Chapter 2

1797 Words
Chapter 2 "Danyela Macatula Lazaro." Halos mahigit ko ang paghinga ko nang tawagin ako nito sa buong pangalan ko. Seryosong seryoso ang mukha ni nanay kaya bigla akong nakaramdam ng takot. Napalunok ako at lumapit sakaniya. Nandito ako ngayon sa bahay namin. At sa palagay ko ay dito na ulit ako maglalagi. Nalaman ni nanay ang ginawa kong paglagay ng chilly powder sa pagkain ni Sir Liam, ang mas malala pa ro'n, mayroon pala siyang allergy sa maaanghang. Agad akong tumawag ng tulong. Gustuhin ko 'mang pigilan na makarating kay nanay ang nangyari, hindi ko narin nagawa dahil nang dalhin namin sa Ospital si Sir Liam ay agad akong umuwi saamin. Sa sobrang takot ay umiiyak ako nang ikuwento kay nanay ang nangyari. Ngayon, alam kong galit siya. Hanggang ngayon ay mabilis parin ang pintig ng puso ko. Mabigat. Nakakapanlumo. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman dahil ako naman ang may kasalanan ng lahat. "Nay, sorry. Hindi ko po alam—" Nabitin sa ere ang sinasabi ko nang putulin ako nito sa pagsasalita. "Hindi mo alam?" Hindi makapaniwalang saad ni nanay. Mukhang siyang disappointed na ewan. "Iyon lang ang idadahilan mo? Danyela, alam mong katulong ka roon, hindi ba? Hindi mo tropa o' kaklase lang si Sir Liam na kapag nainis ka ay maaari mong gantihan. Hindi mo ba ako naiintindihan?" Tila nagpipigil na litanya nito. Napayuko nalang ako. Wala sa sariling kinagat ko ang ibabang labi ko at napabuntong hininga. Ano pa bang sasabihin ko? Tama naman si nanay. Mali ang ginawa ko. Amo ko si Sir Liam at hindi kung sino lang. Palagay ko ay nadala lang ako dahil hindi naman siya nagagalit tuwing sumasagot ako pabalik. "Tumingin ka sa'kin, Danyela. Nakikinig kaba?" Pigil ko ang paghinga nang mag angat ako ng ulo. Nang magtama ang mga mata namin ni nanay ay hindi ko na napigilang mapa iwas agad ng tingin. "Ilang taon kana?" "Nay—" "Sagutin mo ako, ilang taon kana?" Mas rumiin ang tono ng boses nito. "Nineteen." Pigil ko ang paghinga ko sa pagsagot ko. "Nineteen? Pero kung umasta ka para kang bata na walang pinag-aralan. Iyan ba ang natutunan mo sa eskwelahan? Kung gano'n ay sayang lang pala ang ibinabayad ko sa tuition mo dahil simpleng pagrespeto lang ay hindi mo pa magawa!" Nang humiyaw ito ay mas lalo akong nanliit. "Nay, sorry po." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko. "Hindi ko na alam sa'yo, Danyela. Sige. Sana nga ay matanggal ka sa trabaho. Bahala kang maghanap ng bagong mapapasukan na mas maganda pa kaysa sa pagiging katulong ni Liam." Huling sabi nito bago ako talikuran. Nanghihinang napaupo ako sa upuang kahoy at napahilot sa sentido ko. Ano na ngayon ang gagawin ko? Siguradong hindi na ako pababalikin ni Sir Liam. Marahas kong ihinilamos ang mga palad ko sa mukha ko bago ilang beses na pinalo ang sariling noo. s**t. Ano nang gagawin ko ngayon? Ilang minuto rin akong nasa gano'ng posisyon nang may maramdaman akong presensiya sa gilid ko. Nang magtaas ako ng tingin ay nakita ko si Tatay. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Muli akong yumuko at sinabihan ang sarili sa isip. Wala na akong mukhang maiharap kay tatay. Alam ko disappointed na rin siya sa'kin. "Anak," pagtawag nito sa'kin. Otomatikong napaangat ako ng tingin. "Po, tay?" Huminga ito ng malalim. "Pagpasensyahan mo na ang nanay mo, galit lang iyon kaya gano'n." Napatitig ko rito. Pakiramdam ko ay hinaplos ako sa sinabi niya. "Tay.." "Ayos lang iyan, anak. Kung matanggal ka, marami pang ibang trabaho diyan. Tingin ko naman ay walang mali sa ginawa mo, eh. Kung talagang masama ang ugali ng lalaking iyon, eh tama lang iyon." Saad nito nang nakangiti sa'kin. Napalabi ako at tumayo para yakapin si Tatay. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi siya galit? Pinigilan ko ang sarili kong maging emosyonal. Napaka-konsintidor nitong si tatay. Niyakap ako pabalik ni tatay sabay hagod sa likod ko. "Huwag kang magdadamdam sa nanay mo ha? Hayaan mo't lilipas din iyon." Hindi na ako nakapagsalita at napatango nalang. Maya-maya, nakarinig ako ng ilang busina na nanggagaling sa labas. Nang silipin ko iyon ay namukaan ko agad kung kaninong kotse ang nakaparada sa labas ng bahay. Umawang ang mga labi ko nang bumaba si Riyo ng sasakyan. Imposible. Wala sa sariling lumabas ako ng bahay para lumapit sa sasakyan. Bigla na namang lumakas ang t***k ng puso ko. Napalunok ako habang nakatitig sa itim na kotse sa harap ko. Nang bumukas kabila pang pintuan ng kotse ay iniluwa no'n si Sir Liam. Pigil na pigil ang paghinga ko lalo na nang magtama ang mga mata natin. Agad akong nag-iwas ng tingin. "S-sir Liam." Si nanay iyon. Nang lingunin ko ito ay agad siyang naglakad kay Sir Liam para alalayan ito. "Kamusta na ho kayo? Maayos na po ba ang pakiramdam niyo?" Hindi ito sumagot at diretso lang ang tingin sa'kin. "Sir.." mababa ang tinig na tawag ko rito. "Apologize." Napatigagal ako sa narinig. Ilang beses pa akong napakurap bago nagsalita. "Po?" "Apologize and I'll reconsider you." "Danyela." Tawag sa'kin ni nanay nang may halong pagbabanta. Tumango ako at yumuko. "Sorry po, Sir." Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Accepted." Nang magtaas ako ng tingin ay nakita kong kay nanay na nakatuon ang atensyon niya. Napansin ko narin ang mga kapitbahay namin na nanonood sa'min na para bang mga artista kami na nagshoshooting. "S-sir Liam, pasok po muna kayo." "Hindi na. I just went here for your apology. Your choice to pick, come back to the house with me or quit." "P-po?" Biglang bumalatay sa mukha nito ang iritasyon. "Danyela, bingi kaba?" Napatikom ako ng bibig. "Opo, Sir. Sasama ako." Naglakad ako patungo sakanila at hinarap si nanay. "Nay, sorry ulit." Umiling ito. "Huling chansa na ito, Danyela. Pakiusap sana ay hindi na ito muling mangyari." Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Liam. "It's okay, Nay Teresita. I'm fine now. And it's my fault anyway. So, yeah." Mabigat at malalim ang tinig na saad ito. Nang lingunin ko si Sir Liam ay nakita ko itong nakatingin sa'kin. Sa unang beses mula nang makilala ko siya, ngayon lang yata siya may ginawang maganda. Parang bula na naglaho ang bigat sa dibdib ko. Katulad ng sinabi ko, sumama ako sakanya. Hindi ko alam kung okay naba kami ni nanay. Pero sa palagay ko ay may kaunti parin itong galit pero hindi na katulad ng kanina. Nang mapabaling kay Sir Liam ang tingin ko ay hindi ko naiwasang hagurin ito ng tingin. May mga pantal parin ito pero hindi na kasing visible katulad kahapon. At teka, kailan pa siya nakalabas ng Ospital? Sinong kasama niyang umalis do'n? Okay naba talaga siya? Gusto ko sanang magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko. Ano namang karapatan kong magtanong? Ako naman ang may kasalanan kung bakit siya na-allergy. "You're silent." Pambabasag nito sa katahimikan. Ilang segundo rin akong hindi nakapagsalita. Huminga ako ng malalim.."Sorry po, Sir Liam. Hindi na mauuulit." Nakita ko sa salamin ang pagngisi nito. "You look tamed. Come on, allergy lang iyon. You can still do things as a repay for my behavior towards you." Saglit ako nitong sinulyapan para makita ang reaksyon ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Seryoso ba siya? Anong allergy lang iyon? E' kulang nalang nga hampasin ako ni nanay ng walis tambo sa galit. Nang hindi ako sumagot ay sumeryoso ito. "Besides, it's my fault. So don't ever think of changing your way of treating me, I kinda like it." Napakunot ang noo ko. "Bakit po?" "Anong bakit?" "Bakit po hindi kayo galit?" Tumawa ito. "And why would I? That was just an allergy. Hindi ako mamamatay dahil roon." "Pero boss kita." "You're right. But I don't want you to treat me as your boss. Rather, treat me as anything you want. Pero hindi boyfriend, of course." Sabi nito at humalaklak. Napaawang ang labi ko. "H-hindi syempre, never!" Mabilis na depensa ko. Napatawa ito. "Kidding." Hindi na ako nagsalita pagkatapos no'n. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin. Hindi ako makapaniwalang nagagawa niya pang magbiro. At ngayon lang nag sink-in sa isip ko ang ginawa niya kanina. Bakit kaya pumunta pa siya sa bahay namin para sa sorry ko? Hindi ko talaga siya makuha. Wala sa mga sinabi at inaakto niya ang naiintindihan ko. Siguro nga tama ako, may sakit ito sa pagiisip kaya dito siya ipinadala ng lolo niya. Lihim na napangisi ako. Nang makarating sa bahay nila Sir Liam, agad akong nagtungo sa kusina. Wala akong nadatnan na maruruming plato at sa halip ay ulam ang naabutan ko. "I cooked it." Nang lumingon ako ay nakita ko si Sir Liam. "S-sana po ay hindi kana nagluto at hinintay nalang ako." "Ayoko nga, baka lagyan mo na naman ng chilly powder." Nakangising sabi nito. Mabilis na pinamulahan ang mukha ko, napalunok ako at tumalikod. "Hey," Pagtawag nito sa atensyon ko. "I'm kidding." "Sorry po ulit." Napaka-awkward sa tuwing gagamitin ko ang salitang po dahil mukhang magkasing edad lang naman kami. Minsan nga ay nakakaligtaan ko iyong gamitin sakanya. Pero wala naman siyang sinasabi tungkol do'n. Nang makitang walang kanin sa ricecooker ay agad akong nagsaing. Ramdam ko parin ang presensiya niya sa likod ko kaya't hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang. Ingat na ingat ako sa mga kilos ko dahil baka mamaya ay pinagmamasdan nito kung paano ako gumawa sa kusina. "Danyela," dinig kong tawag nito saakin. "Bakit po?" Pinatay ko ang gripo at nilingon ito. Nakasandal na siya ngayon sa pader habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. "I'm serious. You can treat me like your cousin or whatever. And forget what I told you the first time you came here. You can talk to me anytime you want In any way you want." Mahabang litanya nito. "Hindi ko po magagawa ang sinasabi niyo." Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. "Bakit hindi? Nagawa mo na nga 'yon, diba?" Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa. "Sabi ni nanay, dapat daw respetuhin kita." "I respect you too. Kahit ganito ang pagtrato ko sa'yo." "Eh bakit ba gusto mong tratuhin kita ng parang kung sino lang?" Narinig ko itong humalakhak. "So, where's the 'po'?" "E' bakit po ba gusto niyong—" Pinutol ako nito sa pagsasalita. "You're entertaining me. Naaalala ko ang mga pinsan ko nang dahil sa'yo. Ganyang ganyan din ang mga ginagawa nila sa'kin sa twing ginagawan ko sila ng hindi maganda." "Close kayo ng mga pinsan mo?" Kunot-noong tanong ko rito. "Yup." Hindi na ako sumagot pagkatapos no'n. Iyon ba ang rason kung bakit niya ako iniinis? Parang ang babaw naman yata, 'saka bakit no'ng una ayaw niya akong kausapin siya? "Anyway, do you know how to bake?" Muli ay binalingan ko ito ng tingin. "Po? Hindi." Sagot ko habang nakatingin dito. "I'll teach you, then."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD