chapter11

1939 Words
Zaraine's Pov: "Sana sa susunod na pasukan mag ka pareho parin tayo ng schedule no?" Nasa Cafeteria kami ni Heidi last day nanamin ngayon at bukas umpisa na ng bakasyon, napaka bilis ng panahon parang kelan lang ang unang tungtong sa Unibersidad na ito. "Kahit di naman tayo mag ka pareho ng schedule, mag kikita pa rin naman tayo" iksing sagot ko. "Hmm iba parin yung mag kasama tayo sa klase no, alam mo kasi maswerte ka kasi magaan loob ko sayo!" Humahaba pa ang nguso nito habang nag sasalita, kaya inirapan ko ito "maswerte ka jan!" Halos mapunit ang bunganga nito sa pag tawa, kaya hinayaan ko na ito at pinagpatuloy ang pag kain ko ng Carbonara. Habang sarap na sarap ako sa pag subo, itong si Heidi sinisipa ang paa ko kaya pinanlakihan ko ito ng mata "ano ba?!" Halos diko mabigkas ang sasabihin dahil puno ang bibig ko. Parang may gusto itong sabihin, pero tanging nguso lang nito ang humahaba tila may tinuturo. Kaya sinundan ko ang bawat pinupunto ng nguso nito. Dahan dahan akong lumingon ng mapag sino ang taong nasa likuran ko! Lumaki ang mata ko na tila nakakita ng multo, " Hi!" Bati nito, para akong natuod at parang nag lock ang bunga-nga ko, kaya pasimple nanaman akong sinipa ni Heide, "aray!" Nakatitig parin ako sa taong nasa harapan ko. " are you ok?" Nag alalang turan nito. "Ha!? A_ah oo! Ok lang ako, ka_kamusta? Kelan ka pa du_dumating?" Utal na tanong ko. "Kanina lang, Can i seat?" Turo nito sa tabi ng upuan ko kaya napatingin ako sa bakanteng upuan, " hmm sige upo ka" humakbang ito palapit at umupo, halos dalwang dangkal lang ang pagitan namin kaya amoy na amoy ko ang pabango nito, napatingin ako sa gawi ni Heidi, tila nang aasar ang mga ngiti nito, tumingin muna ito sakin bago binaling kay Gareth. "Hi ako nga pala ang bff ni Zaraine" sabay abot nito ang palad inabot naman ni gareth ang pakikikamay nito. " Gareth! Zaraine's friend" pakilala nito. Pumormang letrang O ang bibig nito ni heidi sabay irap sakin, kaya napa yuko nalang ako at sinipsip nalang ang inumin ko. " by the way mauna na ako sainyo ah kanina pa pala ako hinihintay ng sundo ko" palaam nito, kung alam mo lang ni ayaw pa nitong umuwi kanina tapos ngayon biglang aalis. Tumayo na ito at bitbit ang shoulder bag. " sige bye" naglakad na ito palayo samin at hinatid nalang namin ito ng tingin hangang sa tuluyan na itong nawala sa paningin namin. Tila may dumaang anghel biglang tumahimik . " kamusta " "Kamusta" Sabay naming bulalas, " ok naman" sagot niya, halos apat na buwan lang itong nawala pero bakit lalo itong gumwapo? Diko namalayan nakatitig na pala ako dito,derecho lang ang tingin nito tila may tinatanaw sa malayo " baka matunaw na ako nyan" Iniwas ko ang mga tingin dito bigla akong naka ramdam ng pag-iinit ng muka! Tiyak namumula nanaman ako. "Uy! Biro lang" humarap ito sakin at gumuhit ang ngiti sa mga labi. Hindi ako makatingin ng derecho sa kanya pakiramdam ko matutunaw na ako. "Alam mo na miss ko yang pamumula mo para kasing magic, yung maputla then biglang pupula nakaka amaze" " na miss ka diyan? Di ba pwedeng mainit lang kaya namula?" Dinampot ko ang bag ko at akmang tatayo pero bigla akong napahinto ng titigan ako nito " bakit? May dumi ba ako sa muka? Nag kunwaring pinupunasan ko ang pisngi ko. " tsk! silly wala kabg dumi!" Tumayo ito at humakbang patalikod pero huminto di agad at nilingon ako " let's go?" Bumalik ito sa gawi ko at kinuha ang bag ko. "sandali Gareth! Uy!" Pero di ako nito nilingon dere-derecho lang ang lakad nito papunta sa naka park na kotse. "Gareth ano ba?!" Huminto ito sa tapat ng kotse at nilingon ako, nang makalapit ako binuksan nito ang kotse at ipinasok ang bag ko at sinara ang pinto. " please get in" utos nito "Di mo ba ako tatanungin kung gusto ko bang sumakay sa kotse mo?" "Im sorry! Tara hatid na kita" umikot ito sa kabilang pinto ng kotse at binuksan nito. "Hali ka na," wala na akong magawa, mag iinarte pa ba ako? Kaya lumapit na ako at sumakay na, sinara na nito ang pinto ng kotse. Papasok na sana ito sa may driver seat pero may biglang dumating ng isang grupo ng mga kababaihan, sino paba kundi sila Andy! Hindi ko makita ang muka ni Gareth dahil naka talikod ito sa kotse kaharap nito ang kausap na si Andy! Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila tanging emosyon lang ng muka ni andy ang nakikita ko pataas taas pa ito ng kilay at may ngiting mapang akit, bumilog ang mata ko sa ginawa nitong biglang pag halik kay gareth! Iniwas ko ang tingin sa kanila, parang may kutsilyong tumusok sa dibdib ok, bakit ako masasaktan wala namang kami? Pero ano tong nararamdaman ko? Selos? Napalunok ako ng laway sa na isip. Nagitla ako ng biglang pagbukas ng pinto at biglang pag sara nito, tahimik nitong pina andar ang kotse. Hindi pa man kami nakakalayo biglang tumunog ang cellphone nito, Inabot nito ang bluetooth earphone at kinabit sa tenga. "Yes mom?, yeah I'm with her, yeah on the way na po, yes mom, bye" bigla nito iniliko ang manubela ng sasakyan na pinag taka ko. "Tumawag si mommy, pinag pa alam kana daw nya kay tita" Hanggang ngayon tikom parin ang bibig ko ni hindi ko magawang mag salita! kaya napapansin kong panaka naka itong tumitingin sakin. " Zaraine are you ok?" Tumango tango lang ako sa tanong nito, kahit bumabyahe narinig ko parin ang mabigat na pag buntong hininga nito "nakita mo ba?" Nilingon ko ito na kunwaring nag mamaang maangan . "Ang alin?" "Kung ano man yung nakita mo it's nothing! Baliw lang yung Andy na yun!" Kahit hindi ito naka harap sakin kitang kita ko ang pag salubong ng kilay nito habang nag mamaneho. Hindi na ko kumibo sa nais nitong iparating at nanatiling tikom ang bibig ko hanggang sa narating na namin ang kanilang bahay. Pag bukas ng malaking gate ng bahay papasok pa lang kami sa bungad napansin ko na maraming tao at may mga mesa sa hardin nila ng maipasok nito ang kotse aa garahe agad ko itong tinanong "Anong meron? Bakit parang may party?" Ngumiti lang ito habang tinatangal ang seatblet "basta halika na" pinanood ko lang ito habang lumabas ng kotse, 'ang weird nya' umikot ito at gaya nga kanina pinag buksan nanaman ako nito ng pinto kaya minadali ko ang pag baklas ng seatbelt para makalabas ng kotse. "Come! Puntahan natin si mommy" napatingin ako sa palapulsuhan ko ng hawakan ako nito kaya nagpa tianod nalang ako ng hilain ako nito. Nang marating namin ang hardin kung nasaan ang mga panauhin, at may mangilan ngilan na mga mata ang naka tingin samin, kasi ba naman hangang ngayon hawak hawak parin ako nitong si Gareth! Kaya pasimple kong hinihila ang kamay ko pero lalo nitong hinihigpitan ang pagkaka hawak "Mom!" Naka lapit na kami sa mommy nya pero may kausap ito, ng lumingon ito sa amin ay bakas sa muka nito ang kagalakan. "Gareth!" Tawag ng kausap ng mommy nya "hi tita!" "Happy birthday!" Birthday nya? "Naku ang gwapo gwapo mo na ah! Siguro marami ng umiiyak na babae sayo?!" Abot tenga ang mga tawanan nito kaya naka agaw pansin ito sa mga bisitang nandito, napansin nito na hawak hawak parin ni Gareth ang palapulsuhan ko, "and who is she?" Napatingin sakin si ma'am marieta at Gareth ng magtanong ito. " ah! By the way this is Zaraine!" Pakilala nito sakin " Magandang araw po ma'am" bati ko sa ginang " your too kind iha, tita nalang," "Ah Mom! Tita, maiwan po muna namin kayo" "Ok Son! Take your time, at asekasuhin mo muna si zaraine" Hinila na ako ni Gareth papunta sa bakanteng Mesa "hui bakit di mo sinabi na birthday mo pala?" Pinahila ako nito ng upuan at umupo na ako at ganun din ito, "it doesn't matter, ayoko ko nga sana mag pa party pero itong si mommy ang mapilit," nag sasalita ito habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko "kumain ka nangangayat kana ilang buwan lang akong nawala nagpa slim kana agad?!" Napatingin ako sa kabuuan ng katawan ko tila na alarma ako sa sinabi nito " hindi naman ah?!" "Oo na kung hindi, basta kumain ka kasi mamaya nandito na yung mga asungot kong kaybigan mangugulo nanaman yun hindi ka nanaman makakain ng maayos" sumubo lang ito ng sumubo habang nag sasalita. pati ba naman pag subo ang gwapo parin, kakainis! Sinabayan ko na itong kumain, mapapasubo ako nito ang dami ba naman nilagay na pagkain sa plato ko. "Hey bro! Happy Birthday!" Matapos namin kumain ay siyang dating ng mga kaybigan nya "hi Zaraine" bati ni Jonas. Nginitian ko lang ito pero itong katabi ko tumingin kaagad saakin kaya agad nabura ang mga ngiti ko, "calm down bro ngumiti lang si Zaraine" nag halakhakan ang mga ito. "Tsk! Kumain na nga kayo baka mapasukan pa kayo ng hangin kakatawa dyan!" "Naku Zaraine alam mo bang ikaw lang ang bukambibig nyan habang nasa training kami?" Walang prenong pag salita nitong si Marco "Marco stop!" Pinaningkitan nito ng mata si Marco, at nagkunwari itong ziniper ang bibig. patuloy sa pag iingay ang mga kaybigan nito, tanging mga boses nalang nila ang maririnig, mabuti nalang at nag si uwian na mga bisita ng mommy ni Gareth. "Ahaaaha!" Im sorry! Diko na mapigilan ang pag hikab," hinging paumanhin ni james, tumingin ito sa relo na nasa palapulsuhan. "Hindi ba kayo napagod sa byahe kanina? " tanong nito sa mga kasama, "Ofcourse, kubg di lang birthday ng mahal nating kaybigan malamang knockdown na ako sa malambot kong kama" mahabang lintaya ni Marco " pano ba yan bro! Zaraine mauna na kami. " "Baka pwedeng sumabay?!" Napalingon silang lahat sa akin!. "No! Ihahatid kita!" "Pero Gareth gabi na" "Kaya nga ako ang maghahatid sayo kasi gabi na" "Lets go guys mukang matatagalan pa sa pag tatalo yang dalawa" biro ni Marco. Tumalikod na ang mga ito naiwan kaming nakatanaw sa kanila. "Mag papalam lang tayo kay mommy, tapos alis na tayo" Tumango lang ako at sumunod na ako sa loob ng bahay. "Mom?" Nagyon lang ako nakapasok sa bahay nila kaya ginala ko ang paningin aa loob ng bahay, malaki din ito pero mas malaki ang bahay nila senyora "Son! Zaraine!" Nilingon namin ang mommy nya mula sa kusina, "Mom, ihahatid ko lang si zaraine" "Oh uuwi kana?" Tiningnan ako nito at nilapitan "ah opo ma'am baka po hinahanap na ako ni manang hehe" " naku alam naman nilang nandito ka tsaka Zaraine" hinawakan ako nito sa magkabilang braso "from now on call me tita hmm?!" Niyakap ako nito "Ah o_ok po Ti_tita" "Ok sige mag iingat kayo" Tumalikod na kami at tinungo ang labas ng bahay. Tahimik lang namin binabaybay ang daan patungo sa bahay nila senyora, nakakailang na nga sa sobrang katahimikan sa pagitan namin. Kaya ako nalang ang unang bumasag sa katahimikan. "Ahm! pasensya kana ah wala akong maibigay sayo na regalo, dimo kasi sinabi" sumulyap lang ito saglit at tumingin uli sa kalsada. "Oo mo lang sapat na regalo na" "Oo na!" Bigla itong nag preno buti nalang naka seatbelt ako, Nakahawak parin ito sa manibela at dahan-dahan itong lumingon sakin "Paki ulit!" "O_o na!" "Are you serious?" Di makapaniwala tanong nito. "Ayaw mong maniwala?!" Agad na inalis nito ang seatbelt at lumapit sakin, halos di ako makahinga sa higpit nitong yakap! "Thank you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD