Chapter 6 Kumunot ang noo ko. Teka lang, sino ba 'to? Kaano-ano ba to ni Sir Liam? Nang mapansin niyang hindi ako gumalaw ay mas lalo pa niya akong pinagtaasan ng kilay. Napabuga ito ng hangin at napahawak pa sa noo na para bang naiistress siya. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko tawagin mo si Liam, gusto ko siyang makausap." Pagkasabing-pagkasabi no'n ay agad niya akong hinawi para makaraan. Ako naman ay hindi alam kung pipigilan ko ba siya o' ano. Pa'no kung magnanakaw 'to? Pero imposible, mukha siyang sopistikada. Napakamot nalang ako sa ulo at isinarado ang gate. Nang lingunin ko siya ay nandoon na siya malapit sa pinto. Jusko. "Teka lang po, ma'am. Sino po ba kayo?" Malakas na tanong ko rito. Hindi niya ako sinagot at nagdire-diretso lang. Patakbo akong lumapit sakanya. "Liam

