasensya na pero uuwi na ako sabahay namin."
Diretsang sagot nito.
Humakbang ito At umalis na sa harap nila.
****
Malayo pa ang pasukan pero nag uumpisa ng maghanap ng matatrabahuan si Zaraine.
At dahil menor de edad pa lamang s'ya. ay halos lahat tinatangihan s'ya ng mga pinag-aaplyan nito.
Pero hindi s'ya sumuko.
Hangang sa natagap ito sa isang Karinderya na malapit lamang sa bahay nila. Kaylangan nyang mag ipon para may pang-enrol s'ya sa susunod na pasukan.
"Sareyn. paki hugasan nga itong bandehado''
Utos ng kusinerang si Aling Inday.
"Opo sandali lang po. "
Inilapag muna nito ang kawali at sandok at inabot ang bandehado.
"Nako talagang bata ka. Kaya mo pa ba?"
"Oo naman po! Kayang-kaya! Sisiw lang to sa'kin."
Halos maputol na ang mga kaugatan nito sa pag-buhat ng Timbang punong-puno ng tubig.
"Nakaka awa ang batang 'yan. ang Bata-bata pa pero nag babanat na ng buto."
komento ng isa pang kusinera.
"Eto na po ang bandehado."
"Sareyn bakit hindi ka kumuha ng scholarship nang sa ganun hindi ka mahihirapan sa pag aaral mo."
"Gusto ko naman po. kaya lang pano naman yung pangkain ko? kaya pagtyagaan ko na po dito malibre lang ako ng pagkain at may konting sweldo ayos na po yun."
"Bilib talaga ako sayong bata ka. O sige na pag-bubutihan mo ang trabaho para may tip ka mamaya."
Nagliwanag ang Muka nito. Kaya mas nag sipag pa ito.
****
Habang busy ito sa pag lilinis ng lamesa sa karinderya. Dumating ang kaybigan nito.
"Zaraine! may magandang balita ako sayo!"
Humahangos na si mishelle ng puntahan nito sa karinderya ang Kaybigan.
"Oh ano nanaman yun? "
"Alam mo ba yung kapit bahay ng pinapasukan ng Tita ko?"
"Oo yung malaking bahay sa Tapat?"
"Mismo! naghahanap sila ng katulong. Mabait yun sila pwede ka mamasukan dun bilang Working Student!"
"Talaga?"
Tila nabuhayan ng loob si Zaraine ng ibalita ni Mishelle amg tungkol dito.
****
kinabukasan sinamahan ito ni mishelle na mag apply.
Bit-bit nito ang Birth certificate at ang ilang documento sa pag-aaral.
"Mishelle. Sa tingin mo. Matatangap kaya ako?"
"Ano kaba! Think positve ka lang."
"Mishelle!"
"Tiya! Mano po. Ito nga po pala si Zaraine."
"Kanina ko pa kayo hinihintay. Mabuti nalang at naka-alis na ang mga Amo ko. Tara nq ihahatid ko kayo d'yan sa tapat kila Sir. Delmundo."
Kinakabahan itong si Zaraine habang papasok sa loob ng Gate ng mga Delmundo.
"Zaraine hihintayin ka namin dito sa labas ah. Siya na ang bahala sayo."
Turo ng Tiyahin ni Mishelle sa Matandang Mayor Doma.
"Senyora, nandito na po yung mag aaply."
"Sige papasukin mo Manang."
Pumasok na si Zaraine. Pag pasok nito iginala nito ang mga mata sa loob ng bahay,
"Wow ang ganda!"
"Maupo ka iha."
Napahawak ito sa dib-dib ng may biglang mag salita
''M_magandang araw po Ma'am. Sir."
"Ilang taon kana iha."
"Seventeen years old po."
"Seventeen? pero under age ka pa para mag trabaho."
"Sir. kung pwede po sana mag woworking student po ako sa inyo. gusto ko po kasi makapag-aral. Pero ok lang po sa'kin kahit walang sahod lahat ng trabaho kaya ko pong gawin!''
Deretsahang lintaya nito.
Nahabag ang mag asawang Delmundo sa sinabi ni Zaraine.
"Ano naba ang natapos mo Iha?"
"kaka graduate ko lang po ng high school gusto ko po sana makapag aral ng kolehiyo. Kaya lang-"
"Nasaan na ba ang mga Magulang mo?"
"Kakamatay lang po ng Tita ko na nag palaki sa'kin. S'ya lang po kasi yung Guardian ko."
"Sige asekasohin mo na ang mga kakaylanganin mo at pwede ka ng lumipat dito sa bahay namin."
Naluluha sa saya si Zaraine. Nais n'yang yakapin ang mag-Asawa ngunit nahihiya ito.
''Talaga po?! Maraming-maraming salamat po''
Lumabas na ito ng mansyon at agad pinuntahan ang Kaybigan.
"Uy Zaraine kamusta!? tanggap kaba?"
Nagpunas ito ng mga luha. Halos hindi ito makapag-salita sa tuwa.
''Uy te ok lang yan. makaka hanap ka din ng mapapasukan."
"Mishelle natanggap ako!"
Bumilog ang mata ng kaybigan at hindi makapaniwala sa sinabi ni Zaraine.
''O eh bakit umiiyak ka dapat masaya ka!"
"Ano kaba tears of Joy ito!"