Zaraine'S P.O.V
"Zara, yung garden ni Senyora. Ikaw ang naka toka dun tuwing umaga, At pag katapos sa kusina ka nanaman. maliwanag?"
"Manang, Zaraine po. hindi Zara. "
"Naku mas gusto ko ang Zara. ang prinsesa ng mga alila,"
sabay kaming na tawa sa biro nito.
"O s'ya. Bilisan mo na d'yan sa pag- aayos ng mga gamit mo at bumaba kana"
Tumango lang ako sa kanya at sinundan ko lamang ito ng tingin hanggang sa makalabas ng kwarto. na mis ko tuloy si Tita Minerva.
Malambing din ito katulad n'ya.
pagkatapos kong magligpit. naka pamalit na din ako ng pangbahay na damit at dumeretso na sa kusina. naabutan ko itong nag luluto
"O. Zara, paki hugasan nga yang mga nasa lababo"
"Manang wala po bang anak sila sir at madam?"
"Meron pero lahat ay nasa America"
Tumango lamang ako sa sagot nito.
"Pero may Pamangkin sila na laging dumadalaw dito. Madalas dito na din natutulog. Kagabi nga lang wala eh. Dumating kasi Ang Mommy nun. Parang tunay na anak na din ang turing nila Senyora sa batang yun."
"Ganun po ba?-"
"Pag-ka tapos mo d'yan paki handa na ang mga pingan sa mesa."
nang maihain namin lahat ng pagkain sa mesa ay bumaba na ang mag asawa
"hmm ang bago nang niluto mo Manang Adel ah!"
Puri ni madam sa ni luto ni Manang.
"Naku po maraming salamat at lagi nyong nagugustuhan ang mga niluluto ko''
"Palagi naman masarap. Kaya tumataba nanaman ako eh." Natawa ito aa sinabi.
"How about you zaraine? marunong ka bang mag luto"
"Ah. Opo Sir. May konti po akong alam"
''Magpaturo ka kay Manang Adel magaling yan"
Sabay tawanan namin.
Masayang kumakain ang mag asawa. nang matapos kumain niligpit na namin ang mga pinagkainan nila
"Manang. ang swerte natin na magkaroon ng mabait na mga Amo"
"Naku sinabi mo pa. kaya ikaw ayusin mo ang pag-aaral mo. Samantalahin mo ang pagkakataon. Hali kana nga kumain na tayo para makapag pahinga na rin tayo."
Nang matapos kaming mag hapunan. nag prisinta na ako ang mag huhugas at mag lilinis ng kusina. Kaya nauna ng pumasok sa quarters si Manang.
Konti lang naman ang mga hugasin at di naman gaano ka kalat ang buong kusina.
Napaka laki nitong Bahay nila. Mabuti nalang at naka sindi lahat ng ilaw. Kundi aatakehin ako nh nerbyos na baka may multo dito.
Nine p.m. sakto at natapos ko na ang mga gawain. Pinatay ko na ang mga ilaw sa kusina tanging liwanag lang ng buwan ang pumapasok sa loob ng kabahayan. Nag-mamadali akong nag-lalakad papuntang Quarters ng marinig ko ang kalansing sa kusina.
Napakamot ako sa ulo sa naisip na baka may pusang nakapasok.
O baka sila madam lang? Para maka sigurado. bumalik ako at baka may kaylangan pa silang ipapagaw. Nang makarating ako sa kusina. patay parin ang ilaw pero panay kaluskos parin ang naririnig ko. Nag umpisa ng magsi-tayuan ang balahibo ko sa batok. Baka may multo nha dito. Naku aalis talaga ako dito! Ayoko ng ganito!
Dahan-dahan akong humakbang at pag karating ko sa pinto ng kusina ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at marahan kong sinilip ang loob.
Nanlaki ang mga mata ko nang maaninagan ang isang bulto ng Lalaki sa tapat ng refregirator. may hawak itong baso at tinutungga ang laman nito.
Lakas loob kong kinuha ang walis. At dahan-dahan akong humakbang palapit dito. Akmang papaluin ko ito sa likod ng bigla itong humarap at agad na nahawakan ang dulo ng walis.
"Sino ka!? Mag-nanakaw ka no?!"
"WAit! Ako mag-nanakaw?"
Hindi ko maaninagan ang mukha nito dahil sa dilim. Pero ang boses nito. tila nakaka akit.
Agad kong binura ang na isip na 'yon.
"Magnanakaw ka! magnanakaw! Manang Adel! may mag nanakaw dito tulong!"
"What?! can you please shut up!"
"Aba! englisero kapang magnanakaw ka!"
Pinalo ko ito at agad nitong nahawakan ang palapulsuhan ko at bigla akong hinila palapit sa kanya.
Nagtaas baba ang dib-dib ko sa kaba at dahil sa dikit na dikit ang aming katawan. Nag-tama ang aming mga mata at amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito.
"Excuse me? I'm not a thief!"
Natameme ako ng bigla itong mag-salita.
Biglang bumukas ang ilaw.
"Zara!"
Tawag sakin ni Manang Adel.
"What's happening here?"
nanatili kaming mag-kadikit at tinititigan ang isa't-isa. Salubong ang makapal at itim nitong kilay.
"This Girl! akala nya magnanakaw ako!"
nag-pumiglas ako para makalayo sa kanya.
"Aba totoo naman ah!"
"No. No. Zaraine. His my Nephew."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Madam. Napalunok ako at dahan dahang binaba ang walis na hawak ko.
''Sorry po! akala ko po kasi..!"
Napayuko ako sa kahihiyan.
"And you GAreth! ginabi kana naman ng punta dito.?"
"Im sorry Tita. Kagagaling ko lang ng Airport."
"Siya nga pala. si Zaraine working student namin."
Sinipat ko ito sa gilid ng mata ko. Pero di man lang ako tiningnan nito.
"Zara tayo na. Senyora pasensya na po. Sir Gareth pag pasensyahan nyo napo si Zara"
Tumago lamang ito kay Manang.
Hinila na ako ni manang patungo sa Quarters.
''Nakung bata ka! buti at di gaano nasaktan si Sir Gareth sa pag palo mo?"
''Manang naman. Bakit hindi nyo naman po nabanggit na Lalaki pala ang pamangkin nila madam na pumupunta dito!"
''Hindi ka naman nag tatanong. O sige na at matulog kana D'yan maaga pa tayo bukas."
na panguso na lamang ako sa katangahan ko.
"Malay ko ba!"
"Ano kamo?"
"Naku manang wala ho."
Napa-pikit at napa ngiwi ako ng marinig ni Manang.
Humiga na ako at pinipilit kong matulog. pero yung nangyari parin kanina ang naiisip ko pano nalang kaya bukas? paano ako haharap sa kanila? bahala na! pinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na rin ako.
****
"Lala. Lalala. Lala. goodmoring mga flowers. Oras na para maligo kayo."
Kumakanta kanta ako habang hawak ang hose. Katulad ng utos sa'kin ni Manang na tuwing umaga didiligan ko ang mga halaman ni madam.
"Hi!"
"Ay palaka!"
Nagulat ako sa taong nasa likuran ko.
"G_good morning sir!"
"Palaka talaga? Sa itchura kong ito mukang palaka?"
"Hindi naman po sa ganun. Nagulat lang po talaga ako."
"Ganun kaba kapag nagugulat? Mapanakit?"
Hindi ako nakapag salita. Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi.
"Pasensya na po kayo kung napag-kamalan ko kayo kagabi."
Bigla itong humalak-hak. Ng kinabigla ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"I'm just kidding! Ang seryoso mo kasi. Zaraine right? "
"Opo sir"
"Ilang taon kana ba?"
"Seventeen po."
"Naku! hindi naman nag kakalayo ang edad natin I'm Nineteen. kaya drop the sir! and po! Gareth nalang."
tumango tango lamang ako dito at tipid na ngumiti.
biglang tumunog ang cellphone nito kaya agad na dinukot mula sa bulsa.
"Ah excuse me"
hinging paumanhin nito.
Tumalikod na ito at sinagot ang tawag.
''Yes Mom."
Tumawa ito ng malakas. Ang weird niya. Bigla-bigla nalang tumatawa ng malakas.
"dont worry it's just a mis undertanding. yes mom. Okey po I love you bye."
Binaba na nito ang cellphone at humarap sa'kin. Nag kunwari naman akong walang pake at patuloy sa pag dilig
"Ah Zaraine. I have to go. Kung hahanapin ako ni Tita Marga paki sabi umuwi na ako.''
''Ah sige makakarating."
Tumalikod na ito at naka ilang hakbang na pero huminto ito at muling humarap.
"By the way. Nice meeting you! sige bye"
Tumalikod na muli ito at nag-mamadaling umalis.
Pinag-mamasdan ko lamang ito ng may ngiti sa labi. Hangang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko.
Ng matapos mag dilig tumuloy na ako sa kusina para tulungan si Manang Adel sa gawain.
"Zaraine umakyat ka sa library ni Senyorito kanina ka pa hinihintay nun"
"Ganun po ba?! naku bakit kaya Manang? baka dahil kagabi?"
"Naku kung ano-ano ang iniisip mo. Baka dahil yun sa pag-aaral mo. sige na umakyat kana."
huminga muna ako ng malalim bago tinungo ang library ni Sir.
kinakabahan ako habang paakyat sa hagdan. Nang nasa tapat na ako ng pinto nito nilakasn ko muna ang loob bago kumatok ng tatlong beses.
"Come in."
pinihit ko ang seradora ng pinto at pumasok.
"Good morning sir. Pinapatawag niyo po daw ako?"
"maupo ka iha."
Tinuro nito ang upuan sa harap ng working table nito.
''kaya kita pinapunta dito para sabihing Enrolled kana"
Naidilat ko ang mga mata sa narinig ko mula dito.
Talaga po? maraming maraming salamat po sir!"
"kaya lang hindi sa Pamantasan. I enroll you at St.Marry College"
"Ho? Di po ba mahal dun?"
"It doesn't matter. I want you to monitor Gareth. mabait naman yun kaya lang napasama sa mga barkada, kaylangan ng Mommy nya na may Sumubaybay dito sa Paaralan. hindi mo naman kaylangan sundan ito parati, irereport mo lang kung pumasok ito sa klase o hindi"
mahabang paliwanag nito
"At isa pa iha. Sana wag mong masamain itong sasabihin ko.
Tinanggap ka namin dito dahil naawa kami sayo. Gusto ko lang na wag mong sayangin ang binigay naming tiwala sayo. Sana naiintindihan mo ako.
"Opo Sir naiintindihan ko po. Pinapangako ko na aayusin ko ang pag-aaral ko."
"Mabuti. sige pwede ka nang lumabas"
pag labas ko nakahinga ako ng maluwag 'akala ko masesante na ako dahil kagabi.
dali-dali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina.
"Manang Adel!"
"Hesus kang bata ka! nakakagulat ka naman bakit kaba sumisigaw!?"
"Enrolled na po ako!"
"Edi mabuti kung ganun!"
'Kaya lang po."
"kaya lang ano?"
"May task po ako na dapat kong bantayan si Sir Gareth."
"Eh yun lang naman pala. gawin mo nalang kung ano yung pinapagawa sayo ni Senyorito"
"Kinakabahan po ako. Baka po kasi-"
"Naku! Ayan kananaman sa akala ng akala mo. Wag kana nga mag isip ng kung ano-ano. sige na. lagyan mo nalang ng pingan yung mesa ng maka hain na tayo. "
Matapos kong lagyan ng mga pingan at kubyertos ang hapag-kainan.
Bumalik ako sa kusina at tinapos ang mga gawain.
'bukas ay lingo. magpapa alam akong mag sisimba. Pupuntahan ko na rin si Mishelle.
"Zara. mamaya samahan mo akong mamalengke ah lingo bukas at pahinga kaya kelangan maka pamalengke ngayon "
''Ah sige po manang."
Muli itong bumalik sa dinning at sa pag balik nito sa kusina ay nag lakas loob akong nagpa-alam.
"Manang pwede ba akong lumabas? mag sisimba lang ako bukas. at bibisitahin ko na din yung bahay namin"
''O sige basta wag ka lang magtatagal ha. baka hanapin ka ni Senyorita."
"Opo manang makakaasa po kayo." kinindatan ko pa ito bago pinagpatuloy sa pag liligpit ng mga kalat.
****
paalis na kami ni Manang papuntang palengke. Naka maong na pantalon lamang ako at pink na blouse. Pinaresan ko na lamang ng tsinelas.
"Jo. maayos naba ang sasakyan? mamalengke sana kami."
"Naku manang alAdel. hindi pa nga po eh nasa talyer pa."
Nagkamot pa ito ng ulo habang nag-sasalita
"Naku ganun ba? sige mag pampasahero nalang kami. hali ka na Zara ng di tayo matrafic."
Sumunod na ako kay Manang Adel papalabas ng gate. pero may bagong dating na nakaparada sa tapat ng gate.
"O manang mukang aalis kayo ahh. "
"Naku! oo nga Sir Gareth mamalengke kami. kaya lang nasiraan ng sasakyan si Jo. kaya mag kocomute nalang kami. "
''Hali na po kayo sumabay na kayo sakin"
"Naku nakakahiya naman. pero sige hindi ako tatangi"
Natatawang lintaya ni Manang Adel.
nasa likuran kami sumakay,
Pag pasok namin sa loob nito. Napaka bango. napatingin ako sa center mirror ng magtama ang mga tingin namin.
Umiwas ako di ko alam pero parang may kakaiba sa tingin na yun.
"Ah Zaraine? balita ko sa St. Marry ka rin daw papasok?"
"ha? ah! O_oo"
Napa tingin si Manang sakin ng mag kanda utal- utal ako.
"kung ganun lagi tayong magkikita dun. Ano bang kurso mo?"
"Business Ad." iksing tanong ko, samatala si Manang Adel nakikinig lang sa amin.
"freshmen?"
"Opo Sir."
Napatingin ulit ito sa center mirror. Naalala ko tuloy ang sinabu nito na wag nang tawaging Sir.
"Ah! I mean Oo. "
tumango tango lang ito.
"Manang san ba tayo?" Muli itong nag tanong. Pakiramdam ko para akong sinisilihan. Lalo na pag nagtatama ang mga tingin namin.
"Sa may Robinson lang kami bababa."
Wala pang ilang minuto narating na namin ito.
''Maraming salamat Sir Gareth"
"Ok Manang ingat kayo."
Tumingin ito sakin at tipid na ngumiti.
"Zara"
"Po?"
"Yung mga tingin sayo ni Sir Gareth parang may laman"
"Ano pong laman?"
"Naku wala. tara na nga!"
si Manang talaga kung ano anong sinasabi. napakamot nalang ako sa batok ko.
***
Maaga akong bumangon at ginawa agad ang trabaho ko sa garden. kaylangan kong matapos ito ng maaga para maaga maka alis at ng maaga makaka uwi mamaya.
"O Zara tapos mo na ba diligan ang mga halaman ni Senyorita? "
"Opo manang. "
"O sige. Kumain kana dyan ng maka alis kana. basta yung bilin ko sayo ha "
"Opo."
Ng matapos makapag agahan naligo na ako. Nang matapos makapag bihis nag paalam na ako kay Manang. At nag mamadaling lumabas ng bahay.
Dumeretso muna ako sa simbahan.
Dati rati dalawa kaming nag sisimba ni Tita Minerva. noong nabubuhay siya. Pero ngayon mag-isa nalang ako.
Matapos ang misa tumuloy na ako kila Mishelle.
"Tao po!"
"Zaraine? naku ikaw nga tuloy ka."
"Magandang umaga po Tita. si Mishelle po?"
"Pauwi na yun. hinatid lang yung mga paninda nya. O ano. kamusta ka sa pinagtatrabahuan mo?"
"Mabuti naman po. Nakapag enroll na rin po ako."
"Naku! napa ka swerte mo parin. Kaya ayusin mo ang pag-aaral mo. "
"Opo. Tsaka pangako ko po yun kay Tita Minerva na magtatapos ako."
"Napaka-bait mong bata ka. O ayan na pala si Mishelle. O sige maiwan ko muna kayo. "
"Sige po Tita. Salamat po."
"Zaraine?!"
"Mishelle!"
"kamusta?"
"Maayos naman."
"Mabuti at naka pasyal ka dito?"
"Oo nga eh. kasi pag may pasok na baka matatagalan bago ako makakapasyal dito."
"Naku bongga ka dai! ok lang na matatagalan. Ako nalang ang papasyal sayo sa mansyon! " kumindat pa ito.
"Naman! welcome ka dun"
Sabay kaming nagtawanan.
matapos namin makapag kwentohan sinamahan nya ako sa bahay namin ni Tita Minerva.
Nasa labas pa lang ako ng gate. Nag uumpisa ng pumatak ang mga luha ko. Sobra kong na miss ito. Lalo na yung mga panahong nabubuhay pa si Tita. masaya kaming tumira dito. halos dito na ako lumaki kasama si tita.
biglang pumatak ang mga luha ko ng makita ang larawan ni Tita na naka sabit sa dinding.
"Besty." Inalo alo nito ang likod ko.
"Namimis ko na sya Mishelle."
"Alam mo. kung nasaan man sya ngayon masaya yun dahil nakikita nyang nasa maayos ka."
pinunasan ko ang mga luha. At humarap kay Mishelle.
"Maraming salamat Mishelle.
"Naku wag ka nang malungkot. sya nga pala yung Mama mo pumunta dito noong nakaraan Lingo. Hinahanap ka alam mo naman na secret lang natin kung nasaan ka."
Tumango lamang ako. Ayoko muna pag-usapan ang tungkol sa kanya.
''Basta. paki tingnan-tingnan nalang itong bahay ah."
"Oo naman ikaw pa."
Mabuti nalang nand'yan ang pamilya nila Mishelle na mapagkakatiwalaan ko.
Nag paalam na akong umuwi. Dahil nangako ako kay Manang na maaga akong babalik sa Mansyon.
Bago pa man ako tuluyang umalis. Nilingon ko muna ang bahay namin ng may ngiti.