Chapter 1

1290 Words
Chapter 1 Hindi ko na inalam kung anong oras nakuwi si Sir Liam. Hindi ko na rin siya hinintay at katulad ng sinabi niya, hindi na ako naghanda ng hapunan para sakanya. Kumain akong mag-isa at pagkatapos kong ligpitin ang mga pinagkainan ko ay pumasok agad ako sa kwarto ko at hindi na ulit lumabas. Kahit maaga pa no'n ay pinilit ko nalang matulog, wala rin naman akong ibang gagawin. Nang magising kaninang umaga ay nagluto agad ako ng agahan. Tulad kahapon, nag patiuna akong kumain, at pagkatapos ay naglinis sa garden. Napahawak ako sa balakang nang makaramdam ng kaunting pagkangawit. Umupo ako sa puting bakal na upuan doon para magpahinga. Ang presko pala ng hangin dito lalo na't pawis ako. Ang sarap sa pakiramdam. Ilang minuto rin akong nakaupo do'n bago ko napansin si Riyo na naglalakad palapit sa'kin. Sa gulat ay napatayo ako at lumayo. "Hindi ka naman nangangagat, 'di ba?" Biglang sabi ko habang nakatitig dito. "Not until I said so." Napalingon ako sa likod ko kasabay ng pagtahol ni Riyo. Nakita ko si Sir Liam na naglalakad papunta sa direksyon ko habang nakangisi. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. Baka kung anong kabwisitan na naman ang gawin ng lalaking 'to. Bigla na namang sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. "Magandang umaga, Sir." Bati ko rito at yumuko. Nang lumakad ako para lagpasan ito ay nagsalita siya. "Ipakain mo nalang kay Riyo ang hinanda mong agahan. Sa labas nalang ako kakain." Hindi ko ito nilingon. Hindi narin ako sumagot at nagdirediretso nalang sa paglakad. Ah, gano'n. Talagang ayaw niyang kainin ang mga niluto ko? Sige. Simula ngayon ay hindi na ako magluluto. Mas maganda na nga iyon. Kahit konti lang ang gawin ko rito sa bahay ay sasahod parin ako. Akala niya maiisahan niya ako? Pagpasok ko sa loob ay agad akong nagtungo sa kusina para kunin ang niluto ko. Pero ang naabutan ko lang doon ay ang mga pinggan. Kumunot ang noo ko at naghalungkat sa lamesa pati sa loob ng ref. Wala na 'yong niluto ko. Kinain niya kaya? Pero imposible. Ang sabi niya ibigay ko nalang daw kay Riyo. Ibig sabihin, iniinis niya lang ako? Unti unting nawala ang pagkunot ng noo ko. Hindi ko alam pero bigla nalang naglaho ang inis na nararamdaman ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at huminga ng malalim. Kung kinain niya, e' di mabuti. Hinugasan ko nalang ang mga pinggan at pagkatapos ay lumabas para magdilig ng mga halaman. Naabutan ko siya doon na nakaupo sa inupuan ko kanina habang nakikipag laro kay Riyo. Yumuko nalang ako at tahimik na naglakad para hindi niya mapansin ang presensiya ko. Nang magsimula akong magdilig, inisip ko na agad ang mga susunod kong gagawin. Kung hindi ako pwedeng pumunta sa kwarto at office niya, pati sa second floor. E' di ang kusina, sala, at kwarto ko lang ang lilinisin ko? Bigla ay nakaramdam ako ng hiya. Ang ganda ng kwartong tinutuluyan ko. May sahod pa, tapos wala naman akong maraming ginagawa. Tsk. Si Sir Liam naman kasi, bakit ayaw niya akong papuntahin sa second floor? or kahit sa office. Para tuloy akong bisita dito. "Anong ginagawa mo?" Napatigil ako sa pag-iisip. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi na rin ako nag-abalang lumingon dahil alam kong si Sir Liam lang 'yon. "Kumakain." Pabalang na sagot ko rito nang hindi parin siya nililingon. Napairap ako sa hangin. "Oh, so you eat grass, too. Nice." Napaungos ako, grass daw. Halaman kaya 'to 'saka mga bulaklak. Ang gwapo tapos tanga. "Do you have anything to do in mind, after that?" "Meron." Diretsang sagot ko rito. "Ano?" Sunod na tanong nito. Ramdam ko ang prisensya nito sa likod ko. Ibinaba ko ang hose na hawak at pinatay ang gripo bago lumingon sakanya. "Maliligo. Magluluto. Maglilinis." Sagot ko at inilagay ang magkabilang kamay sa bewang. Humalakhak ito na ikinakunot ng noo ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? "Naliligo ka? Talaga?" Inirapan ko ito at naglakad nalang papasok. Mas lalong lumakas ang tawa nito. Bwisit. Mahipan ka sana ng hangin! "Dan!" Bigla ay sigaw nito nang makalapit ako sa pinto ng bahay. Nilingon ko ito nang may magkasalubong na kilay. "Ano na naman po ba?" Inis na saad ko rito. "Do you have a boyfriend?" Malakas ang boses na tanong nito. Napataas ang kilay ko. Ano naman ngayon? At bakit niya tinatanong? "Wala!" Naiinis na sagot ko rito. Patawa-tawa siyang lumapit sa'kin habang nakapamulsa. "Sabagay, sino ba namang magkakamali sa'yo?" Sa sinabi niyang iyon ay mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Kung pwede ko lang siyang murahin ay ginawa ko na. Matalim ko itong tinignan bago nagmartsa papasok ng bahay. Nakakainis! Ano naman kung wala akong boyfriend? At anong sabi niya? Wala daw nagkakamali? Excuse me? May mga nanliligaw sa'kin noon, wala lang akong sinagot dahil ayaw ni nanay. Nang marinig kong sumarado ang pinto ay mabilis akong naglakad papasok sa kwarto ko. Mahirap na, baka hagisan ko pa siya ng kutsilyo nang wala sa oras. Napabuga ako ng hangin sa sobrang inis. Ito ang dahilan kaya ayaw ko dito, e. Jusko lang, mukhang tatanda ako nang tatanda dito. Napahilamos ako sa mukha ko. May araw ka rin sa'kin, bwisit. Pagkatapos nang araw na iyon, hindi na ako natahimik. Araw araw kasi ay ganoon ang nangyayari. Para akong binubully na ewan. Madalas ay nasasagot ko siya, mabuti nalang at hindi siya nagagalit dahil do'n. Natural lang, 'no! Hindi ko naman siya sasagutin ng walang dahilan, 'saka hindi ko naman ginusto dito, e. Kung paaalisin niya ako dahil sa pagsagot sagot ko? E' di mainam. Hahanap nalang ako ng trabaho. Nang umuwi ako no'ng isang araw sa'min ay ikinwento ko iyon kay nanay. Pero, hindi raw siya naniniwala na gano'n kasama ang ugali ni Sir Liam. Alam ko namang minsan hindi ako kapanipaniwala pero nakakainis pala pag nagsasabi ka ng totoo pero ayaw kang paniwalaan. Basta nagsabi ako, kaya pag dumating ang oras na hindi na ako makapagtimpi at mapatay ko si Sir Liam, nako nalang talaga. "Danyela!" Inalis ko ang apron ko at pinatay ang kalan. "Bakit po?" Sagot ko at patakbong lumabas. "Quickly! May palaka!" Napalaki ang mga mata ko at napahinto. Palaka? "S-sir? May palaka po?" "Oo, come outside! Bilis!" Ilang beses akong napakurap. Napalunok ako at kahit medyo nakakaramdam ng takot ay lumapit parin ako doon. Paglabas ko ng pintuan ay may biglang tumalon sa harap ko. Palaka! s**t! Nagtitili ako at biglang tumalon papunta sa sala 'saka itinago ang sarili sa mga unan. Nakarinig ako nang halakhak. Ilang minuto akong nasa gano'ng pwesto bago ako nag-angat ng tingin. Nakita ko si Sir Liam na tumatawa habang hawak hawak iyong palaka. Nang titigan ko iyon ng mabuti ay doon ko lamang napagtanto na peke pala iyon. Napapikit ako ng mariin. Talaga bang sinasagad ng abnormal na 'to ang pasensya ko? "Tuwang-tuwa." Sarkastikong sabi ko rito at tumayo. Hindi parin ito tumitigil sa kakatawa. Sinamaan ko ito ng tingin at padabog na naglakad pabalik sa kusina. Napapalo ako sa noo ko at napairap. Talagang wala siyang balak na tumigil, ano? Normal pa ba ang lalaking iyon? E' kung dalin ko kaya 'yon sa espesyalista? Baka may saltik na kaya puro katarantaduhan ang ginagawa. Nang mapadako ang tingin ko sa menudo sa harap ko ay parang may bumbilyang biglang nagliwanag sa ibabaw ng ulo ko. Unti-unti ay napangisi ako. Tumalikod ako at hinanap sa mga cabinet do'n ang chilly powder. Nang mahanap iyon ay agad akong lumingon para tignan kung papunta na siya. Nang hindi ko natanaw ni anino niya ay dali dali ko 'yong binuksan 'saka binudburan ang niluto ko. Ngayon, magkakaro'n kana ng dahilan para hindi kainin ang mga luto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD