Chapter 40 They sleep in a separate rooms. Iyon ang unang napansin ko sa unang gabi ko rito. And I think I know why Sir Ruel chose me. Hindi sila gano'ng nag-uusap sa bahay. Kapag kakain, ipaghahain siya ni Liam. Kapag naglalakad sa hagdan, aalalayan. It's more like brother and sister. Kung minsan naman ay about sa business ang topic nito. Kagabi ay nagtipa na ako ng tungkol do'n sa memo ko. Binigay naman sa'kin ng secretary ni Sir Ruel ang email niya, doon ko nalang isesend ang lahat ng gusto nilang malaman. It was awkward. Si Hazey lang ang pumapansin sa'kin, kung minsan pa ay puro pag-irap lang at pang-aasar. Kapag sinusubukan kong lapitan si Liam ay siya na agad ang kusang lumalayo, I hated it. "Ah!" Agad akong napalingon sa taas. Nasa bathroom si Hazey, anong nangyari? Agad

