Chapter 39 Matuwid akong naka-upo habang nakapatong ang dalawang kamay sa ibabang ng mesa. Ang table sa pinakadulo ang pinili kong puntahan. Wala pang limang minuto ako rito at kakatanggap ko lang ng mensahe mula sa sekretarya ni Sir Ruel. Iba ang kutob ko sa pagtawag niya sa'kin. Pero hindi ko naman mapigil ang sarili kong hindi pumunta. Somehow, alam kong konektado kay Liam ang pagpunta ko dito. Alam ni Liam na ipapatawag ako ng lolo niya.. pero bakit? Bakit ako? Lumamlam ang mga mata ko nang may sumagi sa isip ko. Hindi naman siguro ako.. titira ulit do'n diba? Nanginig ang mga kamay ko. Mas naging balisa ang pagkilos ko. I can't. Iyong makita ko palang si Liam na may kasamang iba, hindi ko na kaya. Ang tumira pa kaya kasama ng bago niya? Napalunok ako at tumingin sa labas ng bin

