Chapter 7 Nang magising ako kinabukasan ay nandito parin sa bahay iyong babaeng girlfriend yata ni Sir Liam. Siya ang nagluto ng agahan, katulad kahapon ay masama parin ang bawat pagtingin nito saakin. Minsan nahuhuli ko pa itong umiirap sa'kin pero dahil nga yaya ako dito, hindi ko nalang pinansin. Bigla tuloy gusto ko ng umuwi sa Lipa. Isinandal ko ang ulo sa pader at naglaro nalang sa cellphone. Sa isang araw ay sasahod na ako, isang buwan na akong katulong ni Sir Liam. O' siguro mas tamang sabihin na kasama ni Sir Liam, tutal naman ay halos wala akong ginagawa dito. Nang tumunog ang cellphone ko ay dali-dali ko iyong binukas. Kanina pa rin kase ako naghihintay ng chat ni Leon. Mula kagabi ay magkausap na kami. Galing daw siyang manila at sa isang araw pa ang balik niya. Iyong video

